Fara and Josh Alternate Universe

[Edited November 02, 2015] Definition of AU (Credits to Stackexchange.com)

 An alternative universe (also known as alternate universe or alternate reality), commonly abbreviated as AU, is a type or form of in which canonical facts of setting or characterization in the universe being explored or written about are deliberately changed. So looking at the definitions, we see some differences.  

First off, I got this idea from Leng (shirlengtearjerky). Ang cool kasi it answer questions such as the big (okay not really big) "what-ifs."

Isa itong alternate universe kina Fara at Josh. What if sa ibang pagkakataon sila nagkita? Papano kung hindi sila Civil Engineering students na dalawa? Or what if hindi sila masungit? (Kaya nga siya "alternate universe"). I hope you have fun reading!

PS: (Nov. 3, 2015) Sana wala na pong maguluhan kasi naloloka ako sa inyo. Maraming salamat! One shot 'to.

**

FARA AND JOSH AU

Pandemonium.

Hinila siya nang hinila ni Charis papuntang field grounds at ito sila ngayon, nakikisali sa mga taong nagsisiksikan at naghuhumiyaw sa mga lalaking hindi niya makita.

"Oh my God! Oh my God! They're here! They're here." Para na itong mamatay at mawawalan ng hininga.

Fara rolled her eyes. Kakatapos lang ng prelims nila sa University kaya naman parang mga nakawalang aso ang mga estudyante. Uhaw na uhaw sa party at parang hindi nakakita ng mga kaibigan for 1 year. She sighed. The first thing she wants right now is to sleep. Ilang araw niya nang kaulayaw ang kape at pitong modules sa nursing.

"Far! Nakikinig ka ba?!" sinigawan na siya ni Charis sa mukha kasi lumilipad na naman ang isip niya. Gusto niya na talagang matulog. Papano nga ba siya nahila papunta sa concert na 'to?

Aaah. Tama. Wala siyang choice. Pagkatapos ng last exam niya ay parang may spring na si Charis na tumatalon-talon at kumikislap ang mata. Papano ka naman hihindi 'di ba? Kaya imbis na sagutin ito ay walang gana siyang nagtanong,

"Anong oras ba ito mag-uumpisa? Matatapos? Uwi na ko." Humikab pa siya dahil ilang araw na siyang kulang sa tulog. Finally, hell week is over!

Bigla naman siyang sinimangutan ni Charis at sumigaw ulit. Sa rami kasi ng taong nagsisikan sa paligid nila, hindi na sila magkarinigan.

"Far, kakarating lang nating, uuwi ka na? Ang killjoy mo na talaga kahit kailan! Ano ka ba! Livid 'yung magpe-perform! Finally, pupunta sila sa school natin para mag-concert at magpromote! Far, alam mo ba ang feeling ng isang fangirl ng isa sa pinakasikat na banda sa Pilipinas?! Isa akong true blooded-Livid fan! Kaya dapat saksi ka sa pagiging fangirl ko para naman maintindihan mo na rin sa wakas ang feeling! Aaaaah! Andyan na sila."

Lahat ng iyon parang minura niya lang sa hangin. Ang rami kasing tao, nakakakulili at nakakasakit sa tainga. Jusko, ang ear drums niya! Eh hindi naman talaga siya fangirl ng bandang "Livid" na 'yan. Ayaw niya ng mahibang katulad ni Charis, nagde-daydream kahit sa gabi.

Mas lalo silang nakulili nang bigla na lang may umusok sa bandang stage at bigla nang nagsipagtayuan at takbuhan ang mga tao. Oh my God, ano na ba ang nangyayari?!

"Far, halika na! Magpe-perform na ang Livid! Aaaaaah! Let's go!" Nanlaki ang mga mata ni Fara nang parang naging beast mode ang kanyang best friend. Ito talagang si Charis Aragon, nakakatakot. Kaya ang ginawa niya, nag ala fangirl rin siya at kumuyog na sa best friend niyang parang nabu-buang.

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!