Episode 37

1.3K 43 0
                                    

[Angel POV]

Inis na inis ako sa mga oras nato, paano ba naman kasi imbis na iiwasan kuna si Achero para di na lumala ang galit  ni prinsesa Lucy sa akin ay lumalapit parin siya sa akin, hinahawakan na naman niya ang kamay ko na siyang nagpapatibok ng mabilis nitong puso ko.

Nakakainis.

Gusto kung bawiin ang kamay ko sa pagkahawak niya pero hihigpitan naman ni Achero lalo ang pag hawak sa kamay ko.

Naglalakad lang kami ng naglakad yumuko lang ako dahil sa inis ko sa kanya at isa pa kenaen niya ang chocolate ko, kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

Nakakainis talaga.

Napatigil ako sa paglalakad at napapikit may sumagi sa isip ko, may pilit na pumapasok sa isip ko

Si Clyde?

Hindi ko ma-explain pero nakatingin siya sa mga mata ko, habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata? naguguluhan naman ako sa nangyari.

"CLYDE? a-anong nangyari?" tanong ko sa kanya nakapikit parin ako at si Clyde parin ang nakikita ko, hindi ito sumagot sa akin sa halip ay nakatitig lang siya sa mga mata ko,para bang sinasabi niya na mag-iingat ako?

Di siya sumagot pero naintindihan ko siya sa paraan ng titig niya sa mga mata ko at ngumiti siya saglit sa akin, pero napakunot ang noo ko ng unti-unti siyang hinihigop ng maitim na maitim na usok?

"CLYDE?"natarantang sambit ko sa isip at di kuna siya nakikita, tanging ang maitim na paligid nalang  ang nakikita ko, unti-unti rin nag-iba ang  paligid di na tulad kanina na sobrang itim, unti-unti na siyang naging kulay niyebe? kulay puti ang na ang nakikita ko at parang nagsnow? dali-dali akong dumilat at pagdilat ko ay yun parin ang nakikita ko parang nagsnow din sa lugar na ito at nagkagulo sa paligid ko, napatakip naman ako ng bibig sa nakikita.

Napa-isip naman ako sandali.

si Clyde ba talaga yung nakikita ko sa isip? Ano nga pala ang nangyari sa mga kaibigan ko nong lumindol sa paaralan namin doon sa lupa? Asan na kaya sila ngayon? Bakit nakaramdam ako ng kaba para sa kanilang tatlo, paano kung nadamay sila sa akin? paano kung pati sila nadamay dahil sa akin?at anong ibig sabihin ng nakita ko kanina sa isip? nasa panganib ba ang mga kaibigan ko?

Nawala ang mga iniisip ko dahil may tumama sa ulo ko, isa itong bilog na yelo, napatingin ako sa nagbato nito sa akin, si prinsesa Shela pala.

Nakangisi siya sa akin, habang nasa punong kahoy, kampating naka upo doon habang kumakaen ng apple?

"Tulungan mo kaya ang mga kasamahan natin Angel ano?"taas kilay niyang sabi sa akin sabay kagat ng apple na kinaen.

Tumingin ako sa mga kasamahan ko nakipaglaban sa mga taong niyebe? halimaw na niyebe? nakakatakot kasi ang mga mukha nila, matutulis ang mukha pati na ang katawan may mga hawak na espada at parehong pula ang kanilang mga mata at sobrang dami pa nila.

Nakatanga lang ako habang ang mga kasamahan ko ay patuloy na tinutigis ang mga halimaw na niyebe? di ko alam kung ano ang tawag sa kanila basta nakakatakot sila.

At ngayon kulang napansin na nasa gitna ako nina Achero, Ethan at prinsesa Shanna.

"Taga-lupa"napalingon ako sa nagsigaw ng pangalan ko, si prinsesa Lucy.

"Huh?"nakatanga parin ako at walang ginawa kundi pinapanood silang nahihirapan sa pakikipag-laban sa mga halimaw na niyebe.

"wala kang kwenta"sigaw na sagot nito at saka niya pinatid ang halimaw na niyebe sa harap niya.

"a-ako?"turo ko sa sarili ko.

"tanga"mataray nitong sigaw sa akin at tiningnan ako ng masama saglit at saka binaling ang tingin sa kalaban niya.

At kasabay doon ay may dumaang malamig at mainit(?) na hangin sa gawi ko maganda sa pakiramdam kaya pumikit ako at dinama ang lamig at init na hangin na dumaan sa akin, pakiramdam ko ay parang lumakas ako dahil sa hangin na iyon.

Tapos naramdaman kung may matulis na bagay na humawak sa braso ko na may sugat agad akong napadilat at agad ko itong na hinagis.

Napalaki naman ang mata ko dahil sobrang layo ng halimaw na niyebe na humawak sa akin kanina nakasading na ito sa may bato malayo ito sa kinatoroonan ko, napangiti ako bigla at napatingin sa dalawang kamay ko, bakit parang anlakas ko?

Binaling ko ang tingin sa braso na hinawakan ng halimaw kanina lalo itong dumugo pero ngayon lang ako nakaramdam ng hapdi, kaya napangiwi ako, napatingin si prinsepe Enok sa akin habang may tatlong kalaban na sabay sabay niyang napatumba.

Tumingin din ako kay Enok napatingin siya sa braso ko at saka dali daling lumapit sa likod ko at may limang halimaw na niyebe sa likod ko na agad niyang napatumba.

Di siya umimik pero matalim ang titig niya sa akin, tinulungan niya ang ibang naming kasamahan at nakipag espadahan sa mga halimaw na parang di nanaman nauubos sa sobrang dami.

Napatingin ako sa kanilang lahat parang pagod na pagod na silang nakikipag espadahan sa mga halimaw na di nauubos, pero di parin sila tumitigil sa pakikipag-laban.

Naramdaman ko na may papalapit sa akin sa likod ko kaya hinarap ko sila.

Huminga ako ng malalim at tinaas ang isang kamay ko at agad naman lumabas sa kamay ko ang espada ko, agad agad kuna silang sinunggaban gamit amg espada ko, agad naman silang napatumba dahil nawala sila bigla kapag natamaan ng espada.

Mabilis naman ang kilos ko at tinulungan kuna ang mga kasamahan ko, agad ko silang napatumba gamit ang espada ko, minsan natamaan ako sa binti at paa medyo mahapdi na ang mga ito pero binaliwala kuna lang muna yun dahil di pa nauubos ang mga halimaw na nasa paligid namin.

Nagulat naman ako dahil sa bilis ko ng kilos ko pero sumabay ako sa kilos ko, napakalaki naman ang mga mata ko dahil kunti nalang ang mga halimaw sa paligid nawala yung iba , agad akong lumapit sa gawi ni prinsesa Mia, Rhea at Kane na nakipaglaban parin sa natitirang halimaw na niyebe,  mabilis akong lumapit sa kanila at mabilis na pinatumba ang mga natitirang halimaw.

Hingal na hingal akong napaluhod dahil sa pagod at hapdi ng paa ko dahil natamaan iti ng dalawang beses kanina sa mga halimaw na niyebe.

"Anghel"agad na lumapit sa akin si Achero at inalalayan ako.

"ayos kalang Angel?"agad naman din na tanong ni Ethan sa akin.

Tumango nalang ako at di na sumagot, humahapdi kasi ang braso ko na nagalaw kasi ito ng halimaw kanina, kanina naman hindi ito sumasakit o humahapdi ngayon lang.

Pina-upo nila ako sa damuhan at ginamot nila ang ibang mga gasgas ko na humahapdi.

"Humahapdi siya Shanna"salita ko lumapit kasi siya sa akin at hinawakan ang braso ko malapit sa may sugat ko.

Mawawala naman ito bigla kapag natagalan, hindi kulang talaga ito magamot dahil hindi ko pwdeng gamutin ang sarili ko.

"Gagamutin nalang natin"sabi naman ni Shanna sa akin, tumingin ako sa mga kasamahan ko kanina pa sila tumingin sa akin at nakatulala?

Anong meron?

Nakatingin ako ng nagsalita na si Shela nasa itaas parin siya naka-upo sa puno.

"Ang bilis mo Angel, kaya nakatulala yang ibang kasamahan mo"ngumiti naman si Shela at napatingin sa malayo.

"lumalakas kana Angel, matagal na nagsisimulang bumalik ang iyong ala-ala"napakunot naman ako sa sinasabi ni Shela at napatingin sa akin at saka umiwas ng tingin.

Huh? Anong ibig niyang sabihin?

•••

To be continued:

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon