2

423 26 0
                                    


"Ay kike mo!" agad akong napabalikwas dahil sa alarm ko. Inabot ko ang cellphone ko at napabalikwas nang makita na tanghali na.


Tangina!! Late na'ko!! Lagot nanaman ako neto sa prof namin. Last year ko naman na'to dahil g-graduate na kami next year pero di pa'din ako dapat ma-late!!


Sa California na din kami nag-aaral, napag-desisyunan namin 'to, noong una ay tutol si kuya kasi mapapalayo kami sa mga pamilya namin pero wala na din syang nagawa dahil ipinagpilitan ko ito. Gusto ko din naman na mag-explore ng new things. May condo kami naman kaming tinutuluyan.


Fine arts ang kinuha ko dahil biglang nagbago ang isip ko. Nahilig ako sa arts nang nag-bakasyon kami noon. Dapat ay architecture ang balak ko kaso wala eh. Ganun talaga. Bigla naman akong nainis nang makita ko si Blair at Calum na kumakain na ng almusal.


Agad ko silang tinignan ng masama. "Mga bilat kayo, ni hindi nyo man lang ako ginising?!" agad na sigaw ko dahil sobrang init ng ulo ko. Ang kakapal ng mukha! Inirapan lang ako ng dalawa, at talagang sabay pa sila!


"Hoy Cybele Luna Flore, matuto kang gumising nang maaga. Lagi kang sa amin nakaasa! Buti nga sayo!" sagot naman ni Blair. Inirapan ko sya at nahalata na pagod sya. Puyat nanaman 'tong gagang to. Paano, Medicine ang kinuha at si Calum naman ay aeronautical engineering. Napag-desisyunan din namin na sa California na mag-aral.


Ang tatalino ng mga pokpok!


Pumasok na ako sa banyo at agad na sinimulang maligo. Hindi ko minadali dahil baka di ako makaligo nang maayos. Mas okay na ma-late kesa pumasok nang mabaho duh. I mean, wala naman akong bad odor pero kahit na!


Nang matapos ay sinimulan ko na ang skin care ko at pinatuyo na ang kulot kong buhok. Pinakulayan ko ito ng pastel ombre pink.


Nagtungo na ako sa kwarto ko at nagbihis.


Nagsuot lang ako ng red bralette na pinatungan ko ng denim jacket at light colored na high waist jeans at saka nagsuot ng flats. Agad kong kinuha ang backpack ko at lumabas na.


Dumaan ako sa coffee shop saglit para man lang kahit papano ay may laman ang tiyan ko. Iniwan na kasi ako ng dalawa, tangina talaga yung mga yon.


Humablot ako ng dalawang free cookies bago lumabas. Tutal ay Wednesday kaya naman medyo abala ang mga tao. Nagmamadali na ako nang may nabunggo ako.


"I'm sorry. I'm sorry!" sabi ko at agad na kinuha ang nahulog na gamit. Muntik na yung kape ko! Di ko na tinignan yung nabunggo ko at dumiretso na sa university.


Nang makarating ako ay agad kong tinignan kung andun na yung prof at andun na nga! Nakatalikod sya habang may nilelecture. Dahan-dahan akong pumasok at naglakad papunta sa upuan ko. Nagpipigil ang mga blockmates ko ng tawa dahil sa kagagahan ko.


Di ako napansin ng prof dahil wala naman ako sa harapan. Kinalabit naman ako ni Sam.


"You're late again, LUNAtic" pang-aasar nya at tinawanan pa'ko nang mahina. Half-German sya at half-shepherd. Char! May halong pinoy din sya pero di sya fluent mag-tagalog.

His Little DevilWhere stories live. Discover now