Chapter 17

28.6K 828 251
                                    

Split Again by JellOfAllTrades

Chapter 17

"Sky,"

Naalimpungatan ako sa tawag na yun at agad na napatingin sa kama kung saan nakaupo si Raegan. Ang isang kamay niya ay nakaposas sa kama at ang isang kamay niya ay abala sa pagtatangkang pagtanggal noon.

"Raegan?"

"Bakit ako nakaposas sa kama?" Tanong ni Raegan sa akin. "Saka bakit jan ka natutulog?"

Napatingin ako sa pwesto ko dito sa tabi ng kama, nakaupo sa La-Z-Boy chair ni Raegan mula sa study room niya sa ibaba.

"Nakalabas si Oli kanina," sagot ko sa tanong niya, "di pa namin siya matansya ni Alexa kaya nung nakatulog siya sa sakit ng ulo niya ipinosas na muna namin siya at binantayan."

Tumayo ako at kinuha ang susi ng posas na itinago namin ni Alexa sa ilalim ng kama, naka-tape sa isang bahagi ng suporta nito. Lumapit ako kay Raegan pero bago ko tanggalin ang posas niya ay pinagmasdan ko muna siya, naniniguradong si Raegan na nga ang katauhan niya at hindi si Oli na nagpapanggap lang para maka-wala.

"It's me, Sky. You can let me go." Parang pagod na pagod na sabi ni Raegan. 

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi niya, tinitigan ko ang brown eyes niya at nakasiguradong si Raegan na nga iyon. For some unknown reasons, nadidifferentiate ko ang mga katauhan niya sa mga kilos nila, sa way ng pananalita nila at sa mga mata nila. 

Hindi ako nagkakamali na si Raegan na nga itong nasa labas kaya hinalikan ko siya. Hinalikan ko siya para malimutan ko yung paghalik na ginawa ni Oli sa akin kanina. Hinalikan ko siya para makilala ko ulit ang mga labi niyang unang humalik sa akin at ang nag-iisang labi na hahalikan ko hangga't nabubuhay ako.

At sa pag-halik ko sa kanya ay may narealize ako. 

"Sky?" Lumayo bahagya si Raegan at gamit ang malaya niyang kamay ay pinunasan niya ang mga luha ko. "Bakit ka umiiyak? Nasaktan ka ba ni Oli? Sabihin mo sa akin..."

Iba ang halik ni Raegan sa halik ni Oli. Hindi ko malaman kung pano ko napansin yun pero malambot ang mga labi ni Raegan samantalang parang mas matigas ang mga labi ni Oli. Pero iisa lang naman sila ng katawan, imposible ata yun.

"Sky," halata ang sakit sa boses ni Raegan habang pinupunasan niya ang mga luha ko. Dama kong gusto niyang pagaanin ang nararamdaman ko at alam ko na kung kaya niya ay kukunin niya ang sakit na nararamdaman ko para lang hindi na ako umiyak.

"Please, gumaling ka na. Wag mo na palalabasin ulit si Oli." Hagulgol ko sa balikat niya. "Maging si Raegan ka na lang ulit. Walang Rae, walang Gan at walang Oli, please."

Niyakap niya lang akong mahigpit at naghintay na lang na tumahan ako. Unti unti ay napagod din ako at nakatulog sa mga braso niya.

----------------------------------------------------------------------


"You two look like zombies." Kumento ni Alexa nang makita niya kami ni Raegan pababa ng hagdan.

Sa kwarto na namin siya natulog para in case na lumabas si Oli ay isang sigaw ko lang ay makakaakyat kaagad siya ng hagdan. Buti na lang at medyo malaki ang couch kaya hindi siya nahirapang matulog dun.

"You look like a plant, " balik ni Raegan, "or a vegetable if you prefer."

"Is that supposed to be an insult or a compliment? Like, what sort of plant am I?"

"You're an asparagus."

Tiningnan lang ni Alexa si Raegan, hindi sigurado kung paano magrereact. Samantalang di ko mapigilang tumawa.

Split AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon