Chapter 25

33.2K 1K 600
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 25

"Kumusta job interview?"

Pinagbuksan ako ni Hail ng pintuan papasok sa coffee shop.

"Okay naman."

"Ano, pasado?"

Nginitian ko lang siya at naglakad papunta sa counter.

"That's rude, Genesis. Answer the question!" Kunot noong sabi niya sa akin.

Di ko siya pinansin at lumapit sa counter kung saan tinitingnan kami ng barista.

"Isang Java Chip na Venti sized." Tiningnan ko si Hail. "Ikaw, Hail. Ano sayo?"

"The usual please." Nakasimangot na sabi ni Hail. Alam mong nabadtrip na siya sa akin.

"Barista's blend po, Dr. Hail?" Kumuha ng cup yung barista at nginitian si Hail.

"Yes," matamis ang ngiti ni Hail sa barista.

Napansin kong mejo namula si ate barista sa ngiti ni Hail. Napaisip tuloy ako kung may gusto siya kay Hail.

"Madalas ka talaga dito?" Tanong ko kay Hail at inabot na yung bayad ko sa barista.

"Yes," ini-slide ni Hail ang isang card sa barista, "Bernice, pa-charge na lang sa card ko yung drink ko."

"Hoy, libre ko na!" Saway ko at sinubukang bawiin yung card ni Hail.

"KKB tayo. Ayoko ng libre mo." Ni hindi man lang niya ako tiningnan.

Sinamaan ko ng tingin si Hail. "Galit ka na niyan?"

Di siya sumagot at napabuntong hininga na lang ako.

"It was fine, Hail. They offered me a position."

"Ay, Bernice, pwedeng ihabol yung dalawang slice ng cheesecake? Sa card ko na lang, please."

"Okay po." Tumango si Bernice the Barista at kumuha ng plates for the cake.

"Ayaw mong ilibre kita pero ako ililibre mo?" Pinisil ko yung braso niya. "Akala ko ba KKB?"

"Sino ba nagsabi na para sayo yung cake?"

Tiningnan ko lang siya. "Seryoso, kaya mo yung dalawang cake?"

"Oo naman."

"Ang takaw mo talaga." Sabi ko na lang. "San mo ba nilalagay yung kinakain mo? Pang dalawang tao palagi yung kain mo eh."

"This brain needs a lot of energy to keep running," tinuro ni Hail ang sentido niya, "di ako pwedeng mawalan ng pagkain. Palagi akong gutom."

"Okay."

Nang makuha na ang order namin ay naupo kami sa isang table sa tabi ng bintana.

"So, ano nang plano mo sa buhay?" Panimula ni Hail.

"Di ko masyado na-feel yung HR kanina dun sa inaapplyan ko. I asked her kasi kung anong experience niya with the company and she didn't really give me a good enough answer. Feeling ko may tinatago siya kaya sabi ko I'll reconsider their offer."

"Teka, akala ko ba ikaw yung ininterview, bakit parang ikaw pa yung magdedesisyon kung tanggap sila o hindi?"

Natawa ako sa tanong niya. "Syempre, it's a two way thing. I work for the company and the company gives me a place to hone my skills."

"But it could also show na ang choosy mo sa work,"

"Kinda true." Natawa ako sa pag amin ko. "But then again, I'm entitled to choose naman di ba? After my first job was ruined for me by my boss, pipiliin ko na this time ang papasukan ko."

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon