Kapitulo 2

412 22 42
                                    

IKALAWANG KAPITULO

We went shopping the next Saturday. Kasama ko si Mommy at Yaya. Kuya already bought the things he needed kaya nauna na silang pumunta sa taas para dito na kami maglunch. They went to Gery's Grill.

Maraming tao ngayon sa SM. Marami ring turista, gaya ng dati. Nagtagal kami ng thirty minutes sa pagbili ng mga damit ko pa bago kami tuluyang umakyat na.

But before that, pumunta muna kami sa sasakyan para ilagay ang mga pinabili doon. Mommy had the car keys kaya hindi na kami umakyat pa.

Napatingin ako sa pinamili namin. It was like I'm starting a new life with all the new clothes and shoes that I have! I felt happy while watching them put the things I bought at the back of our car.

"Careful, please!" I exclaimed in a natural tone. Nang natapos ay sinigurado ni Mommy na walang natira sa cart bago kami umalis at umakyat na.

Busangot ang mukha nina Daddy at Kuya nang makarating kami roon. "Ang tagal, Lusi! Ang dami mo na namang binili siguro, 'no? Magdodonate ka ba?" He teased. I rolled my eyes at him.

Come to think of it, I don't have a plan on how to get rid of my old clothes. Sure, kasya pa sa akin ang mga iyon, pero pang-bata ang designs at puros pink!

"Oo, Kuya, bakit?" I fired back.

"Talaga? Magdodonate ka?" Daddy asked. I nodded. "Okay, ako na ang bahala kung saan mapupunta ang mga damit mo. Iready niyo nalang tonight, okay?" Sambit ni Daddy. I nodded at him.

Sa tagal namin ay naluto na nila ang inorder nila Daddy na food kaya naman nakakain kami kaagad. Daddy is always talking someone over the phone at hindi naka-except ang araw na ito.

After eating, nagpabill na si Daddy at bumaba na kami pagkatapos magbayad. Kahit traffic ay mabilis pa rin kaming nakauwi since napakalapit ng Engineer's Hill sa SM.

When we arrived, kaagad ko nang pinaakyat ang mga pinabili sa kwarto ko. My eyes widened when I saw that a box almost fell!

"Paki-ingatan, please! Hindi 'yan matibay!"

It took them some time to bring it all to my room. Kaagad ko silang binuksan at nagsimula nang ihanger ang mga ito kasama si Yaya. They readied it for me kaninang umaga. Sinabihan pala sila ni Mama.

Walang wala silang tinira doon na damit. Pati mga headbands ko binigay ko na rin. Almost all of my childhood things!

"Ano 'tong mga 'to? Lalayas na ba si Luelle?" Tanong ni Daddy. "Baka may crush na, Dy, at nagpapaganda na?" Asara ni Kuya.

Kaagad kong binato ng hawak kong headband si Kuya dahil doon. "Crush? Sino naman? Ew kaya?!" I said.

"Oh, Alios?" Tila napintig ang tainga ko nang marinig ang sinabi ni Daddy.

He's here?

"Hi, Tito," My eyes moved sideways while I still continued hanging my clothes. "Ano pong nangyayari?" Rinig kong tanong niya.

"Oh, I don't know to my daughter. Biglang naisipang idonate ang mga damit niya at nagpabili ng bago. Some are even too revealing for her!"

Halos mamula ako sa sinabi ni Daddy. "Dy!" Kaagad kong sigaw para tumigil na siya sa pagsasalita. Too much information!

"Sabi na kasi may crush 'yan, e," Sabat ni Kuya. I groaned and rolled my eyes in frustration.

Men.

Tumawa si Kuya sa reaction ko at pinagpatuloy ang ginagawa nang marinig siyang magsalita. "Ang bata naman niya magkacrush?" Rinig kong sabi ni Alios.

Siglaw (Kafagway, #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن