Nalunod ako sa sariling damdamin at hinanakit, namalayan ko na lang, lumuluha na naman ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"What's wrong?" nag-aalala at puno ng pagtatakang ani Keziah. "Yaz? You're not okay." 'Ayun na ang normal na bossy niyang tinig.

Umawang ang labi ko at napatingin sa kanilang tatlo na nasa aking na ang paningin. Nagbaba ako ng tingin at hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak nang umiyak.

"You're crazy," asik ni Keziah. Tumayo siya at tumayo sa tabi ko para hagurin nang hagurin ang likuran ko. "Water," utos niya. "Drink," utos niya rin sa 'kin.

Maski ang katotohanang ganoon talaga si Keziah na pinagselosan ko nang sobra-sobra, gusto kong isisi sa 'kin. Habang noon ay iniisip ko ang sarili kong karapatan sa pagseselos, heto at inaalo ako nito ngayon.

Wala akong sinabi sa sarili kung hindi makasarili, mapaghangad, ganid at hindi marunong umintindi. Lahat ng salitang 'yon ay pwedeng ipalit sa pangalan ko.

"What's wrong?" 'ayun na ang tinig ni Maxwell.

Napalingon ako sa kaniya. Pero sa halip na magsalita ay magkakasunod na pumatak ang mga luha ko nang muli akong bumalik sa umpisa. 'Ayun na naman ang mga alaala nang araw na 'yon, mula sa una hanggang sa magpaalam ako.

Punyeta!

"I'm sorry," nagsalita si Randall kasunod ng buntong-hininga. "Nasabi ko sa kaniya," mahinang dagdag niya.

"Alin?" tanong ni Maxwell.

"'Yong tungkol sa engagement ring," napatikhim si Randall, sising-sisi. "I'm sorry, hindi ko alam na wala siyang idea."

Patunay lang iyon na maski sa kaniya ay walang in-explain si Maxwell. Dahil kung alam niya ang lahat, sana ay hindi siya magdedere-deretso ng kwento sa 'kin nang gano'n. Pero wala akong sinisi nang sandaling iyon kundi ang sarili ko. Ako ang paulit-ulit na sumira ng lahat.

"I have to go." Gano'n ang sinabi ko ngunit ni hindi ko maitayo ang sarili ko. Gano'n ang sinabi ko pero hindi ko maiwanan ang lalaking iyon sa tabi ko. Gano'n ang sinabi ko ngunit ni hindi ko maalis sa kaniya ang pagkakatitig ko.

Emosyonal na tumitig sa 'kin si Maxwell. Ako na pinili niyang mahalin ngunit nagsinungaling, nagloko at sumira sa tiwala niya ang pinakamalaking pagkakamali at desisyon sa buhay niya. Ako na halos hindi niya matingnan nang sandaling iyon dahil sa sakit na nararamdaman niya, ngunit sa huli ay sarili ko pa ring karapatan ang inisip ko. Ako na pinahihirapan siyang lumapit sa 'kin ngayon para lang maipaintindi sa kaniya ang lahat ng naramdaman ko noon. Ako na minamahal niya at nagagawa niyang tingnan nang ganoon kaemosyonal ngayon. Naroon ang pagpipigil niyang ipakita sa iba 'yon ngunit hindi siya nagtagumpay. Umiling siya nang umiling saka pinahiran ang luha ko.

"I love you," pabulong niyang sinabi matapos kunin ang mga kamay ko. Ngumiti siya ngunit lalo lang no'ng dinurog ang puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang sakit ng pinagdaanan niya.

Nangilid ang mga luha ko saka binawi ang sariling mga kamay sa kaniya. "Mauuna na 'ko," nasabi ko. "Thank you." Iyon lang at tinalikuran ko na sila.

Dumeretso ako sa washroom at doon tinawagan si Katley. Dinala niya ako sa fire exit at doon ako humagulgol sa pagkukwento. Hindi siya nagsalita, nakinig lang siya sa akin hanggang sa pareho na kaming lumuluha.

Nagsimula ang seminar ni Randall, hindi ko alam kung paano siyang pakikinggan. Hanggang doon ay sinalo ako ni Katley nang i-record niya ang lahat ng sinasabi ni Randall. Panay rin ang pagno-notes niya gayong may makukuha naman kaming libro dahil kasama 'yon sa package. Tuloy maging ang isipin na napakaswerte ko sa mga taong nakapaligid sa 'kin, iniyakan ko.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon