Chapter 37

21.5K 744 58
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 37

"Good night na,"

"Good night po," paalam ko kay Mama nang tumigil siya sa tapat ng kwarto niya.

"Good night po, doktora." Paalam ni Hail kay Mama.

"Pasensya ka na kung di na kita maihahatid mamaya ah? Anong oras na kasi, sobrang antok na rin ako. Basta magiingat ka sa byahe ah?" Hinawakan ni Mama ang braso ni Hail. "Maraming salamat sa pagsama sa amin dito."

"Wala yun, dok." Ngiti ni Hail.

"Sige na, good night na. Balitaan mo na lang kami ni Genesis pag nakarating ka na ng Manila."

"Sige po. Good night po,"

Pumasok na si Mama sa kwarto niya at naiwan kami ni Hail sa hallway.

"Can we talk?" Mahina ang boses ni Hail.

"Tara sa kwarto ko," sagot ko dahil alam ko na kung anong paguusapan namin.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay agad kaming sinalubong ni Azula. Nagtatalon siya at parang gusto akong dilaan na naman sa mukha.

Nilaro ko muna siya saglit kasi alam kong namiss niya din ako. Nang medyo kumalma na si Azula ay naupo kami ni Hail sa kama ko. Pumagitna naman agad si Azula at ipinatong ang ulo niya sa hita ko.

"So," panimula ni Hail.

"So?"

"Raegan..."

Huminga akong malalim at inihanda ang sarili sa mga tanong niya.

"Dissociative Identity Disorder," mabagal na sabi ni Hail. "When was she diagnosed?"

"More than two years ago," sagot ko. "Third year college ako."

"Magkakilala na kayo nun?"

"Yes."

"Si Mama mo ang doctor niya? May DID na ba siya nung nakilala mo siya?"

"Si Mama ang doctor niya. Pero depression lang meron siya nung nagkakilala kami. Lumabas yung symptoms ng DID niya nung patapos na yung therapy niya for depression."

"Tell me about it,"

"Di ba babyahe ka na?"

Tiningnan ni Hail ang wristwatch niya. "It'll be fine. I still have some time."

"Fine,"

Ikinwento ko sa kanya yung unang paglabas ni Rae at yung ugali niya. Tapos ay ikinwento ko sa kanya yung paglabas ni Gan at kung anong kinaibahan ni Gan mula kay Raegan at Rae. Sunod na ikinwento ko ay kung pano namin tinrato si Raegan hanggang sa eventually ay nawala na lang si Rae at Gan last year.

Tahimik lang si Hail na nakikinig sa kwento ko. Di pa ako sigurado nung una kung ikukwento ko kay Hail yung tungkol kay Roli pero naalala kong naikwento ko na pala sa kanya before yung nadatnan namin ni Alexa sa condo except di ko sinabi kay Hail na iba ang personality ni Raegan nung panahon na yun. Halata ang gulat ni Hail nang sabihin kong si Roli ang dahilan kung bakit kami nagbreak ni Raegan pero di siya nagsalita or nagtanong at hinayaan lang ako na ituloy ang kwento.

Pero wala naman na akong idadagdag after namin magbreak ni Raegan kasi di na kami nagkita after ko magresign sa Rodriguez Corporation at nagkakilala na kami ni Hail soon after. Alam na niya ang mga sumunod na pangyayari.

Nang matapos ang kwento ko ay tahimik lang kami. Hinahaplos haplos ko ang ulo ni Azula habang inaalala na kung hindi kami nagbreak ni Raegan ay dapat anniversary na namin sa birthday niya next week. December 21.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon