Si Alfie Arceno, ang pangalawa sa trying hard na singer. Matangkad, gwapo, nanalo last year ng 3rd runner up sa Mr. And Ms. EUP. Madalas na pinagkakamalang bakla dahil sa kilos nito, lalo na kapag magkasama sila ni Nico. Dahil sa closeness ng dalawa ay mas napagkakamalan silang magnobyo kaysa mag bestfriend. Isa din si Alfie sa mga heart rob ng university katulad ni Norman at Roland.

Si Joanna Pascual, ang pinaka trying hard na singer. Sya ang komedyante ng klase. Meron syang lihim na pagtingin kay Nico at matagal na niya itong gustong sabihin. Sa kabila ng kanyang pagiging masiyahin ay meron syang inililihim sa kanyang mga kasama na mangyayari at labis na nakalulungkot. Pero sa ngayon ay gusto nyang i-enjoy na kasama nya ang kanyang tropa.

ALFIE: Ang sakit na talaga ng ulo ko. Buwisit na Math yan!!

Reklamo ni Alfie.

JOANNA: Oo nga eh, kung pwede lang tanggalin ei. Kainis!

NICO: Hindi naman ganun kahirap aa.

ALFIE: Oh sige na Nico, alam namin na madali lang para sa'yo. Hindi mo na kailangang mang-inggit.

Masungit nitong bigkas. Tinawanan lamang ni Nico si Alfie.

NICO: Si Joanna, pakunwari pa. Eh nakita ko habang nag-eexplain si ma'am, sinasagutan na nya yung practice exercise. Yun ba yung nahihirapan?

JOANNA: Oi! Wag ka maniwala dyan. Nagsisinungaling yan.

Lalong napanghinaan ng loob si Alfie.

ALFIE: Tignan nyo, ako lang pala sa'tin dito yung mahina yung utak.

NICO: Alfie masyado ka kaagad sumusuko. Umaamin ka kaagad ei..

JOANNA: Grabe oh, bestfriend ba ang tawag dyan?

ALFIE: Sus! Ganyan naman talaga yan si Nico ei.. Sanay na ako dyan.

VOICE: Nicoo!!!

Sigaw ng isang babae sa corridor. Lumingon sila at nakitang si Maricar ang sumisigaw at nakasimangot.

NICO: Bad mood na naman si Maricar.

JOANNA: Oo nga, kanina pa yan. Ano na naman bang problema nya?

ALFIE: Ewan ko dyan.

MARICAR: Huy, Nicoo!!

Sigaw nitong muli.

NICO: Oo, andyan na.

Tinatawag siya nito dahil gusto na nitong umuwi. Magkakasabay na umuuwi sina Nico, Maricar, Luisa, Franklin, Julian, Justin at Killian. Sa kabilang direksyon naman ay magkakasabay na umuuwi sina Alfie, Joanna, Karlene, Candice, Randy, Kathleen, Marco, Jerry, Kyla at Jessica.

JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 06:24PM

Mag isang naglalakad si Kathleen Naipa papasok sa kanilang subdivision. Si Kathleen ang pinakamahinhin, pasensyosa, maunawin at dalagang pilipina kung kumilos. Nobyo nya si Randy at mahal na mahal nya ito.

Madilim na ang paligid at nakasindi na rin ang mga streetlights. Sanay sya na wala masyadong tao sa paligid ng ganitong oras. Pero ngayong pagkakataon ay kakaiba ang kanyang nararamdaman. Kanina pa niya nararamdaman na may sumusunod sa kanyang likuran.

Bahagya nyang inilingon ang kanyang leeg at nakita nya ang anino ng isang tao. Agad nyang binilisan ng kaunti ang lakad nya. Lumingon syang muli ng bahagya at napansing lalong papalapit ng papalapit sa kanya ang anino. Naririnig rin nya ang mga hakbang nito. Lalo pa nyang binilisan ang paglalakad, halos tumakbo na sya sa sobrang bilis. Sobrang kaba ang kanyang nararamdaman. Hindi nya natiis ang sarili at sya ay napalingon.

Sya'y nagulat dahil biglang naglaho ang taong kaninang sumusunod sa kanya.

KATHLEEN: Namamalik mata lang siguro ako.

Nakahinga sya ng malalim at muling naglakad sa paroroonan.

Ring.........

EUP RANDY Calling....

Napatalon sya dahil sa ingay na gawa ng cellphone. Lalo syang nakahinga ng maluwag dahil ring tone ito na naka set up para lamang sa nobyo nyang si Randy. Dinukot nya ang cellphone sa kanyang shoulder bag.

Pinindot nya ang "answer" at itinapat sa tainga ang cellphone.

KATHLEEN: Hello! Bakit ka tumawag?

VOICE: Hello, Kathleen!

Agad na tumayo ang kanyang balahibo at nakaramdam ng takot. Hindi ito ang boses ni Randy. Agad ding pumasok sa kanyang isip ang pagaalala.

KATHLEEN: Sino ka?! Nasan si Randy!!

Humalakhak lamang ang boses sa kabilang linya. Hindi nya matukoy kung ano yung boses na kanyang naririnig, kung babae ba o lalake ba o alien?

KATHLEEN: Nasan si Randy?!!

VOICE: Ikaw na lang ang kulang.

Nang kanya itong marinig ay nabitawan nya ang cellphone sa sobrang kaba.

VOICE: Miss!!

Bigkas ng isang boses sa kanyang likuran. Papalingon na sya ng biglang may isang puting panyo ang tumakip sa kanyang bibig at nakaramdam sya ng panghihina. Ngunit sa pagkakataong ito ay sigurado syang boses ng isang lalake ang kanyang narinig. Nanghina sya hanggang sa napahiga sa sidewalk. Nakasuot ng jacket na may hood ang lalaki. Gusto nyang makita ang mukha nito dahil pakiramdam nya ay kilala nya ito. Ngunit nasisilaw sya sa liwanag na dulot ng streetlight. Tanging anino lamang ng lalaki ang kanyang nakikita. Hindi na nya kinaya ang antok na nadarama at nagdilim ang buong paligid.

ΦΦΦ END OF PART I ΦΦΦ

The Game Maker: Dice GameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora