12

290 5 0
                                    


"What the hell are you wearing?" inis kong tinignan si kuya dahil kanina pa niya pinapakialaman ang damit ko.


Inirapan ko naman siya, "Look! It's just a simple dress, okay?!"


Ngumisi naman siya, "Yeah right. A simple dress, tignan nalang natin kung payagan ka ni Lior na umalis nang ganyan ang suot mo," pang-aasar niya pa bago ako tinalikuran. Ano namang kinalaman ni Hades dito?! Hindi ko naman na siya nakita pa, mula noong huling nangyari sa hospital. It's almost 3 days and I'm perfectly fine kaya naman makakapag-club na kami ni Ate Aurie and her friends. Susunduin 'din namin si Blair kaya paniguradong masaya 'to.


I am wearing a simple red twist cut out front tie back floral print dress revealing my cleavage and emphasizing my curves. I also wear a simple snakeskin chunky heels with some accessories and partner it with a black purse.  


Bumaba na ako para puntahan si Ate Aurie at ang mga kaibigan niyang nasa living room. 


"Hi, beautiful," binati ako ni Ate Isabella kaya naman binati ko 'din siya pabalik. Ang sexy niya sa simpleng tube top at skinny jeans. 


Sumunod naman si Ate Mia na nakipag-beso pa sa akin. Hindi siya nagpahuli at talagang talbog na talbog niya kami sa kanyang Plunging Neck Fringe Asymmetrical Hem Satin Dress. Hindi nagpahuli ang Ate Cherry sa kanyang bodycon dress. 


"Hey, cutie!" masiglang bati niya at saka ako hinalikan sa pisngi. 


Bumukas ang pinto at iniluwal no'n si Ate Aurie na nakasuot ng cami tank top and skinny jeans. May biker jacket 'din siya at halatang inis na inis siya. Nakasunod sa kanyang lumabas si kuya na nakangisi habang nakatitig sa fiance niya. 


"Tignan mo nga sila! Ako lang naiiba! Ang baduy-baduy mo talaga, Kiros!" bulyaw ni Ate Aurie pero ngumisi lang si kuya at saka kami tinignan at parang tumaas pa ang kilay, "Nakakaawa naman kayo."


"Wala kayong pambili ng tela para sa damit niyo," dagdag niya pa.


Napamura pa kami nang marinig namin 'yon at saka ako nakapamewang na humarap sa kanya, "Anong nakakaawa? Ikaw! Ikaw ang nakakaawa, 'di ka makakasama!" 


Tinignan niya lang ako ng masama at saka tumalikod, "Curfew! I want you to be here before 2:30 a.m," ma-awtoridad na sabi niya at saka nagsimulang maglakad papasok sa kwarto na tinutuluyan nilang dalawa. Nandito pa 'din kami sa mansion ng mga Saito at dito 'din sasalubong ng bagong taon ang mga kaibigan ni Ate Aurie. 


Umalis naman ngayon ang mag-asawang Saito at kasama ang parents ko. Alam naman nilang may girls night out kami kaya naman sigurado akong mag-e-enjoy ako lalo na't 7 pm pa lang.


Lumabas na kami at saka sumakay sa isang sasakyan na pagmamay-ari ng Saito. Sila na ang nagpumilit para ihatid kami at susunduin 'din kami bago mag-2:30. Nakasimangot naman si Ate Aurie kaya naman kinalabit ko siya.


"Hey, huwag ka na malungkot! Buti nga pinayagan ka pa ni kuya hahaha," pag-papalakas ko sa kanya at ngumiti nalang siya ng pilit. Mamaya 'din naman, mawawala ang topak niyan. Hinayaan ko na siya at saka ako tumingin sa bintana.

His Little DevilWhere stories live. Discover now