Chapter Twenty-Eight

74 4 0
                                    

[Ashi on multimedia--]

Ashi's POV

Agad kong itinago sa likuran ko ang droga. "Wala naman. Hinahanap ko lang yung diary ko. Hindi ko kasi alam kung saan napunta eh. Baka lang, nandito sa kwarto mo." Ngumiti pa ako ng alanganin. Please lang...sana, hindi niya ako mahalata. Malakas ang kutob ko na...siya ang killer.

"Ah, ganun ba? Ikaw kasi eh! Sa susunod, mag-ingat ka. Tss, mamaya...mabasa pa nung iba iyong diary mo, edi bunyag na ang mga sikreto mo?" Nakangiti niyang sinabi.

"Oo sige, ah..mag-iingat na ako sa susunod. Ahm, sige...labas na ako."

"Sige lang." Aniya at mapanuri akong tinignan kaya't sinisimulan na akong kabahan.

Lumakad na ako, at habang lumalakad ako papunta sa pinto, tinitignan ko si Sozine sa peripheral view ko...

Natatakot ako.

Basta, natatakot ako sa pwede niyang gawin.

Nang bubuksan ko na ang pinto ay, bigla nalang may pumalo sa ulo ko.

Unti-unting nanlabo ang mga paningin ko.

Nagmamakaawa akong tumingin kay Sozine at narinig ko pa ang huli niyang sinabi bago ako mawalan ng malay...

"Hindi ako tanga, Ashi." Nakangisi niyang saad.

Arshain's POV

Matapos ang pag-uusap namin ni Ashi ay patakbo akong bumaba para may ibalita sakanila. "Oh, Arshain bakit mukhang nababagabag ka?" Pansin saakin ni Archie.

"May kailangan kayong malaman..." Lahat ng atensyon nila, ay nakatutok na saakin ngayon.

Mapanuri akong tinignan ni Izle. "Mukhang, masamang balita 'yan ah?"

"Parang ayokong marinig." Nasabi pa ni Uchi.

"Anong kailangan namin malaman?" Kunot-noong tanong ni Shaya.

"Si Ashi..." Agad na napatayo si Uchi.

"Anong nangyari sakanya?" Kitang-kita ko kung paano mag-alala si Uchi ngayon. tss.

My rival...

"Wala naman pero kasi--" Agad na pinutol ni Shaya ang sasabihin ko.

"Kasi ano?!"

Napayuko nalang ako. "Si Ashi...bumabalik ata ang alaala niya sa, nawawala niyang first boyfriend." Napapalatak ako.

"At paano mo naman nasabi 'yan? Tinurukan siya ng papa niya noon para makalimutan ang una niyang boyfriend dahil simula ng mawala yun, halos hindi na kumakain si Ashi." Tinaasan ako ng kilay ni Shaya.

"Kasi---natanong niya saakin kanina kung sino daw ba si...Sonnie Henry Park! Edi ba, ayun yung first boyfriend niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan? Na, nawala nalang ng parang bula? Na kapatid ni Sozine?" Sunod-sunod kong sinabi.

Experimental Island Where stories live. Discover now