Ms. Sungit Meets Mr. Sungit


A Christmas Special


A/N: Reminder that the setting and year have been after the Bonus Chapter. It means to say na mag-asawa na sila dito, may kambal na sila at matured na. You can expect that this will be kind of not PG. I hope you enjoy my gift for all of you! Merry Christmas.


**


Alam niyo ba kung ano ang pinakakinaiinisan ko ngayong Christmas?


Oh, huwag niyo naman akong tingnan nang ganyan. Huwag niyo naman akong tingnan na parang malaking kasalanan ang magkaroon ng pinagkakainisan sa Christmas. Tao rin naman ako. Guwapo, oo pero alam mo iyon? Guwapo talaga.



Pero seryoso, nakakainis ngayong malapit na ang Christmas at lahat na lang ata ng tao ay nagsisiksikan, nag-aagawan at parang naghahabol.


Christmas rush.


Napapilig na lang ako ng ulo at napaismid.


Ano pa nga ba?



Anyway, gusto ko lang sabihin sa inyo na mag-asawa pa rin kami ni Fara. Baka kasi magtaka kayo. Puro kami pa-suspense kung ano na ba nangyari sa aming dalawa. Huwag kayong mag-alala, walang sungitan na magaganap. Isang ordinaryong araw lang ito. Ordinaryong araw kung saan nakatanggap na ako ng 10 missed calls at sangkaterbak na texts mula sa misis ko.



"Lalaki, asan ka na? Late na tayo."

 

"Josh!!!"

 

"Kapag wala ka pa rito in 10 minutes, lalayas na ako. Dadalhin ko ang kambal at hindi mo na kami makikita pa!!!!"

 

 

"Ba't 'di mo sinasagot ang phone, sungit!"

 

Yes. Okay lang kami. Wala talagang giyerang magaganap. Mahal niya ako at mahal ko siya, 'yun naman ang importante 'di ba?




Maya-maya ay tinignan ko na naman ulit ang kanina pang umiilaw na cellphone ko. Oo, na-guguilty ako. Pero, para rin naman 'to sa kanya tsaka, gusto ko nga 'yung nag-aalab siya sa galit eh. Nakaka-turn on! Oo, sobrang nakaka-turn on ang misis ko. Sexy na, ang talino pa. Ang swerte ko talaga sa kanya.



Tiningnan ko pa ulit ang mga mensahe at sobrang lapad ng ngiti ko sa nabasa, limang magkakasunod na mga mensahe na naman kasi ang pumasok.



"Baby, are you okay?"

 

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!