JULIAN: Sure ka pres?
ROLAND: Puta, Ayaw mo maniwala?? Di wag.
JULIAN: Galit agad?! Bangasan ko yang mukha mo e.
Pabirong bigkas ni Julian.
ROLAND: Sige, gawa!!
Banat naman ni Roland. Samantala nagtatawanan lamang sa kanilang paligid ang kanilang mga classmate.
JULIAN: Sige, mamaya. Hintayin mo ko, puntahan ko lang muna si Jerry.
ROLAND: Duwag ka pala e.
Muling lumakas ang tawanan. Lalo na ang tawa ni Norman sa kanyang tabi. Ngunit alam nila sa isa't isa na biruan lang iyon. Sa seksyon nila, malalakas ang barahan, okrayan at asaran. Kaya kung mabilis kang mapikon, ikaw ang talo.
Umalis na si Julian upang puntahan si Jerry sa canteen. Papasok na siya sa loob ng canteen ng may isang boses ng babae ang tumawag sa kanyang pangalan. Lumingon sya at nakitang si Maricar ang tumatawag sa kanya. Nagtataka ito dahil mag-isa lang itong nakaupo sa isang cottage ng Student Hang-Out. Hindi muna sya pumasok ng canteen bagkus ay nilapitan nya si Maricar.
JULIAN: Anong ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka lang?
MARICAR: Gumagawa ako ng assignment.
JULIAN: Bakit dito ka gumagawa? Bakit di dun sa bench area?
MARICAR: Ayoko, di ako makapag concentrate dun e.
JULIAN: Aaaa..
Reaksyon ni Julian, alam nito na may iba pang dahilan kung bakit lumayo na naman si Maricar. Pero hindi na niya binalak pang tanungin ang dahilan, dahil baka lalo lang itong mainis.
Si Maricar De Castro ay kilala bilang pinaka mooding babae sa kanilang seksyon. Madalas na mainit ang kanyang ulo lalo na nang magsimula ang 2nd year. Noong nakaraang taon ay kilala din siya bilang iyakin, ngunit ngayong taon ay nagulat ang lahat dahil bigla itong naging matatag at matapang.
JULIAN: So, bakit mo nga pala ako tinawag?
MARICAR: Ah, itatanong ko lang sana kung may sagot ka na sa 4 at 7?? Medyo hindi ko kasi ma gets ei.
JULIAN: Yun nga din problema ko ei. Hindi ko masyado ma gets yung mga item na yan ei. Pupuntahan ko muna si Jerry sa canteen, gusto mo sumama?
Nagbago na namang muli ang timpla ni Maricar.
MARICAR: Hinde, sige ikaw na lang. Turo mo na lang sakin mamaya yung sagot.
JULIAN: Aaa.. Ok!
Hindi na pinilit ni Julian si Maricar. Pumasok na ito sa canteen. Sa loob ng canteen, doon nya nakitang magkakasama sa iisang table sina Jerry, Karlene at ang magnobyong sina Kathleen at Randy. Lumapit si Julian sa kanilang pwesto.
Si Jerry Catubao ang tinuturing na pinakamatalino sa kanilang seksyon. Magaling sya sa halos lahat ng subject lalo na ang math at science. Dahil sya ang matalino sa klase, halos lahat ay sa kanya dumidikit, dahil dun mas maraming nakikinig at naniniwala sa kanyang mga sinasabi. Isa din si Jerry sa tatlong mga moody sa klase at sarkastiko kung magsalita.
Umupo si Julian sa tabi ni Jerry at agad na inilabas ang kanyang papel at ipinakita ang kanyang sagot. Itinanong nya din kung paano sasagutan ang mga items na hindi nya masyadong maintindihan. Habang sila ay nag uusap ay pumasok sa loob ng canteen sina Killian, Justin, Kyla at Jessica at tinatawag ang kanilang pangalan.
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART I
Start from the beginning
