Chapter 4

62.3K 1.2K 87
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 4

"Sky..."

Nagising ako sa mahinang ungol na iyon at ang pagharap  sakin ni Raegan para yakapin ako.

Maliwanag na ang paligid kaya naman kitang kita ko ang kagandahan ng girlfriend ko. Di ko maiwasang mapangiti kasi ngayon nalang ulit ako nagising na sya ang una kong nakikita.

Hinawi ko yung bangs nya at hinimas himas ko yung pisngi nya. Ang sarap namang magising na sya ang katabi.

Tulog na tulog si Raegan at katulad noong unang beses ko syang nakitang tulog, para paring syang anghel. Pakpak na lang ang kulang.

"Enjoying the view Mrs. Luces?"

Dumilat si Raegan at nginitian ako.

"Mrs. Luces ka jan?" Pinitik ko yung ilong nya. "Di pa tayo kasal, wag kang epal."

"Eto naman," Hinila ako ni Raegan papalapit sakanya at pinaunan ako sa braso nya. "Sinusubukan ko lang eh."

Natahimik kami pareho at naalala ko nanaman yung sinabi ni Alexa kahapon. Kaya pala hindi sya makauwi, inaayos na ng mommy nya yung kasal nila sa Russia. Kaya pala hindi sya nagparamdam this past two weeks kasi ikakasal na sya at sabi nya hindi nya kaya pag nalaman agad namin.

"Raegan?"

"Hmm?"

"Pano kapag dinala ka nila sa ibang bansa tapos hindi ka pauuwiin ng Pilipinas hangga't hindi nagpapakasal sa iba, anong gagawin mo?"

Nagisip saglit si Raegan at pinakinggan ko nalang yung mahinang tibok ng puso nya.

"Magpapakasal ako."

Inangat ko yung ulo ko at tiningnan si Raegan ng mabuti. Seryoso ang mukha nya. Parang nasaktan ako sa sagot nya. "Magpapakasal ka?"

"Oo naman," Ngumiti sya. "Ipupuslit kita sa kung saang bansa at ikaw ang pakakasalan ko."

Napangiti ako. "Dami mong alam."

Nahiga na ulit ako sa braso nya. Sunday naman ngayon kaya pwede kaming manatili sa kama hangga't trip namin.

Marahang pinaglaruan ni Raegan yung buhok ko at nang sinilip ko sya, nakatingin lang sya sa kisame, tila malalim ang iniisip.

"Galit ka ba sakanya?" Tanong ko. Ramdam ko kasi na iniisip nya parin si Alexa.

"Hindi...Disappointed lang ako."

"Di naman nya ginusto yun diba? Napilitan lang sya."

"Alexa's tougher than that. Hindi yun basta basta nagpapakontrol kay Auntie Cristy." Mahina ang boses ni Raegan, parang bulong. "She always does what she wants kaya hindi parin ako makapaniwala na pumayag syang magpakasal."

"Ginawa nya rin naman na yun para sainyo eh." Mahina kong sabi. "Ayaw lang nya idamay pa kayo pag nagmatigas pa sya."

Bumuntong hininga si Raegan at inangat ang ulo ko para magkatinginan kami.

"Let's not talk about her anymore okay?" At saka sya lumapit sakin para halikan sana ako. Pero dahil nga self-conscious ako, naitulak ko yung mukha nya papalayo.

"Teka!" Napaupo ako.

"Ano ba yan?!" Reklamo ni Raegan at hinimas himas yung matangos nyang ilong habang inaayos ang sarili nya para makaupo. Napalakas nanaman ata yung tulak ko.

"Sorry. Kasi naman eh, bad breath pa ako!" Tumayo ako at dumiretso sa CR sa kabilang side ng kwarto. "Toothbrush lang ako, mauna ka nang magbreakfast."

"Kelan pa ba naging issue sakin kung bad breath ka?!" Pahabol ni Raegan.

"Sayo hindi, sakin oo!" Sagot ko at pumasok na ng CR.

Napatingin ako sa kabuuan ng CR. Malaki kasi at parang pang five star hotel. May shower at bathtub sa kaliwang side, may jacuzzi sa kanang side at sa gitna, directly in front of me ay ang marble counter kung saan merong sink at sangkaterbang gamit ni Raegan. Andun na din yung ibang gamit ko katulad ng toothbrush, lotion, facial wash at kung ano ano pa pero wala pa sa 1/4 ng counter ang naooccupy ng gamit ko.

Pinagsawalang bahala ko nalang at kinuha yung toothbrush ko at nilagyan yun ng toothpaste.

Habang nagsesepilyo ako ay naiisip ko nanaman si Alexa. Sabi nya maguusap daw kami soon, yung katulad lang ng dati na lalabas kami dahil trip lang namin. Grabe, namiss ko talaga sya. Halos limang buwan ko syang hindi nakita sa personal. And to think na sya yung andun sa problema namin ni Raegan bago naging kami pero wala sya sa halos kabuuan ng relasyon namin.

Tatawagan ko sya mamaya para bukas pagkatapos ng trabaho ko ay lalabas kami.

Pagkatapos ko magsepilyo, naabutan kong nakahiga parin sa kama si Raegan. Naupo ako sa tabi nya.

"Bangon ka na jan, kain na tayo."

"Tinatamad pa ako."

"Kelan ka pa tinamad ha?"

"Ngayon lang." Lumapit pa sya sakin at niyakap ako sa bewang. "Pwede na bang ituloy yung kiss? Nabitin ako eh."

"Bumangon ka na muna," Tinanggal ko yung braso nya sa bewang ko. "Tara na, nagugutom na ako."

Umupo si Raegan at hinalikan ako. Ngumiti sya. "What if I'm hungry for something else?"

Pinisil nya yung bewang ko dahilan para mapatikwas at mapatili ako. Malakas yung kiliti ko dun.

"Wag ka nga!" Sinubukan kong tumayo pero hinila ako ni Raegan at nang matumba ako sa kama ay mabilis syang kumilos para pumaibabaw sakin. Nagsimula nang dumagundong ang tibok ng puso ko.

Okay, kalma lang.

Pero pano ba ako kakalma kung nagfaflash sa isipan ko yung nangyari samin sa Boracay?! Hindi naman sa ayokong mangyari ulit yun samin, parang nahihiya lang ako na hindi malaman.

"Raegan..."

"Tinulugan mo kaya ako kagabi." Parang nagtatampong ngumuso si Raegan sakin.

"So?"

"I carried you when we entered the house last night. Honeymoon dapat natin tapos tinulugan mo ako."

"Honeymoon ka jan?! Di pa tayo kasal, wag kang mangarap!"

Inilapit ni Raegan ang mukha nya sakin kaya napapikit na lang ako. Nang walang labing dumikit sakin ay napadilat ako at nakitang nakangisi si Raegan sakin.

"Tinatawa tawa mo jan?" Sinubukan ko syang itulak papalayo pero hinuli lang nya yung kamay ko at inipit yun sa uluhan ko.

Hinalikan nya ako. Smack lang pero parang nangaasar sya.

"Ayan, nahalikan mo na ako, alis na jan." Angal ko. Pero kahit ako aminadong nanghihina ang boses ko.

Hinalikan ulit ako ni Raegan. Pero mas matagal na. Paglayo nya ay damang dama ko na ang pamumula ng mukha ko.

"Nakadalawa ka na.." Lalo pang nanghina yung boses ko.

Ngumisi si Raegan at hinalikan ulit ako. Mas malakas, parang galit, parang nagugutom. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay hingal na hingal na ako. Pero si Raegan hinahalik halikan na ang jawline ko papuntang tenga ko.

"Raegan..." Parang ungol nalang ang boses ko. Nawawala na yung pagpipigil ko kanina. "Tama na.."

Bumalik sya at hinalikan pa ulit ako sa labi. Gusto kong ibaba yung kamay ko para haplusin yung buhok nya pero malakas at mahigpit ang pagkakahawak nya noon sa uluhan ko.

Napaungol nalang ako nang ipinasok nya yung dila nya sa bibig ko. Lalo lang ako naginit at parang kakapusin na ako ng hininga. Pero parang nagsisimula palang kami ay lumayo sya bigla at ipinagpatuloy ang paghalik sa jawline ko papunta sa tenga ko.

Para akong maiiyak sa ginawa nya. Nakakabitin kaya!

Malakas at mabilis parin ang tibok ng puso ko. Hindi na ako magtataka kung naririnig yun ni Raegan lalo na't bumaba na sya sa paghalik sa leeg ko.

Parang nahihirapan na akong huminga. Hindi naman ako nabibigatan kay Raegan kasi hindi sya totally naka-dagan sakin. Gustong gusto ko na haplusin yung buhok nya pero mahigpit ang hawak nya sa mga kamay ko sa uluhan ko. Hinigpitan ko nalang ang hawak sa kanya.

Umakyat ang mga halik ni Raegan at tumigil sa kaliwang tenga ko.

"Say it." Bulong nya.

Ano ba 'to. Sabi ko kanina hindi eh. Pero grabe na eh, nagiinit na ako. Parang di ko kakayanin kapag di pa nya tinuloy.

"Bitawan mo na ako." Pagmamakaawa ko.

"Say it." Parang mas mapusok na ang boses nya. Parang alam nyang nananalo na sya. "Say it and I'll let you go."

Napasinghap ako. Pano ba nagagawa ni Raegan yun? Sobrang erotic pakinggan ng boses nya.

"Sky..."

Humigpit yung kapit ni Raegan sa kamay ko at parang napasinghap din sya bago marahang kinagat yung tenga ko.

"Ahh...Sky..." Napaungol nalang ako.

Raegan, ano ba 'tong ginagawa mo sakin?! TORTURE!

"Say it." Parang nawawalan na ng self control si Raegan. Hinihingal na din sya. "Say it and I'm yours."

Hindi ko na kaya. Gusto ko na talagang mahaplos yung buhok nya. Gusto ko nang maramdaman yung kamay nya sa katawan ko. Ang maramdaman ang naramdaman ko noong nasa Boracay kami.

"I love you."

Bigla bigla ay nawala ang hawak ni Raegan sa mga kamay ko at napunta yun sa laylayan ng tshirt ko. Halos mapunit nya yung damit ko sa lakas ng pagkakahugot nya noon sakin.

Napatigil sya nang makita ang katawan ko. Hindi naman sa nahubaran nya agad ako, nagsusuot pa rin kasi ako ng bra kapag magkatabi kaming natutulog. Precaution lang since alam kong hindi lang kami nakapagpigil sa Boracay. Pero yung kinang ng mga mata nya...Parang iba eh. Parang hindi yung katawan ko ang nakikita nya kundi ako mismo.

Posible bang sa isang tingin lang ay makita nya ang kaluluwa ko? Kasi ganoon ang tinging ibinibigay nya sakin ngayon. Parang nakikita nya ang kaloob-looban ko.

Inabot ni Raegan yung mukha ko at dahan dahan akong hinalikan. Nawala yung pagkapusok nya at napalitan ng pagiingat, para bang natakot sya bigla na baka masaktan nya ako.

Inabot ko yung laylayan ng tshirt nya at hinila yun. Kinapa ko yung tiyan nya at dinama yung abs nya pati narin yung hip muscles nya.

Parang kulang. Hindi ko alam kung ano pero niyakap ko nalang sya bigla. Mahigpit ang pagkakayakap ko dahilan para mapadikit ang buong katawan nya sakin. Nawala siguro yung balance nya kaya nadaganan nya ako. Medyo nagulat pa ako sa bigat nya pero kinaya ko naman. Parang mas nakahinga pa nga ako ng maayos kasi magkadikit na kami sa wakas.

Niyakap ni Raegan yung bewang ko at hinila ako bigla para mapaupo kami. Pero dahil sya yung nagdadala, ako yung nakakalong sakanya.

Hinalikan nya lang ako, mula sa bibig pababa ng leeg papunta sa collarbones ko. Katulad noong sa Boracay ay nanginginig ang mga kamay nya sa pagtatanggal ng hook ng bra ko. Inihagis nya lang yun sa kung saan. Hindi ko na napansin kasi busy na yung isang kamay nya sa paghimas ng dibdib ko.

Para akong mababaliw sa ginagawa nya, lalo na nang naramdaman ko na yung bibig nya sa dibdib ko. Di ko maiwasang masabunutan sya kasi wala naman akong ibang hawak kundi yung buhok nya.

Nababagay nga siguro yung title na Heir of Zeus sakanya kasi sa bawat haplos nya, sa lahat ng dinadaanan ng kamay at bibig nya ay nakakaramdam ako ng mumunting kuryente na halos magpabaliw sakin.

Gusto ko pa sya mahawakan kaya tinanggal ko na yung tshirt na suot nya. Habang abala sya sa dibdib ko ay tinetrace ko naman yung tattoo nya ng limang raven sa shoulderblade nya.

Inihiga ako ni Raegan at tinanggal na nya yung pyjama bottoms ko. Hinagis lang nya yun sa kung saan bago naman nya tinanggal sunod yung panty ko.

Siguro kung hindi ako nagiinit ay dapat nilalamig na ako sa lakas ng aircon sa kwarto. Bumalik ang mga labi ni Raegan sa labi ko at habang nageespadahan ang mga dila namin ay naramdaman ko nalang ang kamay nya sa...sa hiyas ko.

Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Raegan kung saan ako hahawakan o hahaplusin. Parang kilalang kilala na nya yung buong katawan ko kasi sa isang haplos lang napapaiktad na nya ako. Sa isang pisil lang nakikiliti na nya ako. Sa isang halik nya lang ay nababaliw na ako.

Napaungol nalang ako nang ipinasok na nya yung daliri nya sakin. Tumigil sya saglit para pagmasdan ako, para makasiguradong ayos lang ako. Hindi ko nalang ininda yung sakit at hinila ko sya para halikan. Pakiramdam ko kasi gutom na gutom ako para sakanya at ang tanging makakapagpabusog sakin ay yung labi nya saakin.

Malaking tao si Raegan kaya mahahaba ang daliri nya. Pakiramdam ko tuloy abot abot na nya yung kaloob looban ko. Masakit, mahapdi pero mas dama ko yung kakaibang sensasyon na dulot ni Raegan sakin. Yun, kahit papaano ay masarap.

Napahigpit ang kapit ko kay Raegan nang maramdaman kong malapit na akong sumabog. Niyakap ko lang sya para may makapitan ako. Kahit naman kasi nasa gitna kami ng kama pakiramdam ko ay mahuhulog ako mamaya lang. Hinalikan ako ni Raegan para siguro madistract ako saglit.

Malapit na.

Napabaon yung kuko ko sa likuran ni Raegan habang yung isa ko namang kamay ay nasabunutan sya. Nang makapagpakawala na ako ay tumigil na si Raegan. Bumaba lang sya ng onti para halikan pa ulit ako. Niyakap nalang muna nya ako para mahabol ko yung hininga ko.

"Sky.."

Hinihingal din si Raegan, dama ko yung lakas at bilis ng tibok ng puso nya eh. Nang tingnan ko sya ay nakita kong nakangiti sya sakin, yung pisngi nya namumula dahil sa effort.

Niyakap nya yung bewang ko at saka gumulong para ako naman ang nakapaibabaw sakanya. Hinila nya yung duvet para matakpan kami.

Habang tinitingnan ko sya ay napaisip ako saglit. Ako lang yung nakahanap ng release, pano sya?

"Sky...pano ka?"

"We'll get there." Hinalikan nya ako sa ilong.

Ibinaba ko nalang ang ulo ko sa dibdib nya at pinakinggan ang pagkalma ng puso nya. Yung kamay nya'y ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko.

"Sky?" Sabi bigla ni Raegan.

Inangat ko ang tingin ko sakanya. "Bakit?"

"I love you."

Napangiti ako. "I love you too."




-----------------




Alas nueve na pero ngayon palang kami lumabas ni Raegan sa kwarto. Pano ba naman, nagenjoy kami sa sabay na paliligo sa bathtub.

Binati kami ng goodmorning ng mga nadaanan naming katulong at ngiting ngiti sila samin. Di ko tuloy maiwasang isipin na baka alam nila kung anong ginawa namin ni Raegan kanina.

"Anong gusto mong breakfast?" Tanong ni Raegan nang makarating na kami sa dining area.

"Kung ano nalang sayo."

Pumasok kami ni Raegan sa kitchen kung saan naabutan namin sila Manang Fe na nagkakape.

"Oh, Raegan, Mam Gene, tinanghali na kayo ng gising ah." Bati ni Manang Fe.

"Gene nalang po." Sabi ko. "Wag nyo na po ako i-'mam'."

Tumango lang sila sa sinabi ko.

"Manang, anong breakfast natin?" Tanong ni Raegan at nagpunta ng fridge para kumuha ng juice. Inalok nya ako pero umiling lang ako.

"Coffee, Gene?" Alok naman ni Manang Yolly sakin.

"Sige po." Ngiti ko at tinanggap yung mug na inabot nya sakin.

"Dun muna kayo sa table, mabilis lang 'to." Sabi ni Manang Yolly na nagluluto ng bacon at iniinit yung pancakes.

"Tara," Hinila ako ni Raegan palabas ng kitchen.

Walang tao sa dining area kaya nakanakaw ng halik si Raegan sa labi ko. Muntikan ko pa matapon yung coffee na hawak ko sa gulat.

"Wag makulit, matatapunan kita ng coffee sige ka."

"Eh nakakagigil ka kaya." Pinaupo na muna nya ako saka pumwesto sa tabi ko.

"Wag makulit," Pinalo ko yung kamay nya kasi pinisil nya yung tuhod ko. Tama bang ipasok ang kamay sa dress ko?!

Dumating na sila manang Fe na may dala dalang pancakes at bacon. Inihain nila yun sa harap namin.

"Thanks Manang,"

"Sige, kain lang kayo. Sa kitchen lang ako." Paalam ni Manang Yolly. Si Manang Fe naman lumabas papuntang sala.

Nagsimula na kaming kumain ni Raegan, parang ngayon ko lang naramdaman yung gutom. Si Raegan kasi eh, ibang gutom yung binusog kanina.

"Ano nga palang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Raegan habang umiinom ng juice.

"Magsisimba pa tayo. Ewan ko sayo pero magaayos lang ako ng gamit ko after that. Nasa bag pa yung damit ko, andun lang sa walk in closet."

"Tulungan na kita?"

"Wala ka bang assignment? Trabaho? Yung thesis mo."

Tiningnan lang ako ni Raegan. "At pagagawin mo talaga ako ng thesis ngayon?"

"Bakit, masama?"

"Ehh, Sunday, ayoko magaral."

"Tinatamad ka na ha, di ka ganyan dati." Puna ko.

"Nagaaral lang naman ako dati kasi wala akong ibang magawa, ngayon andito ka na kaya ikaw nalang aalalahanin ko."

Binatukan ko nga sya. "Unahin mo yang pagaaral mo! Puro kaanuhan yang nasa isip mo eh!"

Lumabi lang si Raegan. "Para ka namang si Marian eh."

"Maka-Marian ka, ba't di mo sya tinatawag na 'ate'?"

"Pag naiirita ako sakanya walang ate-ate.." Kumuha si Raegan ng bacon sa pinggan ko at sinubo yun.

Hindi ko alam kung nananadya ba sya, wala lang magawa at pinagtritripan ako o ganoon lang talaga sya sumubo ng pagkain kasi yung itsura nya, para syang nangaakit. Hindi ko rin sure kung kumindat ba siya sakin o kumurap lang. Bwisit, ang lakas ng epekto niya sakin.

Tinatapos ko na yung pagkain nang biglang dumating si Manang Fe, hinihingal sya at parang takot na takot.

"Mam Raegan!"

"Oh, manang? Bakit?" Napatayo si Raegan at nilapitan si Manang Fe.

"Sila ano--sila--" Parang hindi alam ni Manang Fe kung pano sasabihin kay Raegan yung balita, kung ano man yun kinakabahan sya masyado.

"Raegan,"

Biglang bumukas yung pintuan at pumasok sa dining area ang isang pamilyar na matandang lalaki. Nakasuot sya ng tweed jacket kaya kahit mukhang nasa 70s na sya ay parang 50s lang ang dating nya.

"King Leo." Napaatras si Raegan at agad na nagbow.

Naalala ko na! Sya yung lalaki sa gitna ng table ng Grand Order. Sya yung nagwelcome samin ni Raegan noong pumunta kami sa Qeuzon at una kong nasilayan ang karangyaan ng Familia Olympia.

Ang taong ito, sya ang lolo ni Raegan!

Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa table at nagbow din sakanya.

Sumunod na pumasok sa pinto ay ang babaeng katabi ni King Leo noon. Pero di katulad sa Quezon kung saan nakaayos ang namumuti nyang buhok sa isang pusod, nakalugay sya ngayon. Ang lola ni Raegan.

"Queen Olivia." Nagbow pa ulit si Raegan sa bagong dating. Syempre ako din.

Hindi ko na napansin na umalis na pala si Manang Fe sa dining area, narealize ko nalang na kaming apat nalang pala ang natitira doon.

"Raegan," Ngumiti si Queen Olivia at lumapit kay Raegan para halikan at yakapin ito.

Pakiramdam ko nagiintrude ako sa private moment nilang mag-anak kaya naiisipan ko nang umalis na din.

"I've missed you, hija. Bakit ba hindi ka na masyadong bumibisita samin?" Tanong ni Queen Olivia kay Raegan at hinawakan ito sa braso.

Matangkad si King Leo, mas matangkad pa kay Raegan kaya walang kaproble-problemang inabot nya ang balikat ng apo nya. Sa kanilang tatlo nagmukhang maliit ang height ni Queen Olivia, pero kung lalapit siguro ako baka hindi nagkakalayo ang height naming dalawa.

"Busy po eh," Ngiti ni Raegan at saka sumulyap sakin. Nginitian ko nalang din sya.

"Ohh..I see," Parang naaliw si King Leo sa pagkakita sakin. "Lady Genesis Beltran, tama ba ako?"

"O-opo," Nanginginig kong tugon. Nakakamanghang isipin na naaalala nya pa ang pangalan ko samantalang dalawang taon na ang nakakaraan noong una akong nakapunta ng Quezon para makita ang headquarters ng Familia Olympia.

Lumapit si Raegan sakin at niyakap ang bewang ko. "Lolo, lola, si Genesis po, girlfriend ko."

Nanlaki ang mata ko at napatingin bigla kay Raegan. Tama bang ipakilala ako agad agad?! Wala man lang warning? I'm not even wearing a nice dress, compared sa members ng Familia Olympia baka mukha nanaman akong gusgusin.

Lumapit si King Leo samin at nginitian ako.

"Finally, ipinakilala mo na din samin ang girlfriend mo." Parang nakahinga pa sya ng maluwag. "You know we're hurt nung una pa namin nalaman sa mga Mercurio na may bago ka na. Everybody knows except us."

"Eh lolo..." Parang nahiya si Raegan.

"At least now we know." Biglang nagsalita si Queen Olivia.

Parang pilit ang ngiti nya. Oh no, baka hindi nya ako gusto para sa apo nya!

Kinakabahan na ako, what if after this meeting paghiwalayin nila kami? Hindi ko kakayanin yun.

Naramdaman ata ni Raegan ang biglaang pagka-tense ko kaya binitawan nya muna ako at nilapitan ang lola nya.

"Tampo pa kayo lola eh ipapakilala ko din naman sya sainyo eh. I just couldn't find the right time. Sobrang busy namin lately eh." Ngiti ni Raegan. "Dun po tayo sa living room? I'll send us some tea or coffee if you want that."

Pinagbuksan ni Raegan ng pintuan ang grandparents nya at pinauna na ang mga ito. Sa labas ay naabutan nila si Manang Fe na naglilinis.

"Manang! Padala naman sila lolo sa sitting room. Kausapin ko lang muna si Manang Yolly." Tapos humarap si Raegan sa grandparents nya. "Dito po ba kayo maglulunch?"

"Sige na hija, we'd like to spend more time with you eh." Tungo ni Queen Olivia.

"Sige po, I'll just give the helpers some instructions. Susunod din po kami agad." Ngiti ni Raegan.

Naglakad na papalayo sila King Leo at Queen Olivia. Hinila naman ako ni Raegan papuntang kitchen para hanapin si Manang Yolly.

"Manang!"

"Raegan, ano nang kailangan nyo?"

"Andito sila lolo't lola. Dito daw maglulunch."

"Susmaryosep! Wala man lang abiso?!" Biglang nataranta si Manang Yolly.

"Nagulat din nga po kami eh. Anyways, pwedeng padala ng tea and coffee sa sitting room? Padala nyo nalang kay Charlie."

"Sige, sige."

"Ikaw na bahala dito Manang, kailangan na naming bumalik sakanila."

"Sige na, sige na." Nagsimula nang maglabas ng mga rekado si Manang Yolly kaya hinila na ako ni Raegan pabalik ng dining area.

"Look, I'm sorry--"

"Ba't ka nagsosorry?"

"Kasi pinakilala kita sa grandparents ko in a very informal manner."

"Ayos lang yun, at least kilala na nila ako ngayon." Kinakabahan ako pero ngumiti nalang ako. "Just tell me something, open ba sila sa ganito? Baka hindi kasi nila ako tanggapin eh."

Hinalikan nya ako sa labi. Parang dumaplis nga lang nga yung labi nya saakin eh pero gumaan na kaagad ang loob ko.

"Open sila, don't worry. And if they don't like you, ako bahala."

"Baka paghiwalayin nila tayo."

Ngumiti si Raegan at hinalikan ako sa noo. "Edi paghiwalayin nila tayo. Ipaglalaban naman kita."

Naalala ko nanaman bigla si Alexa. "Pano kung--"

"Wag ka nang mangamba okay? Everything's going to be fine."

Hinawakan na nya ang kamay ko at saka kami pumunta ng sitting room. Pero bago kami pumasok ay may naalala si Raegan. Tumakbo siya papunta sa kwarto niya at iniwan ako sa tapat ng pintuan. Mahahaba naman ang binti ni Raegan kaya malalaki ang hakbang niya sa pagtakbo. Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na siya sa tabi ko.

"Sorry about that, tara?" At binuksan na ni Raegan yung pintuan ng sitting room.

Sa ilang beses na nakarating ako sa mansyon na ito nila Raegan ay hindi pa ako nakakapasok dito sa sitting room. Actually hindi ko pa naiikot ang mansyon kaya hindi na nakapagtatakang magulat ako sa laki at ganda ng kwarto.

Kulay puti ang dingding na naaadornohan ng mga gintong pintura. May mga nakasabit ding ilang paintings pero ang pinakaprominente ay yung family tree na nakasulat sa isang side, sakop nito ang buong pader.

Andun sila King Leo at Queen Olivia, binabasa ang mga pangalan ng mga miyembro ng Familia Olympia nila.

"I always find this family tree amusing," Sabi ni King Leo na humarap saamin. "Dito mo makikita lahat ng naging Zeus members at ang mga naging koneksyon nila sa ibang Houses."

"Dad thought it was necessary to know who are our real relatives." Sagot ni Raegan. "Hindi naman po kasi dahil nasa Familia Olympia tayo means everyone's our relative. Totoong nagcross na ang mga landas ng ilan saatin somewhere in the tree pero mas maganda parin malaman kung sinong 3rd cousin mo at sino ang 12th cousin mo diba po?"

Parang may sumuntok sa tiyan ko. 12th cousin?! Naikwento na dati sakin ni Dan ang history ng Familia Olympia pero minsan kasi magugulat ka nalang sa laki ng organisasyon nila.

"I'll have someone do the same for the other houses. Zeus lang naman kasi ang andito." Sabi ni King Leo. "Anyways, Raegan, kamusta ka na?"

"Ayos naman po."

"Naglalaro ka pa ng tennis, hindi ba?" Tanong naman ni Queen Olivia.

"Opo."

"Hindi naman nakakasagabal sa pagaaral mo?"

Umiling si Raegan at naupo na kami sa magkaharap na mga sofa. Kami ni Raegan sa isang loveseat at ang grandparents nya sa isang mahabang couch.

"Hindi ka ba napapagod nyan? Nagaaral ka na, naglalaro ka pa at kasabay nun ay hawak mo na agad ang kumpanya. Baka naman magkasakit ka nyang ginagawa mo, Raegan?" Sabi ni King Leo.

"Lolo, you don't have to worry about me. Kung sa tingin ko naman po ay nahihirapan na ako, sana naggive up na ako sa paglalaro ng tennis noon pa lang. Besides, I go to the doctor every two months for a regular check up." Sagot naman ni Raegan. "Precaution narin since I can't afford to get sick."

Napakunot ang noo ko kay Raegan. Can't afford to get sick daw eh ang yaman yaman nya.

Napansin ni Raegan yung reaksyon ko at natawa. "Masasayang ang oras ko kung magkakasakit ako. Imbes na may ginagawa akong makabuluhan ayokong mahiga lang sa kama."

"There's nothing wrong with just laying around," Ngiti ni King Leo. "Lalo na kung may katabi ka diba?"

Natawa sila at ako naman ay pinigilang mamula. Alam ko naman na hindi nila alam yung mga pinaggagagawa namin ni Raegan pero ang ganda kasi ng timing diba? Kung kelan kakatapos lang ulit namin ni Raegan.

"Lady Genesis, nagaaral ka pa ba?" Tanong ni Queen Olivia sakin.

"Kaka-graduate ko lang po last March. Nagtratrabaho na po ako."

"San ka nagtratrabaho ngayon?" Tanong naman ni King Leo.

"Sa Rodriguez Corporation po. Sa Human Resources department."

"Oh," Tumungo si Queen Olivia. "How do you like working so far?"

Pakiramdam ko nasa job interview ulit ako at ginigisa ng interviewer. "Masaya naman po. I enjoy working for a big company."

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano. Madalas si Raegan ang tinatanong nila at once in a while ay nakikisali ako. Magaan naman ang atmosphere, unti unting nawawala yung kaba sa dibdib ko dahil parang tanggap naman nila kami.

Naglunch kami at matapos noon ay nagpaalam na din ang grandparents ni Raegan. Hinatid namin sila sa pintuan.

"We enjoyed seeing you again, hija." Sabi ni King Leo. "Bibisita ulit kami sainyo kapag hindi kayo bumisita samin soon ha?"

"Sige po." Humalik na si Raegan sa lolo't lola nya.

Pagkaalis ng grandparents nya ay agad akong hinila ni Raegan papuntang kwarto.

"Hoy, ano bang problema mo?" Reklamo ko.

"Bilisan mo, baka di natin marinig!"

"Marinig ang alin?"

Pumasok kami ni Raegan sa kwarto at dumiretso sa 'study room' nya na punong puno ng computers at kung ano anong equipments. Binuksan nya yung isang computer, may piniling program at nilaksan ang volume ng speakers.

"--sa tingin mo?" Sabi ng isang boses ng babae.

Napatingin ako kay Raegan na hinila para maisara ang glass sliding door ng maliit na kwarto.

"Raegan, si Queen Olivia ba yun?" Taka kong tanong.

"Oo, naglagay ako ng microphone chip sa bag ni lola."

Hinampas ko si Raegan. "Invasion of privacy yan ano ka ba!"

"Sshh!"

Pinatahimik ako ni Raegan at nakinig kami sa paguusap ng grandparents nya.

"The girl seems nice enough." Sabi ng boses ni King Leo.

"You don't think pineperahan nya lang si Raegan?" Sabi ng boses ni Queen Olivia.

Nagkatinginan kami ni Raegan. Nasaktan ako sa narinig, syempre kasi iniisip nila na gold digger ako samantalang wala naman akong interes sa kayamanan ni Raegan. May sarili na akong trabaho, kaya ko nang bilhin ang anumang gustohin ko para sa sarili ko.

"Hindi naman siguro, I mean, nagtratrabaho na sya diba? And based from the investigation reports, she's well off." Sagot ng boses ni King Leo. "Not as rich as we are pero may kaya naman ang pamilya nya."

May sound na parang bumuntong hininga si Queen Olivia. "Kahit na ganoon, I'm still disappointed with Raegan."

"You shouldn't be."

"She's the last one with the most purest bloodline. Don't you think we should be pairing her already?" Suhestiyon ni Queen Olivia.

Napahigpit ang kapit ko kay Raegan. Pinaguusapan na ng grandparents nya ang pagkakasundo sakanya sa iba!

"Masyado pang maaga. And besides, hindi pa maganda ang timing, kakakasal lang nila Sir Percival at Lady Alexandrea." Ang nagiisip na sagot ni King Leo. "Hindi maganda para sa image ng Grand Order na sunod sunod na mag-engage sa generation nila Raegan. Kakabahan ang ibang members na ayaw sa striktong pagsunod natin sa tradisyon."

Parang nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niyang iyon at nakita kong napangiti din si Raegan.

"Okay, fine. Hindi pa natin sya ipagkakasundo, but don't you think that Raegan should leave Genesis?" Suhestiyon pa ulit ni Queen Olivia. "Si Raegan na ang tigapagmana natin, hindi naman ata tamang sa babae din sya mapunta."

Oh my gosh. Eto na nga bang sinasabi ko eh! Hinawakan ni Raegan ang kamay ko habang pareho kaming nakatitig sa monitor kung saan nakalagay ang soundwaves ng boses ng grandparents nya.

"Don't worry about it."

"Anong don't worry?! Seryoso ako dito, Leonardo!" Nagalit na nga ang tono ng boses ni Queen Olivia. "Kay Raegan nakasalalay ang pagpapatuloy ng Imperial bloodline! Pag hindi sya nagasawa o nagkaanak, sakanya na matatapos ang bloodline!"

"Calm down, Olivia. Raegan's a smart girl, kita mo naman ang bilis ng pagangat nya sa Order of the Jacks." Sagot ni King Leo. "This stunt with Genesis Beltran? It's not going to last long. It's just a phase Raegan is going through."

Naghintay pa kami na may sabihin sila pero nagkaroon na ng static at wala na kaming naintindihan sa pinakikinggan namin. Sinara na ni Raegan yung program.

"Nawala na sila sa 3km signal radius...." Mahinang sabi ni Raegan.

Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin. Naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mga pisngi ko. Umiiyak na pala ako hindi ko pa alam.

Lumapit si Raegan at niyakap ako.

"Shh, wag ka nang umiyak. This isn't a phase, okay? And this isn't temporary."

"Hindi ko alam kung matutuwa ako na hindi nila tayo paghihiwalayin o masasaktan kasi iniisip nilang hindi tayo magtatagal..."

Tiningnan ako ni Raegan, ang mga kamay nya sa magkabila kong pisngi. Pinunasan nya ang mga luha ko at saka ako hinalikan sa labi.

"Do you know what's the difference between the phrases 'I love you' and 'I'm in love with you'?"

Umiling ako.

"'I love you' means my heart made a connection with yours." Ngumiti si Raegan at hinalikan ang noo ko. "And 'I'm in love with you' means my heart is invested in yours."

Napangiti nya ako kahit nasasaktan parin ako sa mga narinig ko. Hinalikan ulit ako ni Raegan sa labi na para bang gusto nyang sabihin sakin na hindi dapat ako mangamba.

"And you should know that I am so totally, head over heels, dead in love with you Genesis Ramos Beltran." Ngumiti sya sakin. "Kaya wag kang makikinig sakanila kasi this isn't just a phase, this isn't something temporary. Genesis, my love for you is something you can't erase, it's permanent at kahit ano pang sabihin nila, I can't see my future without you by my side."

Niyakap nya ako ng mahigpit na para bang takot syang bigla nalang akong mawala.

"I love you, Raegan. I am deeply in love with you."

______________________________

A/N:

Nakakaloka 'tong dalawang ito! Hindi makapagpigil! Nagigimbal tuloy ako sa sinusulat ko. T^T

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon