6

347 25 0
                                    



Cybele Luna Flore


Nagising ako at unang tumambad sa akin ang puting kisame at chandelier na hindi familiar sa akin kaya agad akong napabangon.


Bakit nandito nanaman ako sa kwarto ni Hades? Ang sakit ng ulo ko tangina. Bumukas ang pinto at iniluwal non si Hades na topless pa at may hawak na tray ng pagkain. Inilapag nya ito sa side table at tumingin sa akin habang ako ay hindi pa'din kumikibo.


Tumikhim naman s'ya, "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nya at hindi nalang ako sumagot at pinilit kong inalala ang nangyari kahapon, kanina o ano man.


Mga sasakyan. Si Hades. Baril. Ang mga anino. Ang bata. Pagtawag nila sa pangalan ko. Si Hex. Koko?


Nanlaki ang mata ko at agad na napababa ng kama, "Nasaan si Hex?! Anong ginawa mo sakanya? Pinatay mo ba s'ya?!" kinakabahang tanong ko at kitang kita ko ang pag-igting ng panga nya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang pasadahan nya ako ng malamig nyang tingin.


Bakit parang ako pa ang masama? Siya nga itong may hawak na baril. Ang kapal naman pala ng mukha nya?


"I didn't kill him. Pasalamat s'ya at nandoon ka kundi tinuluyan ko na ang gagong 'yon." sabi nya na agad na nagpakulo ng dugo ko kaya lumapit ako sakanya at hindi na ako naghintay ng ilang segundo.


Agad na lumapat ang palad ko sa pisngi nya. Tangina anong karapatan nyang sabihin yan? Sa harap ko pa? Kung wala ba ako don, papatayin nya talaga si Hex?


Hinawakan nya ang pisngi nya at tumingin sa akin na may mga nagtatanong na mata. 


"Ang kapal din ng mukha mong sabihin 'yan kay Hex. Hindi ko lubusang maisip na kaya mong tutukan ng baril nang ganun-ganun lang ang kapatid mo." nanggigigil ako. Gusto kong manampal ng tao, wala na akong pakialam kahit saktan nya pa ako. 


"Ano ba kayo ni Hex?" 


Natigilan ako sa tanong nya. Ano nga ba kami? Kahapon lang kami nagkakilala pero bakit ganoon ang inaasal ko? Hindi naman ako nahuhulog, hindi pagmamahal ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko, matagal ko na s'yang kilala. 


"See? Natigilan ka." nakangising sabi nya at lumapit sa akin. Umatras ako pero humakbang nanaman sya hanggang sa mapaupo ako sa kama. Ka-face to face ko ang abs nya kaya naman tumingala ako para tignan ang mukha nya.


Madilim ito kaya naman napalunok ako, "A-anong binabalak mo?" kinakabahang tanong ko.


Halos magtayuan ang balahibo ko nang haplusin nya ang aking buhok at bahagyang yumuko para halikan ako sa ulo. Nawala ang kaba ko dahil sa ginawa nyang 'yon. Hindi ko maintindihan. Kanina lang ay madilim ang mukha nya pero heto s'ya ngayon.


Yumuko sya at ipinatong ang noo sa balikat ko. Nanigas ang katawan ko sa ginawa nyang 'yon at ramdam na ramdam ko ang paghinga nya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kung anong init sa katawan ko. Hindi maganda 'to.

His Little DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon