Lie #44: Pretty Smiles

Start from the beginning
                                    

He shook his head "Hindi naman. Well, may mga nakilala naman na akong tao sa labas. They offered me foods. May nagbigay pa sakin ng gatas ng baka at syempre hindi ko naman natanggihan" pagkukwento niya. Ganun din ang nangyari sakin pagdating namin dito nung isang araw. Sadyang mababait kasi talaga ang mga tao dito samin at hindi madadamot

I guided him at magkatabi kaming umupo sa duyan na pang dalawang tao. Umakbay siya sakin but I refrain from leaning my head on his shoulder dahil baka kung ano ang isipin niya.

"Bakit ka nga pala nandito? Oh, I mean. How come na nakapunta ka? Paano kung hanapin ka sa inyo? What if biglang dumating si Elise?" sunod sunod kong tanong nang maalala ko ang bagay na yun. Yung saya na nararamdaman ko napalitan ng pag aalala. Hindi nga ba ito yung dahilan kung bakit ako nainis sa kanya kagabi?

"Too many questions, babe. But anyway nagawan ko na ng paraan ang mga yan. Well, nagpatulong ako kay Tita Patricia. She called mom at sinabing sasama ako sa kanila on a vacation. Of course, mom believed her since they're bestfriends"

Kahit paano nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa din maalis sakin na mag alala.

"And besides, Eustace covered up for me" dagdag pa niya na nagpabalik ng buo sa pag aalala ko.

"What? Bakit niya gagawin yun? Derick naman pag nabuking tayo he'll lose his job" alam kong nago over reaction na lang ako but then the thought of it is making me sick. Kung sakaling mag epic fail to, may mapapahamak pang iba.

Nagkibit lang siya ng balikat na parang balewala lang sa kanya "I dont care"

"What?!" I asked incredulously. Did I hear him right? He didnt care?

"I said I dont care"

"Seryoso ka ba?!" this time napatayo na ako that surprised him

He tried to reach for me but I flinched "Hey.. Ano bang problema?"

"What's my problem? You're too heartless! Hindi mo man lang ba inisip na may ibang pwede mapahamak sa ginagawa mong to?!" I gritted between ny teeth. Too heartless, too selfish.

His jaw dropped and I can see na nalilito siya. He didnt know wether to be pissed off o matawa. "I.. I dont understand. Gusto mo akong makita di ba? Now that Im here, you're pushing me away. Naguguluhan ako sayo"

"Hindi naman sa ganon. Pero kasi sana naisip mo muna na paano kaya kung dumating ang parents mo at si Elise?" pagkakatwiran ko na alam kong tama

"I told you ang alam nila kasama ko sila Tita Patricia" he answered almost snapping. Napatayo na din siya at pumameywang

"Pero-"

"Quit worrying, will you? Kararating ko lang and those are not the things na dapat pinag uusapan natin ngayon. Let it go now. Okay?" he said cutting me off but this time mahinahon na siya ng tuluyan

"Hindi lang naman kasi maalis sakin ang pag aalala. Pwede naman kasi na ako ang pumunta sayo eh. Sasamahan naman sana ako ni Kuya Michael"

"At sige pagdating mo doon anong gagawin natin? Saan tayo pupunta? Well we cant just go out dahil baka may makakita satin dalawa. We'll end up locking ourselves sa loob ng kwarto ko, condo ko or somewhere na tayong dalawa lang and you know that's not a good idea" he brushed his hair with his hands at tumingala sa mga ulap. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya dahil hindi ko maintindihan yung huling part.

"Bakit naman?"

"What if I lose control and did something to you? Not that Im saying na gusto kong gawin yun, but who knows right?"

The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]Where stories live. Discover now