Chapter Twelve

194 9 3
                                    

[Shido Zumaki on multimedia--]

Archie's POV

Kakatapos ko lang kumain, nandito ako malapit sa may kitchen. Umiinom ng tubig nang tabihan ako ni Kuyumi. "Magbati na kayo ni Shido. Kanina pa kayo hindi nagpapansinan."

Magbati? Tss. "Siya ang makipagbati. Bakit naman ako? Siya itong nag-umpisa ng away. Binastos ka niya. Ginawa ko lang ang trabaho ko, ang ipagtanggol ka."

"Pero, hindi mo na dapat ginawa 'yun. Dapat hindi mo na siya sinuntok."

"So, anong gusto mong gawin ko? Na hayaan nalang siya na pagbintangan ka na ikaw ang killer!? Syempre hindi ako papayag Kuyumi!" Umalis muna ako sa harap niya at pumunta ng music room. Kapag kasi mainit ang ulo ko ay sa paggigtara ko inilalabas ang lahat.

Nagsimula na akong i-strum ang gitara.

Maya-maya ay may narinig akong sumabay saakin pero, piano ang gamit niya. Mukhang alam ko na kung sino siya.

Lumingon ako sa likuran ko. "Sabi na nga ba... Anong ginagawa mo dito? Ha, Shido?"

Tumigil siya sa pag-piano at humarap saakin. "Sinasabayan ka..bawal ba?" Ngumiti siya sakin.

"Anong trip mo?!" Nagtataka kong tanong.

Bumuntong-hininga siya tapos ay nagsalita. "Bro, sorry."

Tama ba ang narinig ko? Humihingi siya ng tawad sakin? "Pasensya sa inasal ko kagabi. Masyado kasi akong nilamon ng galit nung time na yun kaya pati si Kuyumi ay pinagbintangan ko pa. Sorry, sorry talaga. Pakisabi narin kay Kuyumi na sana ay mapatawad niya ako."

Napangiti ako. "Bro, sorry rin...hindi ko nakontrol ang galit ko dahil sa pambibintang mo kay Kuyumi kaya nasapak tuloy kita. Sorry ulit."

Nag-man hug kami.

"Anong ibig sabihin nito!? Hoy! Archie pinagpapalit mo na ba ako kay Shido?!" Sigaw ni Kuyumi saakin.

Syet, "Kuyumi, mali ka ng iniisip! Hindi--"

Tumawa si Kuyumi. "JOKE LANG!"

Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang nakitang humagalpak ng tawa si Kuyumi. "Ang epic ng mukha mo Archie!"

Nagkatinginan kami ni Shido. Mukhang iisa lang ang iniisip namin. "It's a miracle!" Sabay pa naming sinabi.

"Si Kuyumi...humahagalpak ng tawa, it's a miracle!" Manghang sinabi ni Shido habang tinitignan si Kuyumi na tawa parin ng tawa.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan Kuyumi...It's a miracle!" Saad ko.

"Ano ba naman kayo!! Para kayong baliw! Masama na bang humagalpak ng tawa?!" Sigaw niya saamin na mukhang nakarecover na sa pagtawa.

"Pustahan, dahil kay Archie...lumabas ang masayahing Kuyumi. Ano, tama ba ako?" Natigilan kami pareho ni Kuyumi.

"Iba talaga nagagawa ng pag-ibig! HAHA!" Binatukan ko si Shido.

"Magtigil ka nga!"

Tumawa lang siya. Hindi ko alam kung bakit nakitawa na rin ako. Basta ang alam ko, masaya ako dahil nagkabati na kami ng kumpare ko. Parang hindi nga kami nag-away eh.

3rd person's POV

"Guys!!! Tignan niyo 'to!!" Nabulabog ang lahat dahil sa pagsigaw ni Uchi.

Experimental Island Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon