Episode 58 "Pangatlong Korona"

438 16 0
                                    

[Angel POV]

Kumuha pa ako ng wine glass at umupo, nakasimangot lang ako dahil iniwan nila akong lahat, busy silang lahat, sumisimsim nalang ako ng alak dahil nababagot ako, mga ilang minuto na akong naghintay kay pogi pero wala parin siya.

"Tsk paasa."bulong ko at inirapan ang baso na hawak ko, si Clyde naman ay busyng busy kay prinsesa Lucy ni hindi nga ako pinansin eh kahit ilang beses kunang kinaway-kaway pero parang baliwala lang ako.

"Hayzz pag dumating si pogi who you ka sakin Clyde Augh."inis ko pang bulong at binaling ang kinaroroonan nina clyde at lucy pero napa-iwas ako kaagad, sumasakit ang mata ko sa kanilang dalawa.

Ayoko ding maging feeling close sa ibang mga estudyante dito, may mga pagkain naman na nakahanda sa mahabang hapag pero wala akong gana, isa pa hindi familiar sa akin ang mga pagkain, feeling ko ang pangit ng lasa o kaya malalason ako kapag tinikman ko, kaya lang talaga tinatamad ako.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga estudyante na nagsasayaw ng mabagal, hindi ko gusto ang tugtug na ito masyadong masakit sa tenga lalo pa sa mga sumasayaw ang sakit nilang lahat sa mata, tumugma naman ang tugtug. Napasimangot naman ako at napa-iling dahil hindi ako maka relate sa kanila, tumaas ang kilay ko ng makita kung sumali sa pagsasayaw ng mabagal sina Clyde at Lucy sa gitna.

"Kainis ka talaga Clyde, bakit hindi nalang ako ang sinayaw mo? O kaya kahit sinong babae bakit sa kanya kapa nakipagsayaw Augh."inis na in is kung bulong at nilagok ang alak sa basong hawak-hawak ko at saka padabog na nilagay sa lamesa.

Maka labas na nga, sumasakit ang mata ko dito.

Naiinis akong tumayo para sana lumabas nang may malambot at malaking kamay na humawak sa kamay ko, inis ko itong nilingon pero agad ring lumambot ang puso ko ng makita ko kung sino....

Sh*t ang gwapo.

"... P-pogi..."ang galing ang gwapo niya, parang walang iba akong nakikita sa paligid kundi siya lang, parang bumagal ang pagpintig ng puso ko ng makita ko siya.

Luh? Anyari sakin? Bakit siya lang ang nakikita ko? Umiling-iling ako pinagsisihan kung uminom pa ng alak dahil kung ano ano nalang ang nakita ng isip at mga mata ko.

Isang napaka gwapong prinsepe ang nasa harapan ko. Nakangiti akong nakatitig kay Achero.

"A-anghel....anghel...ayos ka lang?...huy Anghel."natatawang saad ni Achero tapos pinitik yung noo ko, sh*t bakit ang sexy niyang tumawa?

Sumimangot ako dahil sa hiya, nasa tabi pala niya si Chloe.

Ipikto lang seguro ito sa alak.

Napahawak ako sa ulo ko dahil parang nahihilo ako, luh? Ito na seguro ang epikto sa alak na iniinom ko, I swear hindi na ako iinom ng alak.

"Hehe a-ayos lang ako p-pogi...  hehe hi Chloe"nakangiting bati ko sa kapatid ni Achero.

"Kamusta ate Angel? Ang ganda ganda mo po."nakangiting bati pabalik sakin ni Chloe.

"Para kang isang prinsesa, napakagandang prinsesa."makahulugang dagdag pa ni Chloe at bahagyang yumuko sa akin.

Ngumiti ako ng matamis kay Chloe at yumuko rin sa kanya.

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon