Prologue

982 31 0
                                    

"Happy birthday Cybele... Happy birthday Cybele... Happy birthday, happy birthdayyyy... Happy birthday Cybele!!" bati sa akin ng mga dumalo sa kaarawan ko. Pakshet, 17 na'ko. Tanginang yawa ang bilis ha.


"Hoy babae, oh! Regalo ko. Wag kana mag-inarte at baka magbago pa ang isip ko." sabi ng walang-hiya kong kuya.


Inirapan ko nalang saka lumapit sakanya para humalik sa pisngi nya, "Salamat, panget ka padin che!"


Ugh, 17 na ako. Dahil nga medyo spoiled ako sa aking magulang e pinayagan na'ko uminom.


Umangal pa nung una si kuya Kiros. Sus, wala naman syang magagawa e. Mas malakas pa nga ata ako uminom sakanya e, kaso di legal.


Speaking of the panget, dumating sya kasama pa ang dalawa nyang kaibigan. Birthday ba ng panget kong kuya o birthday ko?!


Lumapit ako sakanila para iwelcome yung dalawa. Wow ha, lima na ngayon ang bisita nya.


"Happy birthday Cybelbel!" bati ni Max at nagmake-face pa. Inirapan ko nga hmp!


"Salamat, kasing-panget mo si kuya." sabi ko sabay tawa. Loko ka ah.


Napansin ko yung tahimik na kasama nila. Tinitigan ko'to at napansin nyang nakatitig ako kaya nakipaglabanan sya ng titig. Unfamiliar face.


Tinaasan ko sya ng kilay, aba! Di nya ba ako babatiin? Kapal ng mukha ha.


"Ano? Di mo man lang ako babatiin? Wow ha." sabi ko at ngayon ko lang sya nakita. Sinaway naman ako ni kuya at humingi ng pasensya.


Tumalikod na'ko at pumunta sa table ko at andun naman sila Katie, Blair, at yung kambal na si Lily at Millie. At inutusan akong kumuha ng ice cubes.


Papasok na sana ako nang may kumalabit sa akin at nakita ko yung tahimik na guy na kaibigan ni kuya. Tinignan ko sya ng "What-look" at wala syang reaksyon.


"Happy birthday." sabi nya at tumalikod na at umalis. Nagtakha ako sa inakto nya. Sabog ba sya?


'Weird' naibulong ko nalang at kumuha na ng ice cubes saka bumalik sa table ng kaibigan ko.


Naabutan ko silang nagbubulungan. At tinanong ko kung ano yung pinagkakaabalahan nila.


"Tignan mo Luna!! Ang gwaping nung isang guy. Pakshet ka!" turo ni Blair sa table nila kuya.


"Sino dun?" tanong ko pa at tinuro nya yung nagyoyosi sa bandang gate. Napataas ang kilay ko nang makita ko yung kumalabit sa akin. Psh, yosi? Poor naman. Vape nalang dapat charot.


Di ko nalang pinansin at umakyat muna ako saglit dahil gusto ko na humipak ng vape hahahaha.


Lumabas ako sa may balcony at saka tinignan kung may tao sa baba. Di naman kasi ako pwede mahuli at baka pasabugin ni mader nguso ko.

His Little DevilWhere stories live. Discover now