It's not that easy

__________________

Fara's pov

Ang ganda talaga gumising araw-araw. Hmmm... (^_^)

Kahit ng nga may mga panira sa hindi pa umuusbong na lablyp ko.. Ok lang..

Kasi naman.. he never fails to show me that he loves me. =)

Kaya care ko sa haters ko.. Inggit lang sila! Buwahahaha..

Minsan nga talagang hinarangan ako ng mga babae dun sa labas ng gate at pinalibutan.. 

Jusko ek ek naman oh.. Parang pelikula lang?

"Oh? May prayer meeting ba tayo ngayon?" sabi ko sa kanila.

"Ha-ha. Very funny Valencia."

 Aba-aba naman kung makatingin naman tong mga to.

tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa... Ulo hanggang paa.. Ulo hanggang paa..Ulo hanggang paa. Yun, paulit-ulit lang ginagawa nila..  Hindi ba sila nangangalay sa ginagawa nila??!! (-_-)

"oh, tapos na kayong tumingin?" sabi kong nakataas ang kilay.

"Alam mo, hindi ko pa rin lubos maisip na pinatulan ni Josh ang kagaya mo."

"Tama." segunda pa nung mga echuserang friends niya.

"Ano bang nakita niya sa yo ha? Mas maganda naman ako sa yo, mas sexy, porket nanalo kang Ms. University akala mo, ang ganda-ganda mo na?!"

"Tama." Wala na bang gagawin tong mga alipores niya kundi mag"tatama?"

Pero naisip ko na rin na it's not right para patulan ko sila.. Ang dami kaya nila. Baka dumugin ako dito. tsk tsk. Kailangan kong gumawa ng move!

Ms. Sungit Meets Mr. Sungit (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!