" huy, " kinalabit ako ni Paulo.






" natutulala ka Jah, iniisip mo yung date noh? " pang-aasar ni Stell.



" yieeeee, tong bunso namin talagaaa " dagdag ni Paulo sabay pisil sa pisngi ko.

" nako tigilan niyo nga ako , hindi yon iniisip ko " saad ko sa kanila.


" may napansin ba kayo kay Josh? " tanong ko sa kanila.

Natahimik kami saglit.

" hmmm, wala naman " saad ni Stell
" wala naman, bakit Jah ? " tanong ni Ken.
" bakit Jah? " tanong ni Paulo.

Sasabihin ko ba? baka kasi kung anong isipin nila kay Josh.

" wala , wala, nagtatanong lang ako " saad ko at kumain ulit.












" Uy, salamat ulit Jah ah, " saad ni Paulo sabay tap sa balikat ko.
" Salamat Jah, " saad ni Stell at Ken.
" Ingat kayo pag-uwi ah " saad ko naman sa kanila. " Ikaw rin Jah, ingat karin " saad nila.

" byee "

Ako nalang, tinignan ko phone ko.
Nako, nagtext si mommy.




" nak, saan ka na ? "

10: 25 p.m na pala,

" my, pauwi na po "
reply ko kay mommy,

Agad akong sumakay ng jeep papuntang LRT Station. Actually, hindi naman hassle ngayon kasi hindi na rush hour.

Mas maganda ngang bumiyahe nang ganitong oras dahil walang traffic.

Pagscan ng beep card, naghintay na ako ng train. Saktong parating narin pala yung train.


Pumasok na ako, medyo konti nalang tao.
Kaya umupo ako sa malapit ng pinto.
Dinantay ko naman ulo ko sa may salamin ng train.
Pinikit saglit mga mata.

Nakakapagod ngayong araw.


Time Check : 11: 00 p.m

Nakatayo na ako sa may pinto ng train,
11 na pala.

Pagkababa ko ng train, scan ng beepcard.
Bumaba ako ng hagdan, medyo madami-dami naring tao.
Habang pababa ako ng hagdan, biglang naramdaman kong nagvibrate phone ko.

Agad kong kinuha,
tumatawag si diko.


" hello kuya "

" nasan ka na ? "

" pababa na ng hagdan, "

" sunduin kita ? "

" hindi na diko, isang sakay nalang naman"

" sigurado ka ? "

" oo, "

" o sige, hintayin kita rito, ingat ka ha "

" sige "

pinatay nya na ang tawag.
Tinago ko naman na phone ko at
naghintay na ako ng masasakyan ko.

Agad naman akong nakasakay.

Napatingin ako sa orasan ng lalaki,
11: 10 p.m na pala, nga pala si diko yung tumawag, kapatid ko.

Pangalawang kuya ko.
Bunso ako.
Hindi ako pa-baby ah,
sila lang nagb-baby sakin.






" Para po " huminto naman na sa gilid ang jeep.

Actually, konting lakad nalang naman to.

Medyo bibilisan ko nalang dahil alanganing oras na at nag-aalala si Mommy.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Where stories live. Discover now