Chapter Eleven

213 11 2
                                    

[Archie Tan Wong on multimedia-]

Dedicated kay 'TrishiieQwen'...

Airee's POV

Nagising ako dahil sa isang malakas na kalansing ng bakal.

Nakaramdam ako ng mahapding lamig sa buong katawan ko kaya't inangat ko ang ulo ko para tingnan kung nasaan ba ako.

Nakahiga pala ako sa isang metal bed. Nakatali ang mga kamay at paa ko. At isa pa....wala akong saplot sa katawan.

"Hmmm!" Hindi ako makapagsalita ng ayos dahil may busal rin ang aking bibig.

Lumapit saakin ang tagabantay. Mayroon siyang dalang maraming kandila, posporo, at kutsara na hindi ko alam kung para saan niya gagamitin.

Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan at hinawakan ang aking mukha. "HMMM!" Umiling-iling ako, senyales na sana ay huwag niya ng ituloy ang kung ano man ang gagawin niya.

Nakita kong sinindihan niya iyong isang kandila. Iyong ibang kandila ay pinaghahati niya sa tatlo. Pagkuwan ay, kinuha niya iyong kutsara tapos ay naglagay siya ng pinutol na kandila duon.

Ngayon ay tinapat niya iyong kutsara duon sa kandilang umaapoy at unti-unting natutunaw iyong putol na kandila duon sa kutsara.

Nang matunaw na lahat, bigla niyang ibinuhos sa kaliwang paa ko at mahinhing ikinalat ang mga iyon. "HMMMM!" Labis na sakit ang naramdaman ko dahil ginawa niya iyon sa buong katawan ko!

Sigaw ako ng sigaw sa isip ko. Ramdam ko na, naninigas na ang katawan ko dahil sa wax ng kandila.

"HMMMM!" Kanina pa ako iyak ng iyak. Mas lalo pa nung inumpisahan na niyang ibuhos sa mukha ko ang natunaw na kandila. Tumatawa siya habang pinapantay iyon sa mukha ko.

Nanginginig na ako dahil sa hapdi. Namamanhid na ang mga katawan ko at nahihirapan na akong gumalaw.

Sumunod niyang ginawa ay pininturahan ako, kulay manika.

Kulay balat ng manika...

Matapos ay nilagyan niya ako ng samu't saring kolorete sa mukha, tila isa ng manika.

"Tumayo ka!" Umungol siya ng malakas.

Sinubukan kong tumayo kahit nahihirapan akong gumalaw.

Binihisan niya ako tapos ay pinatayo ulit. "Lakad!"

Bumuhos nanaman ang aking mga luha.

Hirap na hirap akong maglakad, parang lakad manika. Hindi ko maisara ang palad ko, parang nanigas na ang mga ito.

Pupunasan ko na sana ang mga luhang patuloy umaagos sa mukha ko pero hindi ko ito magawa sa kadahilanang hindi ko rin matupi ang braso ko.

Kung paano kumilos ang manika, ganoon din ang kilos ko ngayon.

"H--HAYOP K-KA!!!" Pati sa pagsasalita ay hirap ako.

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak habang binubuhat niya ako at dinadala papunta sa kulungan niya ng mga laruan niya.

Nilagay niya ako sa kulungan na katabi nung kay Hendrick.

Malungkot na tumingin saakin si Hendrick. Pagkuwan ay nagsign-language siya, nakakapanlumo lang iyong ipinahiwatig saakin ni Hendrick.

"Hindi niya na tayo pakakawalan dito. Sabi ko sayo...mag-iingat ka, pero hindi mo ginawa. Pinaalis na kita rito pero hindi mo ginawa. Pinilit mo parin na iligtas ako. Sorry Airee, wala man lang akong nagawa para tulungan ka...patawad.."

Experimental Island Where stories live. Discover now