Chapter 24: The Visitor

687 39 7
                                    



Suho's POV

"Sese sino yan?"-tanong ko kay maknae ng makapasok na ito..

Nagkibit naman sya ng balikat habang pabalik sa inuupuan nya kanina..-"Naghahanap daw ng attorney ehh.. meron ba nun satin?"

Lahat ay napatingin sa babaeng nakasunod sa kanya.. nakakaawa ang mukha nya.. makikita mo ring galing sya sa mahirap na pamumuhay.. nasa early 30's na ata ang edad nya..

Agad akong tumayo at binati sya..-"Magandang gabi sayo.. ano hong kailangan natin?"

"Emergency ba yan? 8:30 pm na kasi.."-biglang sabi ni Chen sabay tingin sa relo nya..

Kaya naman nakatikim ito ng siko sa katabi nyang si Umin hyung.. ayun tumahimik.

"Maupo muna kayo.."-pagbibigay ni D.O ng upuan nya sa babae.

Nag-aalanganin naman itong umupo pero sa huli ay umupo na rin sya..

"Itlog ho! baka gusto nyo.."-welcome remarks ni Tao sa bisita sabay alok nya ng mga tumatagingting nyang mga itlog na ikinagulat ng lahat.. ayun pinitik ni Kris hyung tenga nya.

"It's more acceptable kung tubig ang ibinigay mo sa kanya.."-poker face nitong sabi

"Hyung naman ehh! I'm being nice here!"-sabat naman nito habang ikinakamot ang itlog sa tenga nya.

"Ano po sana ang kalangan nyo?"-nakangiting tanong ni Lay sa kanya.

Natahimik ang lahat at nakatingin lang sa kanya ng unti-unting tumulo ang mga luha nito.. walang nagtangkang magsalita at naka-focus lang talaga sa kanya..


Maya-maya pa ay napatingin ang lahat kay Sunny na naka-wheelchair ng lumapit sya sa babae at inabutan ito ng isang green na medyas.. napatingin naman ang babae sa kanya.. nagpahid ito ng luha at nagtataka kung ano ang ginagawa nya.. maski kami rin naman


"Wag ka ng umiyak.. eto oh kunin mo.."-at mas inilapit nya ang medyas sa babae..-"Wag kang mag-alala hindi ko pa yan nagagamit.. favorite ko kasi ang color green kaya hindi ko sya kayang gamitin.. oh!"-at muli ay mas lalo pa nya itong pinalapit sa kaharap nya pero mukhang hindi naman ito tatanggapin ng isa kaya inilagay nalang nya ito sa lap nya..-"Mga krimstik barnuts chooey choco at polvoron laman nyan.. kainin mo yan ha! bigay pa naman sakin yan ni Santa Claus nung December.. pasalamat ka't mabait ako ngayon.."-matapos ang sinabi nya ay muli nyang ipinaikot ang gulong ng wheelchair nya.. ngumisi sya sa lahat ng makabalik na sya sa dating pwesto nya kanina.

Lahat ay napa-buntong hininga nalang.. iisa lang ang masasabi ko.. kakaiba talaga syang babae.. sige isama mo nalang pala silang lahat.


Muling napatingin ang lahat sa babae nung magpahid na naman ito ng luha.

"Huy miss okay ka lang bah? ano bang problema mo sa buhay? nagbebenta ka ba ng luha?"-tanong ni Hyoyeon sa kanya.

"Isa ka pa Hyo ehh.."-saway ni Taeyeon sa kanya at muling tumingin sa bisita..-"Pwede mo namang sabihin ang problema mo baka may maitulong kami.."-soft na pagkakasabi nya na syang inirapan ni Baek.

"Kung meron mang isa pang magsasalita ng walang kwentang bagay.. you'll be a dead meat.. takte! kanina pa tayo dito.. tanong kayo ng tanong at salita ng kung ano-ano hindi pa natin nalalaman ang pakay nya.."-napa-ayos ang lahat ng upo dahil sa banta ni Yoona.. ngayon naman ay napatingin sya sa babae..-"Ikaw naman Miss kung akala mong malalaman namin ang problema mo sa bawat pagpatak ng luha mo.. pwes nagkakamali ka.. isa pa kung manghihingi ka ng tulong ayusin mo.. marami din kaming problema sa buhay para malaman mo.."

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now