KYLA: Randy, andyan na si sir!
Anunsyo nila. Hindi natapos na masagutan ni Julian ang kanyang assignment. Tumayo sila at binitbit ang kanilang bag at saka nagtungo sa kanilang classroom.
JANUARY 09, 2014.
FRIDAY 12:08PM
Lunch break. Sabay sabay na kumain ang buong tropa sa canteen. Ngunit dahil sa marami sila ay kailangan nilang mahati sa dalawa. Magkahiwalay na mesa ang kanilang ginamit. Magkasama sa isang mesa sina Julian, Jessica, Killian, Maricar, Alfie, Nico at Justin. Habang sa kabilang mesa naman ay magkakasama sina Jerry, Kathleen, Randy, Kyla, Joanna, Karlene at Franklin.
Habang kumakain sila ay mayroong napansin si Alfie.
ALFIE: Pumasok ba si Hiko? Di ko sya napansin ngayon a.
NICO: Absent sya.
ALFIE: Absent ulit? Ilang araw ng absent yun aa.
JULIAN: May problema kasi yun.
Napatingin ang lahat kay Julian at naintriga. Mag bestfriend kasi si Julian at Hiko kaya't alam ni Julian ang mga sikreto ni Hiko. Si Hiko Bautista ay ang kanilang classmate na naging pala-absent magmula nang nagsimula ang 2nd year. Matalino at mahilig sa mga magic tricks. Mahilig din itong magbasa ng mga Egyptian Mythology.
JESSICA: Anong problema nya??
Nagulat si Julian dahil sa kanya nakatuon ang atensyon ng lahat.
JULIAN: Sus! Wag nyo na pansinin yun, wala lang yun.
JESSICA: Sige na, sabihin mo na.
JULIAN: Mga chismockers kayo ah, bat ba gusto nyo malaman?
JESSICA: Er... Malay mo matulungan natin sya.
MARICAR: Oo nga.
Sangayon niya.
JULIAN: Secret nga, di ko pwede sabihin.
JESSICA: Clue na lang.
Pangungulit nya.
JULIAN: Anong clue?
JESSICA: Tungkol saan na lang yung problema nya, sa school ba o sa family??
JULIAN: Huh??
NICO: Oo nga, kahit clue na lang.
JULIAN: Secret nga. Alam nyo, kumain na nga lang tayo.
Nagpatuloy na kumain si Julian ngunit sina Alfie ay nakatingin pa rin sa kanya at naghihintay ng sagot.
JULIAN: Uy! Kain na!
JESSICA: Sabihin mo muna yung clue.
Namroblema si Julian at naisip na kasalanan nya ito dahil sa madaldal nyang bibig.
JULIAN: Ok, sige. Clue lang ha.
Tumango ang lahat at nakinig ng maigi.
JULIAN: Sa school.
JESSICA: Anong problema nya dito sa school?
JULIAN: Akala ko ba 'clue' lang?
Tinawanan nila si Jessica. Si Jessica Villanueva ay ang madaldal at makulit nilang classmate. Parang isip bata sya kapag tumawa at magsalita, ngunit maaasahan mo sya sa mga seryosong bagay.
JUSTIN: Teka, wag mong sabihing hanggang ngayon, yun pa rin yung pinoproblema nya.
Natahimik sila, dahil alam nila ang ibigsabihin ni Justin at muli na naman nyang ipinaalala sa kanila ang lahat. Samantala, napansin ni Killian na nagiba ang reaksyon ng lahat sa mga sinabi ni Justin at hindi nya maintindihan ang ibig sabihin nito.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART I
Start from the beginning
