Episode 24

1.4K 62 6
                                    

[Achero POV]

Napangiti ako dahil nanalo na naman siya sa laban, kahit nag-alala ako sa kanya dahil marami na siyang sugat sa katawan, pero ang kinaka-taka kulang bakit parang hindi siya nasasaktan?

"nag-alala na talaga ako kay Angel marami na siyang sugat"nag-alalang sambit ni Shanna na nakatutok sa gitna sa training field, kasalukuyang naglalaban yung nag-ngangalang Shame at ang Anghel ko.

'Anghel ko'

Bahagyang napatikhim ang aking kapatid na si Chloe, at nakangiting nakatingin sa akin, seguro ay naririnig niya ang sinasabi ng isip ko, hindi na ako nagulat pa dahil nakakarinig siya ng isip, kahit nakasarado lahat ng isip namin dito ay naririnig niya parin ito, kakaiba ang kapatid ko siya ang binayayaan ng magandang kapangyarihan, tulad ng nababasa niya ang isip mo kahit nakasarado ito, at yung nakakausap niya ang mga dyos at dyosa, at higit sa lahat malakas pa kesa sa akin, sa amin ng mga Prinsepe at Prinsesa maliban nalang sa mga Hari at Reyna.

At walang ibig sabihin ang pagtawag ko sa taga-lupa na ganun, sadyang yun lang ang gusto kung itawag sa kanya.

"bakit parang hindi siya nasasaktan? ang dami na niyang sugat dumudugo pa"sambit naman ni Mia.

"nakakapag-taka ang galing niyang makipaglaban, madali siyang natuto"sabi naman ni Kathy na nakatutok din sa labanan.

Tahimik lang ako habang nakatutok sa labanan pero narinig ako sa pinag-usapan nila.

Nag-alalang na talaga ako dahil madagdagan ang sugat niya.

"tssk"nakatingin kaming lahat kay Lucy na tumayo sa kanyang inuupuan, galit siyang nakatingin sa gitna ng training field at saka biglang nawala.

"oh ano na naman ang problema ng maarteng babaeng yun?"iritang salita ni Shanna.

"nagbago na talaga siya, simula nong dumating ang taga-lupa"sabi naman ni Ella at tumingin sa akin.

Napahinga ako ng malalim, hindi parin niya tanggap ang lahat.

Narinig ko ang palakpakan ng mga estudyante dito, pati narin ang mga Hari at Reyna na malawak ang ngiti.

"kuya Ethan nanalo ulit si Ate Angel matakot kana, galit yun sayo hehe"nang-aasar na sabi ng aking kapatid na si Chloe kay Ethan na ngayoy napalunok.

Teka natatakot ba siya?

"Pssh bakit naman ako matatakot?katakot takot ba siya? Tss isa lang siyang taga-lupa, prinsepe ako , malakas ako kesa walang kapangyarihang taga-lupa lang"napalingon agad ako sa katabi kung si Ethan at agad na kinwelyuhan.

"wag na wag mo siyang maliitin Ethan"galit na sabi ko pinigilan naman ako ni Enok na katabi ko rin sa kaliwa ko.

"Tama na Achero, magagalit sa atin ang mga Hari at Reyna, manood nalang tayo sa laban"mahinahona na salita ni Enok, agad ko namang binitawan ang kwelyo ni Ethan at tumingin na sa gitna ng training field.

Si Prinsepe Enok ay ang pinakamatalik kung kaibigan, kakamabal niya si Lucy, malakas din ang kanilang kapangyarihan, tulad ng kildat at kacocontrol nila ang init at lamig pati na ang hangin.

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon