" bunso dito ka nga " nagpalit kami ng pwesto ni kuya, " baka mamaya mahagip ka dyan " saad niya.

" 100 pesos nga po na kwekkwek " sabay abot ng pera ni kuya kay manong.

" wao galante ka kuya ah 100 AHHAHAHAHA " biro ko sa kanya.
" eh bakit ? ayaw mo? " saad ni kuya .
Minsan ansarap rin kutusan netong kuya kong to e.

" may sinabi ako? " sagot ko.
" aba " sabay napaharap sakin. Natawa nalang kami parehas.

" salamat po " saad namin ni kuya kay manong.
" ano pang gusto mo?? balot ? bola-bola? isaw? " tanong ni kuya sakin.

Hindi ako makasagot kasi 50 pieces na kwek kwek kaya tong nasa plastik.

" hmmm isaw nalang kuya " syempre kuya ko naman yan e . Lumapit kami sa nagbbarbecue.

" ate, 6 na isaw nga po " saad ni kuya kay ate.

Gumilid naman ako, mangangamoy usok ako ron e.

" Hi miss, " patay.
" alas dyis na ah, bat andito ka pa ? wala kang kasama? " nako puro tambay pala dito.

Maglalakad na ako papalayo ron pero hinawakan kamay ko.
" Sandali lang miss, kinakausap ka pa e bastos mo naman "
hinigit ko kamay ko.

" aba gusto ko yung mga ganito, palaban "
hahawakan nya pa sana ako pero sinuntok ko siya at sinipa ang gitnang bahagi ng katawan nya. Nang makaluhod na siya, piningot ko siya.

" Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo gumalang sa ibang babae ? HA?? " nanggigil talaga ako.

" aray aray " inda nya. Napapalibutan na kami ng mga tao.

" BUNSOO " rinig kong tawag ng kuya ko.
Napatingin ako.

Agad nya akong nilayo sa lalaki,
" anong nangyari ? " tanong ni kuya.

" ayan oh ang bastos bastos e " saad ko sabay turo sa lalaking nakaluhod parin kasi iniinda nya sakit ng gitna nya.

" ayy bastos pala yan e " saad ng mga kalalakihan sa gilid.

" sige josh, kami na bahala rito, dadalhin namin sa barangay hall ito mukhang lasing rin e, " saad ng kakilala ni kuya.

" sige sige xander salamat " pagpapasalamat ni kuya.
" hi rein, " bati nya.
" hello, salamat Xander " pasasalamat ko rin
" walang anuman, mag-ingat ka lalo na sa mga ganyang tao , sige josh , bye rein " saad ni Xander.

" Lika nga rito, " agad namang hinawakan ni kuya kamay ko.
" Ayus ka lang ba ha? anung ginawa sayo non? " tanong nya.
" okay lang ako kuya, " naglakad kami pauwi ni kuya.




bigla akong huminto.







" saglit, yung isaw " pahabol ko.
" ito na, nasa akin na lika na "
saad naman ni kuya.

Pagkauwi namin ng bahay,

" Gago talaga yon , " rinig kong saad ni kuya mula sa kusina, nasa sala kasi ako.

" yaan mo na kuya, naturuan ko naman ng leksyon tapos nadala pa nila Rhadz sa barangay " saad ko habang kumakain ng kwekkwek.

" malas nya lang at ikaw ang binastos nya " pang-aasar ni kuya at tumabi sakin.
" malas talaga hahahha " nagtawanan naman kami ni kuya.

" kuya salamaaaat sa pa-kwekkwek moo tsaka isaww " pasasalamat ko sa kanya.

" nako, walang anuman yon basta para sa bunso ko " sabay pisil ng pisngi ko.

" eh kuya, may pera ka pa bang pamasahe para bukas?? " tanong ko.
" oo naman, meron, eh ikaw may allowance ka pa ba?? Nakabili ka na ba ng mga materials mo ?? " tanong ni kuya sakin.

Ayy oo nga pala, yung tracing paper bukas bibili.

" ahhmm, kuya pwedeng makahingi ng pambili ng tracing paper bukas?? " saad ko
" magkano ba? " tanong ni kuya kuha ng wallet nya.
" ket 300 lang po kuya, " sagot ko at uminom ng tubig.

" oh ito, 1k dagdag mo sa allowance yung 700 " nagulat ako sa inabot ni kuya. Kasi kabibigay niya lang ng allowance sakin last week, at may natira pa sa allowance ko na 1k. You know, I'm so matipid HAHAHAHAHHA

" nako kuya, kaabot mo lang sakin nung nakaraan ng allowance ko, itong 1k kuya, palitan mo nalang ng 500, nako nako " sabay abot pabalik ng 1k nya.

" hindiii , sayo na yan. Extra money rin yan. In case, diba " sagot nya. Naiiyak ako. Sobrang spoiled ko sa kuya ko. Kahit hindi ko hinihingi, binibigay niya sakin.

" kuya ... " pagkakuha ko ng pera, niyakap ko siya. Ayun naiyak na ako.

" thankyou kuya " saad ko.
" oh, bakit ka umiiyak? " tanong niya sabay kumalas na ako sa yakap at pinunasan niya mga mata ko.

" eh kasi, sobrang spoiled ko na sa yo. Kahit hindi ko hinihingi, binibigay mo. Tapos eto, nilibre mo pa ako " saad ko at ngumuso.

" Ano ka ba naman bunso, tumahan ka nga dyan " inayos sarili ko at pinunasan luha ko.

" Ako kuya mo, ako narin parang Padre de Pamilya natin. Tsaka ikaw ang bunso ko,namin ni mama, gusto ko nabibigay ko mga kailangan mo. Gusto kong maranasan mo ang magandang bagay, ayaw kong maranasan mo naranasan ko. " sagot ni kuya.

" salamat kuya, I love you " saad ko at niyakap ulit sya.
" Mahal na mahal karin ni kuya, o sige na 11:47 na oh, mag-12 na matulog na tayo parehas pa tayong maaga bukas " saad ni kuya.

Hinatid nya ako sa kwarto ko,
" goodnight bunso " saad niya at niyakap ako.
" goodnight rin kuya " sagot ko.

Next Station : I Love You   ( SB19 Justin Fanfiction )Kde žijí příběhy. Začni objevovat