Kapitulo 6

342 18 7
                                    

IKAANIM NA KAPITULO

It was once again the birthday of Kuya. Nakakainis dahil dumoble ata ang iniimbitahan ni Kuya! I groaned and turned around from the window. Ang daming tao sa pool!

Mula kasi sa kwarto ko, kitang kita ang mini basketball court ni Kuya sa bahay at ang pool. Magkalayo ito pero kita ko parin ang dami ng tao roon.

I pouted. Wala na si Ate Irene. Dominic and Eunice can't come since nagbabakasyon din sila outside Baguio.

I sighed. I feel so lonely.

Muli kong binuklat ang libro at nagbasa kahit na rinig na rinig ko ang ingay nila sa baba.

While reading, bigla akong inuhaw kaya bumaba ako para pumunta sa kitchen. Gulat ko na lang nang makita ang isang kaklase ni Kuya. Nakangisi ito nang nagtugma ang mata namin. My eyesbrows furrowed and looked at him.

He looks familiar.

Unti unting nanlaki ang mata ko nang makilala siya. It's the guy who helped me carry my books last year!

A smile plastered on my face. "Ikaw 'yon, diba?" Nakangiti kong saad. He smirked more and nodded. Nakita ko ang biloy niya sa isang gilid ng mga pisngi niya. "Buti naalala mo ako," Aniya.

"I'm guessing you're Noelle's sister?" Patanong nitong sambit. I nodded. "I'm Lusi," Pagpapakilala ko. "Prince. Nice to meet you, Lusi," Sambit nito.

"So, bakit di ka nakikiparty doon?" Tanong niya, tinutukoy ang birthday celebration ni Kuya sa may pool. I wrinkled my nose. "Ang dami niyo doon. It's too crowded for me," I answered.

Tumango-tango siya. "Samahan mo nalang ako, garud." Sambit.

I rolled my eyes but my smile never disappeared from my lips. "Bakit ako sasama sa'yo?" I asked.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa gilid para mag-isip. "Kasi sinamahan kita noon na buhatin 'yung pagkabigat-bigat mong libro."

"Wow!" I said. Nanatiling nakaawang ang labi ko at tumawa. "May kapalit pala dapat iyon?" I asked.

He raised his eyebrows. "Yes, kaya samahan mo ako sa labas," Sambit niya. I chuckled and nodded. I looked okay anyway. I was wearing a v-neck shirt and a maong shorts. Nakaslippers lang ako but it was okay.

May dala-dala siyang juice at ice kaya tinulungan ko na siya sa pagbuhat noon.

"Oh, Lusi!" Tawag sa akin ni Kuya Spenser. I smiled and waved my hands at them. Kita kong kumunot ang noo ni Kuya Noelle nang makita ang katabi ko.

I ignored that and went to put the ice on the table. Linapag na rin ni Prince ang dala niyang juice at inaya akong umupo sa benches around our pool.

Gulat ko na lang nang nakatayo na si Kuya Noelle sa harap namin. Ni hindi pa kami nakakapag-usap!

Kuya Noelle was glaring at Prince. "Bakit kayo magkasama?" Tanong nito.

Namilog ang mata ko. Iniissue na naman ako nito! I rolled my eyes at him. Prince chuckled. "May pinag-uusapan lang, Noelle," Sambit nito.

"Ano naman ang pag-uusapan niyo ng kapatid ko, Prince?" Tanong ni Kuya. Tumayo na rin si Prince. Kaagad na pumagitna si Lorenzo sa kanilang dalawa. Prince raised his hands in the air and took a step back.

Nagtagis ang panga ko sa inis kay Kuya. Badtrip! I stood up and firmly balled my fist as I marched away from the pool.

Dumiretso ako sa may mini basketball court ni Kuya at kinuha ang nakatagong bola sa loob. Binaling ko ang sama ng loob ko sa pagbato ko ng bola sa ring. It went in because of that!

Siglaw (Kafagway, #2)Where stories live. Discover now