1

527 27 0
                                    

Nagmadali na akong tumakbo dahil late na ako. Putcha kasi! Ang traffic. Grounded pa'ko dahil sa nabangga ko na sasakyan last week kaya commute ang peg ko.


Di na ako nag-abalang kumatok at bigla nalang pumasok.


"You're late again, Ms. Flore!" agad na bungad ng prof namin na naglelecture. Napapikit nalang ako sa hiya dahil nakatitig lang ang mga kaklase ko sa akin.


Ugh! Kaunting tiis nalang naman! College na ako at makakalipat na din ako sa wakas! Yumuko nalang ako at saka pumasok. Pero di ako magso-sorry. Aba chix ba sya?


Kinuha ko agad ang notes ko at nagsulat nalang.  Nagsimula na syang magdiscuss at nakinig nalang kaming lahat.


"Alright. Since, you're late Ms. Flore... Answer the equation on the board." sabi ng prof namin. Tangina ang init ng dugo neto sakin. Pota palibhasa mamamatay na. Charot!


Tumayo nalang ako at saka nagsolve sa harap. Akala nya siguro hindi ko masasagot? Ha! Pekpek nya!


Umupo na agad ako pagkalapag ko ng marker at saka tinignan sya. Di na sya nagsalita dahil nga tama naman ang sagot ko. Nag-a-advance reading ako boi! Akala mo.


Nag-iwan sya ng homework at saka nagpa-dismiss. Naglalakad na ako sa hallway nang hampasin ni Blair ang puwitan ko. Putangina. Napatingin agad ako sa paligid at nahiya nang makita kong nakatingin ang ibang lalaki.


"Shit. Sana ako nalang si Blair!"


"Pustahan. Malambot yun oh."


Iilan sa narinig ko at agad na sinamaan ng tingin si Blair. At saka pinisil ang dede nya bilang ganti. Natawa nalang sya bigla.


"Tangina ka Cybs ha. HAHAHHAA"


"Tangina mo din! Ang daming nakakita!" reklamo ko at nauna nang maglakad papuntang gate. Sa labas nalang siguro ako maglu-lunch. Nakasunod naman si Blair sa akin at bigla akong kinalabit.


"Uy gaga! Debut mo na next week ah. Ano balak mo?!"


Balak nila dad na mag-celebrate sa isang hotel. Gusto ko sana na simple nalang at kami kami nalang ang mag-celebrate dahil baka maulit nanaman ang dati. Jusko.


Napailing nalang ako at sumagot, "Balak ko magbigti. Sama ka?" walang ganang sagot ko sakanya. Pinakyuhan nya nalang ako kaya inirapan ko nalang sya.


Malapit na kami sa bilihan ng shawarma nang biglang magsigawan ang tao.


"Uy tangina anong nangyayari?!" nagpa-panic na tanong ko at humawak kay Blair. Nilibot ko ang paningin at agad na nahagip non ang isang grupo ng kalalakihang tumatakbo at nakasuot ng black na mask at jacket.


Papunta sila sa gawi namin kaya naman nag-panic kami at papaalis na sana kami nang maramdaman kong hinablot ako ng isa at saka may itinutok sa leeg ko.

His Little DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon