Kapitulo 17

315 17 37
                                    

IKALABIMPITONG KAPITULO

Halos manliit ako habang pinapanood siyang kumakain. Talaga ba? Nagseselos 'to?

Halos hindi ko matago ang ngiti dahil sa kakaisip doon! My smile dropped when his gaze met mine. Masungit nitong tinaas ang kilay at nag-iwas ng tingin sa akin.

Mas lalo lang akong nangingiti!

"Bakit ka nakasimangot?" I asked.

Marahan niyang tinusok ang isang piraso ng Betamax at sinubo bago ako tignan. "I'm eating. Should I laugh?" Masungit niyang saad.

Naawang ang labi ko sa pagiging sarcastic niya sa akin. Aba!

He then sighed after that and dropped his stick. "Ano 'yon? Bakit ka hinalikan ni KL?" He asked. Anger can be seen in his eyes. I can't be dreaming, can I?

Napalunok ako. Is he really jealous? Or he's just being a protective... friend?

"Ganoon lang talaga iyong si KL, Alios," I said. Umismid siya at muling ngumuya. Kalaunan ay nawala na rin ang inis sa mata niya.

I stared at him while eating. Hinihintay kong sabihin niyang nagseselos siya. Kahit iyon lang, I'll be patient...

Pero walang dumating.

Nang matapos kumain ay umuwi na rin kami sa bahay. Hinatid niya ako sa gate bago iniwan. When I entered the house, tila nanghina ang paa ko. Dumagdag lang sa mga iniisip ko si Alios.

I really don't get him sometimes. Ano ba ang gusto niyang mangyari sa amin? It's hard not to assume kapag ganoon ang mga galawan niya.

Nagdaan ang mga araw na ganoon. Tinanggal ko rin sa isip ang mga negatibong ideya. Maybe because, nagsisimula pa lang kami?

Lusi, ang stupid. You're not even sure if there's really something!

At New Year, we never really enjoyed it. Away, bati sina Mommy at Daddy nitong mga nakaraang buwan.

Noong pasko, hindi sila bati. Nakaupo si Mommy sa dulo, malayo-layo kay Daddy habang kumakain kami ng Noche Buena.

This is their first fight na sobrang nagtagal. I remember, they would be okay again after a day, or two. Ngayon, halos ilang buwan na silang ganito. I once asked Mommy pero sinabi naman niya that it's normal.

Ganoon daw talaga kapag mag-asawa.

Pero ganito ba kalala?

I looked at Kuya and he just gave me a small smile.

I really don't know how and why pero bigla na lang umalis ng bahay si Mommy after New Year. Without a word, she left us.

Me. She left me.

Isang araw, nagising na lang ako, wala si Mommy sa hapag kapag kakain kami. I know Kuya knows something. At nakakainis dahil ayaw nilang sabihin sa akin kung ano iyon!

"Mommy is just calming her mind, Lusi," Ang laging sagot ni Kuya sa akin. I sighed and just nodded. I hope magkaayos na sila, though.

I tried to remain positive kahit na ganoon ang nangyayari. Mommy calls me every time rin naman kaya ayos na rin. Kung ano man ang alitan nila ni Daddy, sana maayos na nila.

Kasi ang hirap. It hurts to see your parents fight especially when one of them leaves the house.

"Earth to Lusi!" I blinked and looked at Prince. Napangisi ito nang tinignan ko siya. We're currently in the mall. Paano, birthday pala niya! Kailangan pa raw ng regalo!

Naikot ko ang mata sa kaniya at kumain ulit. Kasalukuyan kaming nasa Pancake House. Umuulan ngayon sa labas at hinihintay din naming tumigil bago umuwi.

Siglaw (Kafagway, #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz