Chapter Seven

180 9 6
                                    


[Maui Sadao on Multimedia--]

--------

Someone's POV

Ugh! Isang araw din akong nagpahinga.

'Di bale, papatay nalang ako mamaya.

Ako mismo at hindi yung kapatid kong abnormal. Hindi naman pwedeng siya lang ang maglalaro ano! Dapat ako rin!

Sino kayang paglalaruan ko mamaya? Kung sino man ang mapagdiskitahan ko mamaya.... Pasensyahan pero, paglalaruan ko siya ng paglalaruan...

HAHAHAHA!

Maui's POV

Halos lahat ng kainuman ko ay sobrang lasing na pero walang humpay parin sa pagtawa. Mga baliw. Psh. Buti pa ako, naka-anim na shot lang na alak. Nahihilo palang naman ako pero, nasa huwisyo parin.

Aaack.

Pakiramdam ko ay bumabaliktad ang sikmura ko.

"Oh, Maui? Anyare?" Pagewang-gewang pa si Uchi habang nagtatanong saakin.

"s-sandali lang...susuka l-lang ako sa labas..."

Dali-dali akong tumakbo at sumuka sa labas.

Suka lang ako ng suka. Hanggang sa naramdaman kong may humahagod na sa may likuran ko. "Bakit dito ka sumusuka? Bakit hindi doon sa banyo?" Natatawa niyang sinabi.

"Oo na, ang bobo ng galaw ko. Medyo lasing narin kasi ako gago." Natatawa ko ring sinabi nang mapagtanto ang katangahan ko.

"Maui, pwede bang hingiin ang tulong mo?" Tanong niya sakin.

"Tulong ko? Para sa?" Pagtataka ko.

"Nakikita mo ba 'tong dalawang panyo na 'to? May inispray akong pabango rito. Dalawang klaseng pabango. Reregaluhan ko si--alam mo na." Tumango ako at napangisi. Galawan talaga ng mga taong inlove hays.

"So, papipiliin mo ako kung anong mas mabango?" Ngumiti siya sakin at tumango.

"Akin na." Inamoy ko muna yung red na panyo. "Ito gusto ko amoy nito." Sunod naman ay itong orange na panyo na agad kong ibinalik sakanya pagtapos amuyin.

"Pota naman! ang-- Ang tapang at---at---pakiramdam k--ko ay nahihil--"

Someone's POV

Buti naman at nakatulog na ang mayabang na 'to.

Agad ko siyang dinala dito sa sikretong laboratoryo sa gubat. Nilagay ko siya sa sahig at kinadena ang kanyang mga paa at kamay. Pagkatapos nun ay bumalik muna ako sa mansyon. Mamayang madaling-araw ko nalang siya babalikan.

"A---anong ginawa mo kay Maui?" Lintek na, huwag mo sabihing nakita niya ako?

"Dinala sa kung saan at mamayang madaling-araw ay alam mo na kung anong gagawin ko sakanya. Ano? Will you reveal what you saw? Subukan mo lang at isusunod kita kay Maui.." Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso. Buti nalang at itong babaeng ito lang ang nakakita saakin.

Bigla siyang umiyak at mataman akong tinignan.

"Hindi mo ako madadaan sa iyak." Umiling siya ng paulit-ulit.

"O-of course, I will keep my mouth shut...." Tinignan niya ako ng diretso.

At akala naman niya maniniwala ako? Tsk. Sa oras na kumanta siya, mangyayari na ang ayaw nilang mangyari.

"Pero alam mo? Wala rin akong pakialam even if you told them that I am the one behind this killings. At isa pa, may panahon din para diyan. Ako mismo ang haharap sakanila at sasabihing ako ang pumapatay. Pero, gagawin ko lang 'yun kapag iilan na lamang silang natitira." Ngumisi ako.

Experimental Island Where stories live. Discover now