Dice Game - PART I

Start from the beginning
                                        

JULIAN: Wag kang mag alala, hindi yun tungkol dun.

Bigkas ni Julian, lalong nagtaka si Killian. Dahil halos lahat sila ay mukhang alam ang pinag uusapan nina Justin at Julian, maliban lamang sa kanya.

KILLIAN: Justin, ano yung problemang tinutukoy mo?

ALFIE: Wag mo na pansinin yun Killian, wala lang yun.

Lalong nagtaka si Killian dahil may alam din si Alfie sa tinutukoy ni Justin.

MARICAR: Wag nyo na nga pag usapan yan. Gagawa pa tayo ng assignment, tapusin nyo na yung pagkain nyo.

Galit na tono ni Maricar. Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Samantala, nahalata ni Killian ang reaksyon ng lahat at nagkaroon sya ng hinala na may tinatago ang mga ito.

JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 12:37PM

Tinapos nina Alfie ang kanilang pagkain habang sa mesa nina Jerry ay nananatili pa ring kumakain. Nagpaalam sina Alfie kina Jerry na mauuna na silang lumabas ng canteen.

Naglakad sina Alfie, Nico, Jessica, Maricar, Justin, Julian at Killian papunta ng Work Park, isa itong lugar kung saan karamihan ng mga estudyante ay dito gumagawa ng assignment kahit na meron silang bukod na library. Mas gusto nila ang Work Park dahil presko at sariwa ang hangin dahil sa matataas na punong nakapaligid dito.

Patungo ang kanilang grupo sa Work Park nang makasalubong nila sa daan si Roland, ang kanilang presidente at ang bestfriend nitong si Norman.

ROLAND: Uy, nakita nyo ba si Jerry?

Bungad nito sa kanila.

NICO: Oo, nandun pa sila sa canteen. Bakit?

Samantala, habang nakikipag usap si Roland sa iba ay nagkaka-ilangan naman sa isang tabi si Norman at Maricar.

ROLAND: Sige, una na kami. Tara na Norman!

Nagising sa pagkakatulala si Norman.

NORMAN: Ah, o sige...

Sumunod si Norman kay Roland kahit ayaw pa nito. Isa lang ang gustong mangyari ni Norman, ang magka ayos silang muli ni Maricar.

Ngunit mukhang mahirap nang mangyari yun dahil nahihiya na sya sa mga ginawa nya dati.

Samantala, nagpatuloy na sa paglalakad ang kanilang grupo. Napansin ni Jessica na nasa likuran ang kanyang bestfriend na si Maricar, nag iisa at tulala. Nilapitan nya ito. Alam ni Jessica ang dahilan kapag ganito ang reaksyon ni Maricar.

JESSICA: Huy! Ayos ka lang?

MARICAR: Huh? aa.. Oo, ayos lang ako.

At nagpatuloy na si Maricar sa paglalakad na parang hindi sya apektado.

Si Norman Aguacito, isa sa mga heart rob ng university. Ang lalaking naging crush ni Maricar mula ng first day of college hanggang sa humantong sa pag ibig, ngunit kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Hanggang sa nagsawa na lamang si Maricar at na-turn off sa kanya sa pagiging babaero nito. Ngayon naman ay gustong magtino ni Norman para sa kanya. Ngunit nahihiya na syang lumapit kay Maricar dahil sa ilang beses nitong pagpapa-asa dito.

JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 05:06PM

Uwian nila. Sumakit ang ulo nila sa last subject nilang Integral Calculus at magkakasamang nagrereklamo ang tatlong songerz. Si Nico, Alfie at Joanna.

Songerz, dahil mga trying hard singers ang tatlo at madalas na pinagkakatuwaan ang kanilang boses.

Si Nico Mendoza ang isang songer, ngunit respetado dahil sa pasensyoso, talino at galing nito sa pagguhit. Sya din ang tinuturing na Logic Master ng klase dahil sa dami nitong naiisip na Logic Games sa tuwing vacant time upang hindi ma- bored ang kanilang tropa. Bestfriend nito si Alfie.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now