7

313 25 0
                                    



It's Saturday and susunduin na namin sila mommy. Damn, I miss my family so much! Kasama nila mom and dad ang parents ni Blair. Si Calum naman ay may flight papuntang States. Doon s'ya buong Christmas break. 


I'm wearing tied shoulder leopard bodycon dress, emphasizing my curves. Nagsuot din ako ng layered necklace, hoop earrings, and black heels. Tinignan ko muli ang sarili ko sa salamin, mukha akong makikipag-date. Pinakulayan ko din ang buhok ko ng brown na dating blonde. 


Lumabas ako, "Ay 'te, saan ang date mo?" bungad sa akin ni Blair na nakasuot ng cami jumpsuit at may slit pa, litaw din ang cleavage ng gaga.


"Manahimik kang flat ka." nasabi ko nalang kahit malaki naman talaga ang boobs nya. 


Ilang araw na ang nakakalipas magmula noong huli naming kita ni Hades. Nakita ko s'ya sa mall noong isang araw kaso 'di ako nakilala dahil sa buhok ko. Mabuti 'yon, 'wag na muna s'ya magpakita. 


Naipangako ko nga pala kay tita Tazzana na magkikita sila ni mommy. Ano kayang ganap? Nai-text ko naman na si tita kagabi at sabi nya ay sila na ang bahala dahil nagkausap na silang dalawa sa ig. 


Kinuha ko ang chain satchel bag ko, "Let's go? May maghahatid daw sa atin sabi ni tita." sabi ko, nagkasundo naman kasi si mommy at tita na ipahatid nalang kaming dalawa.


Ni-lock muna namin ang pinto bago bumaba. Lahat ng nadadaanan namin ay natitingin sa aming dalawa, nakulangan naman kasi ng tela 'tong mga suot namin at mukha kaming mangsasakmal sa mga suot namin, ang taray.


Parang naguho ang mundo ko nang makita ko ang Rolls Royce na kotse at si Hades na nakasandal pa sa kotse nya. Mukha naman s'yang inip na inip na at nang makita nya ako ay napataas nalang ang kilay nya kaya tinarayan ko s'ya ng tingin. Nakasuot s'ya ng white muscle fit short sleeve shirt at tailored pants na tinernuhan nya ng white sneakers. 


Pinasadahan nya ng tingin ang suot ko at lumapit, "What the hell are you wearing?" bulong nya pero halatang may bahid ng galit. 


Tinaasan ko naman s'ya ng kilay, "What? Bodycon dress ang tawag dito. May ganito din si Diana." mataray na sagot ko at naunang sumakay sa backseat. May sinabi si Blair kay Hades bago pumasok. 


"Oh, bakit nandyan ka Cybele? Dun ka sa harap!" sabi ni Blair at hinila ako. Padabog akong bumaba at lumipat sa harap. 


Tangina naman kasi, pinagt-tripan ata nila akong dalawa eh.


Nilingon ko si Blair na tahimik at may nakapasak na Airpods sa tenga nya. Tinawag ko naman s'ya pero mukhang malakas masyado ang pinapakinggan nya. 


"Do not interrupt her." sabi ni Hades pero inirapan ko lang. Bakit ba kasi s'ya ang maghahatid? Napag-tripan pa ata ako ni tita. Iniisip siguro nila na may something sa amin ni Hades. Excuse me? Ayaw lang ako pakawalan ng anak nila!


Naramdaman ko ang paghawak ni Hades sa hita ko kaya napalingon ako sa likod at napahinga ng maluwag nang makita kong natutulog si Blair. Agad kong sinamaan ng tingin si Hades at ngumisi lang s'ya. 

His Little DevilWhere stories live. Discover now