Episode 14

1.8K 80 57
                                    

[Angel POV]

"Paalam"huling salita ng kamukha ko sa kawalan, pero nandito parin ang espada sa kamay ko.

"Taga-lupa gising"

Narinig kung salita sa kawalan pero hindi ko alam kung sino ang nagsalita.

Hindi kunalang pinansin yun at tumingin ulit sa espadang dala ko.

Napalaki ang mata ko ng biglang umilaw ang espadang dala ko kaya nabitawan ko sa gulat, lumutang ito sa ere, may ibat ibang kulay ang lumabas sa espada, napaatras ako ng namalayan kung umilaw din ang kwentas ko kaya nakita ko ulit ang kwentas na bigay sa akin ni Aspen nong nasa gubat ako.

"Waw"manghang bulong ko nakatingala lang sa umiilaw na espada at ang ganda tingnan ng kulay na lumalabas nito, pero napaatras ako ng unti unting nilamon ng kwentas ko ang espada at sa isang iglap ay nawala ang espada at pumasok sa katawan ko, nafefeel ko ang espada na pumasok sa katawan ko.

At dahil sa gulat ay napasigaw ako ng malakas, pero ako lang nabingi sa malakas na sigaw ko, dahil ako lang ang nakarinig ng sigaw ko.

•••

Napabalingkawas ako ng bangon ng may nagyuyug sa katawan ko.

Pawis na pawis ako at habol ang hininga, dahil sa espadang pumasok sa katawan ko kani-kanina lang.

Alam kung hindi yun basta bastang panaginip lang, nasa sarili akong ilusyon kanina, at hanggang ngayon nararamdaman parin ang pagpasok ng espadang hawak ko kanina.

"taga-lupa"boses yun ni prinsesa Shanna, tumingin kaagad ako sa nagsalita malapit sa akin.

Tumingin lang ako kay prinsesa Shann, habol parin ang hininga ko.

"kanina kapa namin ginigising ni prinsipe Achero, nanaginip kaba?"habol hininga parin ako at saka bahagyang tumango.

"Ano ang panaginip mo"tanong naman ni poging Achero, umiling lang ako at hindi ko siya sinagot.

"walang pwedeng makaka-alam sa sarili mong ilusyon angel tandaan mo yan"bulong ng sarili ko na kinatataka ko, naririnig ko ang isipan ko at ang boses ko na ako lang ang nakakarinig.

Huminga ako ng malalim at ginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto.

Napagtanto ko na nasa isang magandang kwarto pala ako at sa magandang kama ako nakahiga, kasya lang sa akin ang magandang kama na hinihigaan ko tapos nakita ko ang isang salamin na kumikinang malapit lang sa maliit na lamesa, kaya dali dali akong tumayo at pumunta doon sa salamin, naalala ko ang koronang nakita ko sa ulo kanina sa ilusyon.

Nasa harap na ako ng salamin ngyon, kaso wala nang korona na nasa bandang ulo ko katulad kanina.

"anong ginagawa mo taga-lupa?"tanong sa akin ni prinsesa Shanna.

Ngumiti nalang ako at inayos nalang ang buhok ko na may mataas na bangs na kasing taas na ng mukha ko, medyo matagal tagal narin kasi akong hindi napangalagaan ang bangs ko kaya ito mataas na.

"prinsesa Shanna, poging Achero pwde bang wag niyo nalang akong tawaging taga-lupa? alam niyo naman lahat na taga-lupa ako, maari niyo ba akong tawagin sa sarili kung pangalan?"tanong ko sa kanilang dalawa na nakatingin lang sa akin.

"Oo naman Angel"nakangiting sagot ni prinsesa Shanna.

"kung yan ang gusto mo Anghel"seryosong sagot naman ni poging Achero kaya napasimangot ako.

Masyado kasing pormal ang pagkabanggit niyang anghel, para kasing iba ang nararamdaman ko, para lumkas ang pagtibok nitong puso ko, na hindi ko maintindihan.

"Angel nga pogi hindi Anghel okay?"napanguso kung salita.

"parehas lang yun Anghel, gusto ko tawagin kang Anghel"nakatitig na ito sa akin ng seryoso parin kaya napangiti na ako ang pogi niya kasi eh, nakakainis.

"ang pogi mo talaga"bulong ko nang nakangiti pero senegurado kung ako lang ang nakarinig.

Pero...

"alam ko Anghel simula palang ng akoy pinanganak, isa na akong magandang lalaki"nakangisi na niyang sagot yung ngising nagyayabang habang ito ay nakaktitig sa akin.

First time ko siyang nakitang ngumisi sa harap ko, nakakainis mas lalong siyang pomogi.

•••

"Angel ito ang soutin mo"may pinakita siyang unifom na nakahunger, kulay pula na may halong kulay lila magandang siyang tingnan.

"ito ang uniporme mo ,uniporme ito ng paaralan dito, papunta tayo ngayon sa Diamond Academy , Diamond Academy ang pangalan ng paaralan dito, utos ng Haring David ngayon ang unang araw mo para sanayin ka"sabay abot ni Shanna sa akin ng isang magarbong uniporme agad ko itong kinuha.

Magsasalita na sana ako ng nagsalita ulit si prinsesa Shanna habang nakangiti sa akin.

"Pumunta ka ulit sa harap ng mahiwagang salamin Angel, dalhin mo ang uniporme na hawak mo ngayon"nakangiting salita ni prinsesa Shanna sa akin sabay turo sa malaking salamin.

Nagtaka man ako sa sinasabi ni prinsesa Shanna pero sinunod ko pa rin ang sinabi nito, hawak ko ang uniform na binigay niya.

Naka harap na ako ngayon sa mahiwagang salamin.

"Iharap mo sa iyong katawan ang uniporming dala mo"takang taka ako pero di na ako nagtanong pa at sinunod nalang ang sinisabi nito sa akin.

Tapos ng tinapat ko ang uniform sa katawan ko yung parang sinusukat lang, tapos ng maitapat kuna ang uniform sa katawan ko ay bigla nalang itong umilaw at sa isang iglap nasout ito sa katawan ko ng kusa.

Napanganga nalang ako sa nangyari tila di makapaniwala.

"waaaaaaaaaaaw"manghang bulalas ko.

Nang matapos itong umilaw ay napanganga ulit ako at nanlaki ang mga mata sa nakita.

"napaka ganda mo anghel"napatingin ako sa nagsalitang si poging Achero na nakatitig lang sa akin, kaya napakagat ako ng labi pinipigilang ngumiti, parang lumakas ata ang tibok ng puso ko ng titigan niya ako ulit.

Nakakainis.

"nakakamangha mas lalong kang gumanda nang sinout mo ang uniporming yan Angel"manghang salita ni prinsesa Shanna habang sinusuri ako.

"Salamat"nakangiting sabi ko sa kanilang dalawa at humarap ulit sa mahiwagang salamin.

•••

Princess Angel:The Lost Crown DiamondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon