Episode 51

815 24 0
                                    

[Angel POV]

"Sa lupa niyo matatagpuan ang pangalawang korona ayon sa nakasulat sa propisiya, ngunit hindi na namin alam ang daan kung saan sa lupa nakatago ang pangalawang korona dahil ninakaw ang libro ng propisiya, ngunit..."pinutol ng hari ang sinasabi dahil napatingin ito sa akin at kay prinsesa Shanna.

"Alam kung may alam si prinsesa Shanna tungkol sa daan kung nasaan ang pangalawang korona"bahagyang nagulat si prinsesa Shanna pero tumango lang ito sa hari at saka yumuko.

"prinsesa Shanna, alam kung alam mo ang daan, ituro mo sa lahat, lalong lalo na sa taga-lupa"sabi ng hari kay Shanna at saka tumingin sa akin.

Napakuyom ang dalawang kamao ko habang napatingin kay David, gusto ko siyang sugurin ngayon din dahil isa siyang taksil na hari, inagaw niya ang ina ko, inagaw niya ang trono ng aking ama at inagawan ng asawa ang aking ama, nilason niya ang aking ina, isa siyang tridor, gusto ko siyang parusahan, gusto ko siyang paslangin, gusto kung managot siya sa lahat ng ginagawa niya, gusto ko sabihin sa lahat ng ka tridoran na ginawa niya sa palasyo, pero hindi ko pwedeng gawin yun ngayon dahil gusto ko rin malaman kung ano ang rason niya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, kahit papano ay kadugo ko parin siya, gusto ko rin naman malaman ang totoo kung bakit niya trenidor si ama, kung bakit siya kumampi sa kadiliman.

Aalamin ko ang lahat.

Umiwas ako ng tingin kay David, may sinasabi pa siya ang hindi ko narinig dahil malalim ang iniisip ko kanina dahil sa galit ko.

Nakita kung hinawakan nito ang kamay ng ina ko.

"mahal ko"rinig kung sabi ni David sa aking ina, mahinhin na ngumiti si ina at tiningnan kaming lahat na nasa harapan nila.

"Sa ngalan ng ating panginoon, sa ngalan ng ating palasyo, sa ngalan ng liwanag, binabasbasan ko ang lahat ng sasama sa mundo ng mga tao upang mapagtagumpayang makuha ang pangalawang korona, sanay mapagtagumpayan ng mga prinsesa at prinsepe at ang mga taga-lupa lalong lalo na sa taka-takdang taga-lupa, naway gabayan at panatilihing ligtas ang lahat. Bilang reyna ng palasyong ito, tungkulin kung basbasan ang inyong kapakanan at kaligtasan. Mag-iingat ang lahat"ganyan din ang sinasabi ni Inang Leah nong una, bago namin makuha ang unang korona, nanatili akong nakatitig sa aking ina, gusto ko siyang sugurin ng yakap pero alam kung bawal sa ngayon, hindi pa ito ang tamang oras.

Yumuko kaming lahat sa Reyna at Hari bilang pag-galang, ganun din naman ang hari at reyna sa amin.

Pinaalam ng hari at reyna na hindi muna makakasama sina Kane, Shame, prinsesa Kathy, Mia, Snow, Neva, prinsepe Darwin dahil may mahalaga daw silang gawin habang kami ay nasa mission.

•••

Naglalakad muna kami palabas ng palasyo patungo sa garden kung saan ang lagusan patungo sa lupa, dito din ako dinala ni Achero nong unang pagtungtung ko sa mundong ito, pumasok kaming lahat sa isang makapal na hadlang at nakita naming lahat ang kabuo-an ng garden, maganda siya tingnan, ito ang pangalawang beses na nakita ko ang magandang garden nato, naramdaman kung may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa katabi ko, ngumiti ito sa akin at ganun din ako sa kanya.

Pumitas siya ng isang napakagandang bulaklak na hindi ko mawari kung anong bulaklak ang pinitas niya, isang kulay lila at ang bango pa.

"Para sayo Angel" nakangiting salita niya habang nakatitig sa akin, agad kung tinanggap ang isang kapirasong bulaklak na binigay niya sa akin, ngunit nagtataka ako dahil parang tinutusok ako ng bulaklak, pero pinagsawalang bahala kunalang yun, bahagyang ngumiti ako at umiwas ng tingin kay Clyde.

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon