Chapter Twenty-One

89 4 0
                                    

[Yohee on multimedia--]

Ashi's POV

"Arshain...kelan ka ba magigising?" Naluluha kong sinabi.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin mula sa likuran ko. Si Uchi... "Magpakatatag ka Ashi. Gigising rin si Arshain, magtiwala ka lang. Kailangan pa siguro niya ng kaunting oras." Napangiti nalang ako, palagi nalang kasing nandito sa tabi ko si Uchi.

"Sorry Uchi ha?" Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry? Para saan?" Niyakap niya ako pabalik.

"Kasi, hindi ko masuklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sakin. Salamat rin pala kasi...nandito ka palagi sa tabi ko. Palagi mo nalang pinapagaan ang loob ko."

Narinig kong tumawa siya ng mahina.
Bumitaw na rin ako ng yakap. "Ayos lang. Puso mo naman ang nagsasabi na, mahal mo talaga si Arshain. Tanggap ko na, huwag kang mag-alala. Okay na rin sakin na...crush mo ako. Crush mo naman ako 'diba?"

Napangiti nanaman ako. "Oo na! Crush na kita!" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, tapos ay may ibinulong siya kaso, hindi ko naman narinig kasi masyadong mahina.

"Sana ako nalang ang minahal mo Ashi..."

Kotori's POV

For the second time ay, kakatapos lang ulit naming mag-make-love ni Shido.

Ngayon ay, magkatabi lang kami dito sa kama, magkayakap. "Shido...may itatanong ako. Ang isasagot mo lang ay 'Oo at Hindi'."

Lumingon siya sakin, Sa katunayan ay kinikilig ako...ang lapit-lapit kasi ng mukha niya saakin. "Sige, ano 'yung itatanong mo?" Hinihimas niya ang buhok ko, lagi niya 'yang ginagawa. Sabi niya, ang sarap daw hawakan ng buhok ko...

"Shido...dalawang beses na tayong nag--alam mo na, hmm...mahal mo na ba ako at tuluyan mo nang nakalimutan si Airee?"

Napatigil siya sa paghimas ng buhok ko. At umiwas ng tingin sakin. "Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan ngayon?" Nalungkot ako sa sagot niya, para kasing ang ibig sabihin nun ay...hindi pa rin niya ako mahal at mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan si Airee.

Experimental Island Where stories live. Discover now