Chapter 28: Mint & Chocolate

688 39 119
                                    


And so I decided na mag-POV na din ang girls..

Sorry for the super duper late update hihi..

Hope you'll like this chapter <3



Seohyun's POV


Papano ba maging sila?


Huminga muna ako ng malalim bago sumandig sa punong kahoy saka muling tumingin sa apat na babae na nagkakatuwaan kasama ang isang kyut na tuta.


Umalis ako ng bahay saka naglakad-lakad hanggang sa napadpad ako sa parkeng ito.


Mabuti pa nga siguro dito dahil malayo ako sa kanila.. malayo ako sa mga taong kakakilala ko lang.. malayo ako kela ate Taeyeon.. ako lang kasi ang naiiba sa kanila.. malayo kela kuya Suho.. sa mga mayayamang tao.. malayo kay Sehun.. sa mapapangasawa kong hindi naman ako gusto.. agad akong napasimangot ng pumasok sa isip ko na mamaya ay matutulog na sila ate Taeyeon sa kwarto ng kanilang mga mapapangasawa.. pero ako heto.. hindi alam kung saan matutulog.. hindi naman pwede sa kwarto namin kasi ni-lock na yun ni kuya Kai kanina pagkatapos ng pag-uusap namin.. bakit ayaw ni Sehun sakin? hindi naman sa gusto ko din sya pero nakakapanliit lang kasi kung ano sya tumingin kay ate Taeyeon at mas kay ate Yoona.. bakit ganun? yung parang may kung ano sa kanilang dalawa


At si Chanyeol.. bigla akong napabuntong hininga ng maisip sya.. kelan ba nya ako tatantanan? yun bang hindi nya ako papakialaman? kasi wala naman talaga akong kasalanan sa kanya ehh.. kinalimutan ko na nga lang yung nangyari dati sa likod ng bahay.. nung dun sya nagsimulang tawagin akong aswang.. ehh ako nga natatakot dun tapos yun pa ang ipagbibintang nya sakin.. bakit ganun sya sakin? nakakasakit na kasi sya.. saka kahit maliitin nya ako hindi man lang ako ipinagtatanggol ni Sehun? sabagay.. ano nga ba ako sa kanya? ano nga ba ako sa kanila? wala naman diba?


Hay.. pwede bang umuwi na lang ako samin? gustong gusto ko na talagang umuwi.. gusto kong bumalik sa simpleng buhay na meron ako.. yung sobrang malayo dito na maski pagkain nila ay hindi ko naman alam ang mga pangalan.. lalong lalo na yung mga luto nila ate Sooyoung at kuya Tao..


Sino ba ang pwede kong mahingan ng tu--- yung shampoo! kailangan kong mahanap yung lalagyan ng shampoo na pinanalunan ko! kailangan kong matawagan yung number dun! yung shampoong yun kasi ang nagpabago ng buhay ko.. yung hindi ko alam na ang premyo pala ay ang magka-asawa..


Mula lungkot ay agad akong napangiti at mabilis na tumayo.. uuwi na ako ng bahay at hahanapin si kuya Kai para pakiusapang bubuksan ang kwarto namin dahil may hahanapin ako.. sana okay lang sa kanya..


Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng pumasok na naman sa isip ko na makakauwi na ako sa bukid namin.. makakasama ko na ulit si Changmin.. ang matalik kong kaibigan..


Hahakbang na sana ako ng may marinig akong tumawag sakin.. agad akong lumingon sa bandang kaliwa ko at nakita si ate Sunny..-"Seohyun! hihi!"-agad syang kumaway sakin na syang nginitian ko naman.. mas naging cute pa sya dahil sa terno nyang purple na casper na pantulog.. oo kilala ko si casper hehe.. yan yung pusa na may laso sa tenga di ba? sikat yun sa bukid namin ehh.. si Casper hehe

Forced Wedding (COMPLETED)Where stories live. Discover now