Episode 11

1.9K 85 40
                                    

[Angel POV]"

"tatapusin na muna natin ang pulong na ito, mag-pahinga muna kayong lahat, gamutin ang inyong mga sugat"anunsyo ng ni Haring David kaya napatingin ako sa hari at saka ko iniwas ang tingin ko, hindi kasi maganda ang nababasa ko sa isip nito, pero hindi ko maipaliwag kung ano yun.

"taga-lupa mag-pahinga ka na lang muna, bukas na bukas ay mag eensayo ka kasama ang mga prinsesa at prinsipe sila ang mag sasanay sa iyo"nakatingin ako sa ibang dereksyon habang sinasabi yun ni Haring David.

"Okay po"tanging sagot ko.

"ihahatid na kita sa iyong silid taga-lupa"tumingin ako sa katabi ko na ngayon lang nag salita.

"O-okay"utal kung sagot hinawakan ako nito sa kamay at nagsimula na kami maglakad.

Nagsi-alisan na ang mga Reyna at Hari pero ang mga prinsesa at prinsipe ay papalapit sa amin ni poging Achero, nakaramdam ako ng kaba baka kasi hindi ako tanggap ng ibang mga prinsesa at prinsipe dito, nagpatuloy lang kami ni poging Achero sa paglalakad palabas.

"taga-lupa, prinsipe Achero saglit"sabay sabay nilang tawag sa amin kasabay narin ang paghinto namin sa paglalakad.

"H-hello"bati ko s kanila nakangiti silang lahat sa akin, ang gagawapo at ang gaganda nilang lahat.

"Hindi kami nagpakilala sa iyo taga-lupa ako nga pala si Kathy nag prinsesa ng tubig"nakangiti nitong pakilala sa akin at napakaganda niyang babae, mas maganda sila kay sa sakin nakakainggit tuloy, mula sa bagsak nitong kulay purple ang buhok, sexy pa as in perfect siya pero silang lahat talaga ang gaganda.

Ngumiti ako at nilahad ang kamay"Hehe nakakainggit naman ang ganda ganda mo Kathy ako nga pala si Angel"pakilala ko rin sa kanya.

Sumunod naman ang lalaking naka puti ang sout ang cool niya, ang lamig niya at ang gwapo niya.

"kinagagalak kitang makilala taga-lupa ako nga pala si Ethan ang prinsipe ng yelo"ngumisi ito sa akin at nakipagkamay nagulat pa ako ng halikan nito ang kamay ko.

"malamig ako pero parang nakaramdam ako ng lamig ng mahalikan ko ang kamay mo, mas malamig pa kesa sa kapangyarihan ko"sambit nito.

"kakaiba ka taga-lupa at kakaiba ang iyong taglay na kagandahan"kumindat pa ito sakin.

Nakangiti lang ako sa kanya.

"ang gwapo mo naman Ethan"nakangiti kung salita.

"alam ko taga-lupa magkasundo tayo dyan" humalakhak pa ito saglit pero naging seryoso ulit ang mukha niya, nakakatawa siya promise.

Sunod nagpakilala ang kapatid nitong kamabal na babae, sina Snow at Neva, bukod sa pareho ng mukha pareho din ang kilos nilang dalawa, pareho din ang ganda nila, halos lahat pareho silang kambal pero maliban lang sa buhok kulay puti ang buhok ni Snow at kulay light blue naman ang buhok ni Neva.

Nakangiti lang ako sa kanila at nagpakilala din isa isa.

Tapos may biglang sumulpot sa harap ko dalawa sila pero napansin ko yung isa ay invisible siya, napakaganda nilang dalawa.

"kamusta taga-lupa? kinagagalak kitang makilala ako naman ang prinsesa ng hangin, Shanna ang pangalan ko"kinuha nito ang kamay ko at nakipagkamay sa akin.

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon