Kapitulo 5

355 21 9
                                    

What doesn't kill you makes you stronger. Charot! Read well, guys. Spread love! xx

IKALIMANG KAPITULO

Mabilis na lumipas ang Foundation week sa school year na 'to. Gaya ng kinaugalian ng SLU, every December 1 ay nagkakaroon ng Lantern Parade.

Hindi ako pumunta sa town para manood ng parade dahil sa tinatamad at mas piniling magbasa nalang ng libro sa room ko.

Pati sina Kuya ay hindi pumunta. Instead, they practiced their skills with their own instruments.

Nabagsak ko ang libro nang hindi makafocus dahil rinig na rinig ko ang pagstrum at pagtambol nila sa basement.

I groaned and closed my book. Kaagad kong tinali ang magulong buhok at bumaba roon.

It's seven in the evening, my gosh! Ang ingay! Buti hindi kami rinereklamo ng mga kapitbahay!

Bumaba ako sa kitchen at uminom ng tubig dahil kanina pa ako nakakulong sa kwarto ko. Kumuha ako ng milk at dalawang piraso ng ube pandesal na inuwi ni Yaya kanina. I then went down after para manood na lang sa kanila.

"Oh, bakit ka andito?" Bungad ni Kuya Spenser nang makita ako. Sa mic pa niya talaga sinambit ang tanong, ha!

"I'm bored," Sagot ko sa kaniya.

"Bored in the house, bored in the house, bored," Pagkanta ni Kuya Spenser. I made a face at him and took a bit on my bread.

Umupo ako sa may couch at nagsimulang magscroll sa phone ko. Buti at abot ang wifi rito.

"Don't mind me. Sige lang," Sambit ni sa kanila. They then started playing their instruments.

They played a really familiar song kaya pati ako napasabay kay Kuya Spenser na kumanta.

"Huwag ka nang magpakita, ni magparamdam... Kung ika'y isang bula, ganiyan ka na lang... Umalis ka na nang tuluyan nang magsimula ulit ang daloy ng panahon..." Pagsabay ko kay Kuya.

Nahiya ako nang binigyan niya ako ng mic at kaagad na umiling. The song was from a band that was formed in SLU.

Isang araw ay napaisip ako noon, if they want to compose their own songs, pero sinabi lang sa akin na they play because they enjoy. Pero aside from that, may kanya-kanya silang pangarap at hindi iyon pagbabanda.

Ako ang nasasayangan since they have a big opportunity. Ang galing kaya nila!

The song was really high tuned since ang original singer nito ay babae pero naaabot pa rin ni Kuya Spenser. Nang linahad ulit nito ang mic ay kinuha ko na iyon at kumanta. Sinabayan pa rin niya ako.

"Sa aking buhay, ibalik ang araw... Ang nag-iisang liwanag ay tanging ikaw... Bumalik ka na nang ako'y mahagkan muli ng dilaw na nahanap ko sa iyo..."

That was the highest part of the song. Natapos iyon with a single beat from Alios's drums.

Manghang-mangha silang tumingin sa akin. "May hidden talent 'tong si Lusi, a!" Sabi ni Kuya Gray. I crinkled my nose, nahiya sa compliment na iyon.

Sa sumunod na kanta, ginawa nilang acoustic kaya naupo si Alios sa couch na inuupuan ko. It's funny. Nasa pinakadulo ako sa right side at nasa pinakadulo naman siya sa left side.

It looked... stupid.

Parang nag-iiwasan kahit hindi naman.

Nalingon ko siya kaya siya napatingin din sa akin. Naningkit ang mata ko.

Ano kaya ang pwedeng iblackmail dito sa lalakeng ito?

"Do you have a girlfriend?" Tanong ko. Nataas niya ang kilay and tried to remain his cold face but he was failing. There was a ghost of smile on his lips.

Siglaw (Kafagway, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon