Kapitulo 22

301 16 20
                                    

Happy 2K reads! Daghang salamat po! xx

IKADALAWAMPU'T DALAWANG KAPITULO

I wasn't feeling well when I woke up the next morning. Pakiramdam ko bugbog na bugbog ang katawan ko. I groaned and stood up to get my water at tila lasing ako dahil umiikot ang paligid ko.

Mabilisan kong kinuha ang tubig ko at humiga ulit sa kama. Uminom ako roon at muling nakatulog.

Nagising na lang ako at nakitang tirik na tirik na ang araw. Hinanap ko ang phone ko sa gilid at tinawagan si Dominic. After three rings, he answered.

"Nick," I said, hoarsely. Tumikhim ako para maayos ang boses. "Hoy, asaan ka sismars? Tanghali na?!" Dominic said.

Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit iyon. "I won't be going there today, Nick," Sambit ko at chineck ang sariling temperature. "I'm not feeling well."

"Hala!" He exclaimed. "Ayan kasi! Sabing huwag bugbogin ang sarilin sa trabaho, e! Akala mo ba hindi nagsumbong sa akin si Corene?!"

Napatawa ako sa kanya. "Just a headache. Maayos na ako bukas."

I heard him sigh. "Punta ako diyan later, sismars? Wala kang jowang mag-aalalaga sa'yo, e," Sambit pa nito.

Naikot ko ang mata. Matatouch na sana ako kung hindi lang niya tinuluyan pa iyon.

"Heh!" I said and hissed. "Di ko kailangan ng jowa," Sabi ko. "But, you don't need to come here. Okay na ako mamaya."

"Oo na, oo na!" Sabi sa akin. "Sige, you rest na garud! I'll see you tomorrow, sismars!"

I hummed and ended the call. Sinubukan kong tumayo muli para lumabas ng kwarto papuntang kitchen. Hirap na hirap akong naglalakad. Muntik pa akong mahulog sa hadgan.

Nang makarating sa kitchen ay wala akong nakitang kasambahay. Nakasaksak ang dispenser kaya doon na ako kumuha ng maligamgam na tubig. Naghanap na rin ako ng gamot pangsakit sa ulo doon sa kitchen.

Naglabas muna ako ng pwedeng kakainin doon pero bread lang ang nakita ko. I sighed. Okay na 'to, basta may laman ang tiyan ko. I ate four slices of bread.

Once nakatake na ako ng gamot, bumalik ulit ako sa kwarto ko at naupo sa kama. Doon ko natanto ang nangyayari ngayon sa buhay ko.

I'm alone.

Kung mamamatay na ako dito, wala pang makakaalam kaagad.

Napalunok ako at pilit na linunok ang katotohanan na iyon. I then wonder, hindi siguro 'to mararanasan ng anak ni Mommy. Siguro, inaalagaan siya nito kapag may sakit, like what she used to do with me and Kuya noon.

Pinigilan kong mangilid ang luha at uminom ng tubig tsaka natulog ulit. It's not worth crying.

Paggising ko ay tila may sakit pa rin sa katawan pero hindi na kagaya kanina. Hindi na rin ako nahihilo. Napatingin ako sa labas at nagulat nang madilim na ang kalangitan.

Naligo ako ng mainit na tubig, nagbabakasakaling bumuti ang pakiramdam ko pagkatapos. I wore a thick gray hoodie and went down to the kitchen. Medyo sinisipon na ako at inuubo. Grabe naman, hindi na nga ako uulit sa pagwewaiter kung ganito pala ang epekto sa akin.

Or maybe because I didn't eat? Ewan ko, mabilis lang talaga akong tamaan ng sakit.

Nakita ko si Yaya Fely na nag-aayos sa garden namin sa likod. "Oh, Lusi! Ang aga mo ata ngayon?" Tanong niya.

Tipid na lang akong ngumiti. They weren't even aware that I did not leave the house. Tinanong ko sa kanya kung may gamot ba siya sa lagnat dahil wala akong mahanap.

Siglaw (Kafagway, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon