Episode 59

510 20 0
                                    

[Devon POV]

"Malapit na dakilang Eros, malapit na ang takdang panahon, malapit nang mapa sa atin ang mundo, malapit na akong maghari sa boung palasyo, panginoon ko."natutuwang saad ko sa aking kaharap na isang malaking dragon na sinasamba ko at ang nag isang nagbigay sa akin ng malakas na kapangyarihan.

"Malapit kunang makuha ang naka-takda upang kumuha ng dugo sa taga-lupang naka-takda upang ikaw ay mabuhay nang muli at ang mga korona upang manumbalik ang iyong lakas dakilang Eros. Malapit na natin matikman ang tagumpay."humalakhak kung saad kaharap ang aking panginoon.

"Magaling Devon, pero huwag kang makampanti may mesteryosong secreto ang mabubunyag pagkatapos ng binigay mong digmaan, nalalapit na ang panahon na malaman nang lahat ang tungkol sa totoong pagkatao ng naka-takda."huling saad ni dakilang Eros bago nawala ang pulang ilaw sa mga mata niya, napakunot ang aking noo dahil sa mga huling salita niya.

"manubunyag ang mesteryosong secreto tungkol sa totoong pagkatao ng naka-takdang taga-lupa?"ulit ko sa huling saad ni dakilang Eros at napahawak sa aking ulo dahil biglaan itong sumakit.

"Ahhh"daing ko, bakit biglang sumakit ang ulo ko?.

"Ama? Ayos kalang ba?"tanong ng aking anak na si Hasha.

"Hindi! Biglang sumakit ang aking ulo tila may ala-ala at mga imaheng sumasagi sa aking isipan."sagot ko habang nakapikit.

Kaharap ko ang isang batang babae na may sout na kumikinang na korona, habang saksak niya ang aking puso.

"S-sino ka?."galit kung tanong habang nakapikit.

"Seseguraduhin ko tandang Devon, hinding-hindi ka magtatagumpay. Ako parin ang nag-iisang malakas at ma-kapangyarihan sa lahat, makuha mo man ang mga korona ng aking pamilya ay hindi mo parin matatalo ang liwanag, mananalo parin ang liwanag. Hinding-hindi kayo magtatagumpay."napa-iling ako at napasigaw sa sakit ng ulo.

"Davina......"wala sa sariling sambit ko.

Sino si Davina? Sino ang batang babae na kaharap ko na may kumikinang na korona sa ala-alang yun?

"Davina? kung sino ka man, kailangan kitang maalala. Mukhang ikaw ang hahadlang sa lahat ng aking plano."kuyom ang aking kamao habang mahina kung sinasaad yun, habang nakatingin sa rebulto ng aming dakilang si Eros.

"Sino ang iyong sinasambit ama? Sino si Davina?."tanong sa akin ni Hasha, agaran akong napatingin sa aking anak dahil sa aking naisip.

Saka ko na iisipin kung sino ang Davina na ito, ang nasa isip ko ngayon ay pag-laruan ang mga prinsepe at prinsesa, hari at reyna ng Diamond Palace, nais ko munang pag laruan sila bago ko ipatikim ang nalalapit na malaking digmaan.

"Hasha, aking anak, ngayon kita pakinabangan, pumunta ka sa Diamond Academy, katulad ng iyong kapatid na si Aro ay magpapanggap ka rin, magpanggap ka bilang medchìcian, magpanggap ka bilang si prinsesa Shanna, samantalahin mo ang digmaan  gamitin mo ang iyong mga kapangyarihan na binigay sa iyo ni dakilang Eros. Kung hindi magtatagumpay sina Eah at Aro na makuha ang taga-lupa at ang mga pinadala kung mga dhiabal ay ikaw na ang gagawa, alam mo na malapit si prinsessa Shanna sa naka-takda ikaw na ang gumawa ka ng paraan upang madala mo siya dito sa ating kaharian, ang mga dhiabal na ang bahala sa mga korona, ang mahalaga sa ngayon ay ang taga-lupa, upang tuluyan nang mabuhay ang ating panginoong Eros. Alam kung hinding-hindi mo ako mabibigo."nakangising saad ko sa aking anak, ngumisi naman ito ng malawak.

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon