Rein's

" Good morning ma " saad ko, habang papalapit sa kusina.
" si kuya ma? nakaalis na ? " tanong ko kay mama.
" oo kanina pa " sagot nya. Ang aga naman ata ? Eh 7:35 palang , 8 a.m alis nun lagi
" ang aga naman ata? aga ng practice naman nila " saad ko habang nagtitimpla ng gatas ko.

" oo kasi may event ata sila ngayong darating na weekend " sagot ni mama sakin.

Kaya pala. Yes, performer kuya ko at magtatlong taon na syang nagttrain sa korean entertainment pero dito lang sa Pilipinas.

Pumapasok sya sa trabaho dati pero ngayon, full time trainee na sya kasi gustong-gusto nyang maging performer.

" bye maaaaa, " paalam ko kay mama,
" ingat ka ha " sagot nya.







" oh ito na oh " sabay abot samin ng tracing paper material namin ni Caryll.
" nagkakaubusan na kasi kaya ayun, baka maubusan pa kayo kaya binilhan ko na kayo " saad ni Bry.

" Libre ba to ? salamaaat " saad ni Caryll.
Binatukan ko naman sya.

" gaga, babayaran natin si Bry malamang " saad ko. Kumuha naman kami ng pera ni Caryll pero di nya tinanggap.

" nako wag na, tsaka pambayad ko na yan sa inyo dahil tinulungan niyo akong tapusin plate ko " sagot niya.

Nagkatinginan kami ni Caryll.

" awww, " saad namin ni Caryll tapos niyakap namin siya.

" thankyouu bryy " saad namin ni Caryll.











" di ba performer kuya mo Rein? " biglang tanong ni Bry. Pauwi na kami, papunta na kaming Train Station.

" Oo " sagot ko kay Bry.

" eh diba, sumasayaw ka at kumakanta rin? eh bakit di mo trinay?? " tanong naman ni Caryll.

" Oo nga, bakit di ka nag-audition ? " tanong rin ni Bry.

" kasi ganito yon, gusto muna ni kuya natapusin ko pag-aaral ko. Tsaka marunong lang naman ako, mas gusto ko rin sinabi ni kuya. Tsaka isa pa, pagiging Architect gusto ko " sagot ko sa kanila.

Naghihintay na kami ng train,
Maya-maya andyan na ang train.

Pumasok na kami.
Anong oras na ba ?

5 : 16 p.m

Sana maaga ako makarating sa bahay.
Pagod na pagod katawan ko, hay nako.

Medyo mabagal andar ngayon ha

Next station na, bumukas na ang pinto ng train at bagong mga tao nagsipasukan.

Sinara na ulet ang pinto ng train,

" aray " saad ko nang matamaan ako nung bag na hawak ng lalaki.

" sorry , sorry miss " saad nya sakin.

Nagkatinginan kami.

" ayos lang " saad ko sabay ngiti.
Nginitian nya rin ako.



" uy, " rinig kong bulong ni Bry.
" gwapo nung katabi ni ulan " rinig kong bulong ni Bry kay Caryll.

Mga mukhang pogi talaga tong dalawang to.

Maya-maya, next station na.
" excuse me " rinig ko na saad nya.
Tumabi naman ako at pinadaan sya.

Tinignan ko relo ko.
5 : 39 p.m

mag-6 na pala.
Pagkababa ng lalaki, agad akong kinulit nung dalawa.
" ang gwapo ng katabi mo bwiset ka " saad ni Bry.
" oo nga, ang tangkad, " dugtong ni Caryll.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon