Chapter 6

49.2K 1K 136
                                    

Split Again by JellOfAllTrades

Chapter 6

"Sky, teka lang. Yung baon mo!" Pahabol ko kay Raegan.

Binuksan ko yung pinto ng pick up niya at inilapag sa tabi ng bag niya ang naiwanan niyang sandwiches.

"Thanks, Sky." Lumapit siya sa akin mula sa driver's seat at sinalubong ko siya ng isang halik sa labi.

"Sige na, malelate ka na niyan eh." Paalam ko. "Ingat sa pagdidrive."

"Yes, mam!" Ngiti ni Raegan. "Ingat din kayo ni Manong Elmer ha?"

"Yes po." Isinara ko na yung pinto at bumalik sa may tapat ng pintuan ng mansyon. Pinanuod kong makalabas ng gate si Raegan bago ako pumasok sa loob at kunin ang gamit ko.

Half day lang kami ni Raegan ngayon kaya magkasama kaming nakapag-lunch sa mansyon pero dahil may airlines pa siyang pinamumunuan, kailangan niyang pumasok ngayon. Ako naman, para hindi mainip ay babalik muna sa bahay namin para kunin ang ilang gamit kong naiwan doon.

Nagpahatid na ako kay Manong Elmer at nadatnan na lang namin si mama na hinihintay kami.

"Kumain na ba kayo?" Bungad sa amin ni mama.

"Kumain na po," Nagmano ako sakanya.

"Mam Gene, tawagin niyo na lang po ako pag may bubuhatin na. Ako na po magdadala." Sabi naman ni Manong Elmer.

Tumango na lang ako sa kanya at pumasok kami ni mama sa loob ng bahay.

"Ano, kumusta ka na?" Tanong sa akin ni mama. "Si Raegan, bakit hindi mo kasama?"

"Okay lang kami, ma. Si Raegan kasi may trabaho pa kaya hindi na nakasama. Pero dadalawin ka din namin pag nagka-free time na kami."

Tumango si Mama at pumasok kami sa kwarto ko. Nakakahon na ang karamihan ng gamit ko. Iyong mga naiwan ko noong nakaraang weekend dahil hindi ko naisip na may paglalagyan naman pala ako sa mansyon ng mga Luces.

"Ma, bakit niyo kami pinayagan pumasok ni Raegan sa ganitong relasyon?"

Napalingon sa akin si mama. "Bakit mo naman naitanong yan?"

"Wala lang,"

"Kasi mahal kita at alam kong sasaya ka sa piling niya. Same goes for Raegan." Sagot ni Mama.

Naupo ako sa kama ko at napabuntong hininga. "Bakit ganoon, ma? Mahal din naman si Raegan ng lolo't lola niya. Bakit hindi sila naniniwalang masaya si Raegan sa akin?"

Naupo si mama sa tabi ko at inakbayan ako. "Minsan kasi sa sobrang pagmamahal, ayaw na natin silang masaktan. Pinaghihiwalay na ba nila kayo?"

Umiling ako. "Hindi po, pero narinig namin silang naguusap. Ang sabi nila hindi rin magtatagal at iiwan din ako ni Raegan."

Tinignan akong mabuti ni mama. Magaling siya sa ganito, established na psychologist na kasi siya. "Naniniwala ka ba kay Raegan?"

"Hindi naman niya ako iiwan basta basta..."

"So, anong ikinakatakot mo?"

"Na kapag nakita nilang hindi kami maghihiwalay ni Raegan ay ipagkakasundo naman siya sa iba." Mahina kong sabi.

"Bakit mo pinoproblema ang isang bagay na wala pa naman?" Nginitian ako ni mama at agad akong nakaramdam ng pagkagaan. "Hindi mo nasisiguradong ipagkakasundo talaga si Raegan sa future. Wag mo namang pangunahan, please?"

Natawa ako sa pagpapacute sa akin ni mama. Niyakap ko siya ng mahigpit kasi minsan, nalilimutan kong sabihin sa kanya kung gaano siya kaimportante sa buhay ko.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon