Episode 1

4.4K 195 125
                                    

[Angel POV]


Ang ganda ng panaginip ko kagabi, as in sobrang ganda.

Para akong nasa galaxy sa outer space.

Eeh? kahit na umagang umaga gusto kuna matulog ulit.

"Hazel A..."

"Present sir"Hazel.

Kailan kaya ako mananaginip ulit?

Kailan ko makikita ang lugar nayon ulit?

"Denise B..."

"Present sir"Denise.

Yung parang nasa isang fantastic kingdom ka, at kaharap mo ang malaking palasyo na kumikinang sa sobrang ganda, kitang kita kupa ang center ng malaking paaralan sa gitna mala dyamteng porma ng palasyong nakikita ko sa panaginip ko kagabi.

"Amia Angel G..."

Kitang kita ko ang tanawin ng buong palasyong yun, may balak sana akong pasukin ang palasyong yun kaso nagising ako umaga na kaya naman sayang na sayang.

"Amia Angel Gerero"

Unang beses ko yung napanaginipan kagabi lang, isa yung napaka gandang panaginip, palage naman akong nanaginip ng maganda tulad ng nakalutang sa ere, yung napapalibutan ka ng maraming bulaklak, tapos meron namang napapalibutan ako ng maraming apoy na kulay yellogreen pero di naman ako napapaso, may napapanaginipan din akong ibat ibang nilalalang mga puno na nagsasalita, mga hayop na nagsasalita at may mga ghost pa akong nakikita nakangiti lang sila sa akin at kinakausap ako...

"Inuulit ko 'Amia Angel Gerero'"napatinag ako at napabalik sa huwesto ng sinigaw ni sir Lance Carter ang pangalan ko at napatayo pa, ng tingnan ko si sir Lance ay nagliliyab ang mga mata nitong naka tingin sa akin.

Ayan na naman si sir highblood galit na naman siya.

"Oh-uh"rinig kung bulong ni Ken sa tabi ko.

"Sir?u-uhm ano po yun?"pilit akong ngumiti kay sir, lagot na naman ako dahil hindi ako nakinig sa napakaboring nitong discussion.

Nakatingin ito ng masama sa akin, saka unti-unting tumayo habang galit na galit kinuha ang eraser na nasa table nito at walang pasabing binato ang eraser sa kinaroroonan ko, hindi nalang ako gumalaw dahil deserve ko naman yun dahil kasalanan ko kung bakit hindi ako nakinig sa boring nitong discussion. Sa halip ay tinitigan kunalang ang eraser na papalapit sa akin, hinihintay na dumapo sa ulo ko, isa pa sanay na ako kay sir, lagi yang ganyan sa akin. Hindi ko winala sa paningin ang eraser na papalapit sa akin, para siyang nagslow sa paningin ko, tinitigan ko ito nang maigi, at iniisip na sana magkaroon ng himala na maglaho ito, tulad ng mga nababasa ko sa mga mahikang libro na paborito ko, ngunit nabigla ako dahil nawala ang eraser sa paningin ko na siyang kinokonot ng noo ko. Paano nangyari yun? Parang magic? Huli na nong pumagitna si Clyde sa harap ko upang di ako matamaan ng eraser.

Paano nangyari yun?

May himala naba?


Ako lang ba ang nakakita nong naglaho ang eraser? O namalik mata lang ako?

Ang labo naman kung kusang naglaho ang eraser ni sir high blood? Ano yun magic?

"Paanong?..."nakatulalang sambit ni sir Lance at saka binalingan ako ng tingin, umiling iling ako kay sir Lance, tumingin ito sa akin ng masama at saka nag walk out.

"Angel okay a lang? ano na naman ba kasi ang iniisip mo? palagi kanalang wala sa sarili dahil dyan sa mga kawerduhang nasa isip mo"sermon na namn sa akin ng kaibigan kung walang sawang sermunan ako.

"Hula ko magic na naman yang iniisip mo ano, nako sinasabi ko sayo angel yang magic magic na yan hindi mag eexist sa mundo, kailan kaba magigising sa katutuhanang walang mahika dito sa mundo? sa libro lang yan mangyayari hindi sa totoong buhay"sermon naman ng isang kaibigan kung si Hazel.

Ngumiti lang ako ng napaka lawak sa kanila, nasa harapan ko sila habang naka pamewang.

"Walang impossible sa mundo Clyde at Hazel, walang mawawala kung maniwala ka, kung hindi kayo nanieala sa mga mahika, walang mawawala, kung naniwala ka wala ring mawawala, kaya hayaan niyo na ako"sabi ko sa kanila habang nakangiti.

Napatawa naman si KenKen sa tabi ko at tinapik sa balikat.

"Ang weirdo mo talaga Angel, ayan tuloy galit na naman si sir highblood sayo, nadamay pa kami, pero ok narin yun, boring naman yun mag discuss wala akong maintindihan"natatawang sabi ni KenKen sa akin.

"Nasan na kaya yung eraser na binato ni sir Lance kanina? namalik mata lang ba tayo? bigla kasi itong nawala?"takang tanong ni Hazel sa amin.

"Oo nga nakita ko yun nawala talaga o kaya di talga yun eraser"natatawang segunda naman ni KenKen.

"Chalk naman ang tumama sa likod ko"napakamot sa ulo nitong sabi ni Clyde sa amin.

"Chalk? eh kitang kita ko na eraser yun ang binato ni sir Lance sayo.

"ang weird naman non"commento naman ni Hazel.

"Let's go out?"yaya sa amin ni KenKen ngayon kulang napagtanto na kaming apat lang ang tao dito dahil lumabas na ang mga classmates ko.

Tumayo naman ako at kinuha ang dalawang fantasy books na nasa desk ko at saka sabay sabay kaming maglalakad.

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon