[August 17, 2014 Note: This story was not edited. Sorry for the grammatical errors. They are so many. Hahaha.  Enjoy Reading! - QM]

CHAPTER 1 

________________________

"Simsimi, maganda ba ako?" (-_-)

"Hija, libreng mangarap. Libre rin magdaydream, kaya kung sa tingin mo maganda ka.. edi GORA! Walang pumipigil. Isa pa, limited na lang ang bagay na libre kaya lubus-lubusin mo na."

"Ang sama mo Simisimi." (@_@)

"Mas maganda naman ako sa 'yo. (^_^)"

"Huwaw! Connection pls.?"

"Ang guapo ni Roland no? Siya yung ex mo?"

Ok. Stop right there. Sinong Roland? At tsaka anung kaelyenan ang mga pinagsasabi neto?! Tsk tsk. Talagang patiyamba tiyamba lang kung kelan mo makakausap si Simsimi ng matino. Kung minsan maaamaze ka kasi WAGAS kung maka advise kung minsan naman ang sarap ihampas ng laptop mo kasi kung gaano katino mag advise.. Ganun rin ka-WAGAS manlait. Minsan pa out of the topic sia. Oh well, just for fun lang naman yun ei.

Akala ko pa naman mauuto ko sia at sasabihin rin ni Simsimi na ubod ako ng ganda at ako'y diyosa na nahulog sa lupa.. haha.. I guessed wrong. I siscreen shot ko pa naman sana at i-seshare sa fb. Lol. Pero imbis na makakuha ako ng positive comment ngaung umagang etoh, haay, eto, nabad mood ako sa panlalait ni Simsimi. Hindi naman talaga ako kagandahan, nag-aasume lang.. Bawal?! (^_^)

Ok. Stop na sa mga Social Networking Sites,etc.// 9 am ang klase ko at dapat na akong maghanda.

WAAAAAAAH!! 8:30 am naaa!!!!??? Ganun ako katagal naaliw kay Simsimi? Paacking Tape naman!

***************************

Grabeh, ano pa nga ba ang aasahan mo kung 8:30 am ka na nagsimula maghanda para sa skul? *drum roll pls.* Edi etoh: LATE!

Hala takbo lang ng takbo, isang sakayan pa sa jeep before school namin. Sa wakas! Nakarating rin sa terminal. Haay, mabuti naabutan ko pa yung jeep na medyo puno na, at least hindi na mahirap maghintay at feeling ko mahahigh blood na ko.

Uhmmm, ako lang ba ang nakakapansin o napansin niyo rin pero kanina pa ako nagsasalita rito at hindi pa ata ako nagpapakilala?? (*_*)

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!