Chapter 31

23.7K 899 291
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 31

"Gene,"

Lumapit si Alexa sa kama kung saan nakayakap si Raegan sa akin at mahimbing ang tulog. Lumabas siya kanina dahil may tumatawag sa kanya. Si Mam Perez naman ay nasa couch lang sa isang bahagi ng kwarto, tahimik na nagsusulat.

"Hinahanap na tayo nila Dan. Let's go back sa Chronos House or gusto mong papuntahin na lang sila dito?"

"Balik na lang tayo," mahina kong sagot, takot na magising si Raegan sa ingay ko.

Lumapit si Mam Perez sa amin. "Anong meron?"

"We need to go back to the Chronos House for Gene's DNA extraction." Sagot ni Alexa, mahina rin ang boses.

Kumunot ang noo ni Mam Perez. "Para saan?"

"It's a long story." Agad kong sagot bago pa maging excited si Alexa na magkwento kay Mam Perez. "Ikwento na lang po namin later."

"Babalik ka mamaya?" Nabuhayang tanong ni Mam Perez.

Tiningnan ko si Raegan sa tabi ko, yung braso niya casual na naka-yakap sa akin. Ni hindi ko magawang umupo para lang makausap ng maayos sila Alexa at Mam Perez dahil ayokong magising siya.

"I guess so. I need to talk to her na hindi siya histerikal." 

Nagkatinginan si Alexa at Mam Perez, yung tingin na tila may pinaguusapan. Matapos ang ilang segundo ay tumango si Mam Perez.

"Tara na, Gene." Aya ni Alexa.

Dahan dahan kong iniangat ang braso ni Raegan at bumangon. Pero hindi pa ako nakakalayo ay nakita kong bumukas ang mga mata ni Raegan, namumula ang mga ito.

"Sky," tawag niya sa akin.

Pakiramdam ko ay nababasag ang puso ko sa pagtawag niya sa akin ng pangalan na iyon. "I'll be back."

Kumunot ang noo ni Raegan at napa-ngiwi siya, tila nasaktan bigla. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"Pahinga ka muna, Raegan."

"My head hurts."

Hinawi ko palayo ang buhok niyang bumagsak sa may mukha niya. "Sleep. I'll be back when you wake up."

Kumapit si Raegan sa akin. "Don't leave me again, please. It hurts."

Huminga akong malalim, pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"I just have to do something para kay Mama. Babalik din ako, okay?"

Tiningnan niya lang ako, tila nagmamakaawang huwag ako umalis. Pumikit ako at muling huminga ng malalim, bahala na nga. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"I'll be back, okay?"

Pumikit si Raegan at saka dahan dahang tumango. 

Nasasaktan mang iwan siya ay tumayo na ako at hinarap si Alexa. Yung tingin niya sa akin ay parang gusto niyang papuntahin na lang dito sila Dan pero bago pa man niya sabihin yun ay naglakad na ako papuntang pinto.

"I'll stay with Raegan until you come back." Narinig kong sabi ni Mam Perez kay Alexa. 

Lumabas na ako ng pinto at napatigil sa may hallway. Pakiramdam ko may naiwan ako sa loob ng kwarto. Yung puso ko, na kay Raegan pa rin. Siya yung naiwan ko.

Lechugas, hindi ko alam kung anong madadatnan ko dito kanina pero hindi ko rin naman inaasahan na makita si Raegan sa ganoon kalalang kalagayan. Pakiramdam ko kasalanan ko lahat kung bakit siya nagkaganoon pero at the same time alam kong malaki rin ang epekto ni Oli sa nangyari kay Raegan. 

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon