Chapter 15

25.6K 826 336
                                    

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 15


"Anong meron at pinapunta niyo ako dito?" Bungad ni Alexa sa pagpasok niya ng front door.

"Something came up." Sagot ni Raegan. "Let's talk about it later after dinner."

"Bakit hindi pwede ngayon or during dinner?" Tanong ni Alexa habang naglalakad kami papuntang dining room. "Ano ba yan?"

"Top secret. Tayo lang pwede makaalam."Sagot ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay ni Alexa. "Tungkol ba kay Katarina 'to? Nagpaplano na ba kayo ng aksidenteng ikakamatay niya?"

"Why on earth would we plan to kill her?" Tawa ni Raegan.

"Duh, kasi malandi siya at sinusubukan niyang agawin ka kay Gene!"

"Duh," kinopya ni Raegan ang boses ni Alexa, "wala siyang maaagaw kung walang magpapaagaw."

Napangiti ako sa sagot ni Raegan. At least kahit alam kong may umaaligid sa kanya ay wala naman siyang balak na magpalandi.

"Anyway, we're not planning on killing Katarina. Tungkol sakin yung paguusapan natin mamaya."

"Tungkol sayo? Ano yun?"

"Mamaya na nga diba? Kalma ka lang. Ipapaliwanag din namin yung problema later."

"So, problema pala ang paguusapan natin?" Tanong pa ni Alexa.

Napailing na lang si Raegan habang ako nama'y dumiretso sa kitchen para tulungan sila Manang Yolly sa paghahanda ng dinner. Noong una ay ayaw pa nila akong tumulong pero wala din silang magawa. Pagbalik ko sa dining room ay napunta na sa business ang usapan ni Raegan at Alexa.

"We've had promos about that before. I'll only look like a fool if I suggest it." Sagot ni Raegan sa sinabi ni Alexa.

"Eh di umisip ka ng mas magandang ideya. Go talk to Leah or her cousin, Luke. Ang daming Hotels ng Hermes House. They can help."

"Anong pinaguusapan niyo?" Tanong ko at inilapag ang niluto kong sinigang na bangus sa table.

"Uy! Sinigang!" Halata ang tuwa kay Alexa nang makita niya yung ulam.

"May iba pa ba?" Malungkot naman na tanong ni Raegan. "Ayoko ng isda right now."

"At chicken adobo para sa malungkot na bata." Inilapag naman ni Manang Yolly yung isa pang ulam sa tapat ni Raegan.

"Ayun!" Ngiti ni Raegan. "Mas gusto ko yan! Salamat manang."

Kukuha na sana ng ulam si Raegan pero pinalo ko yung kamay niya. "Dasal muna."

"Sorry, gutom na kasi ako."

Matapos maihanda ang pagkain ay naupo na ako at nagdasal. Tahimik lang sila Raegan at Alexa hanggang sa matapos ako.

"Kumusta trabaho mo, Gene?" Tanong ni Alexa habang kumukuha ng ulam.

"Ayun, pinapahirapan ako ni Mam Rina sa paper works pero other than that, wala naman na siyang ginagawa sakin." Kwento ko. "Alam din kasi niya na kapag may pinalaki siyang gulo about us, siya yung magmumukhang mali kasi alam ng lahat na ginagawa ko yung trabaho ko."

"Well, at least you're fighting her off." Sagot ni Alexa.

"Can we not talk about Gene's work?" Tanong ni Raegan habang nilalagyan ng adobo yung pinggan ko.

"Anong problema mo sa trabaho ko?"

"Wala akong problema sa trabaho mo. Yung boss mo ang problema ko. Ayokong nakakarinig ng tungkol sa kanya."

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon