"Paano nga kaya kung may nag-code no'ng mismong gabi ng date namin, 'no?" nakangiti sa kawalan na tanong ko, gumagawa ng sariling sitwasyon ni Maxwell sa isip.

"Hahay," ngiwi ni Katley. "Tapos na 'yon, 'day, 'oy..."

"Naisip ko lang," malungkot kong sabi.

"Pero in fairness, hindi ka na naiiyak sa t'wing maiisip siya. Proud ako sa 'yo, Yaz."

Ngumiti ako. "Siguro dahil tanggap ko na?"

"Na hindi na siya babalik?"

Sumama ang mukha ko at pinalo ang kamay niya. "Bad ka!" lumabi ako. "Tanggap ko nang hindi lahat ay maibibigay niya sa 'kin, kahit pa para sa 'kin ay deserving ako sa mga 'yon. Bad ka, Katley."

Humagalpak siya ng tawa. "Sabihin mo kasi!"ngiwi niya. "Ano 'yan?" nakangiwing tanong niya, nakatingin sa papel na sinusulayan ko. "Tula?"

Natawa ako saka nakangiting tumingin sa sinusulat sa maliit kong notebook. "It's a song, Kate," sa isip ko ay gumagawa na ako ng sariling areglo. "My song for Maxwell..."

"Dawbi!" aniyang akmang titingnan 'yon ngunit awtomatiko kong tinago.

"Kapag tapos na."

"Artiha, 'oy!"

"Promise, kapag natapos..."

"Hahay," sumiring siya, natawa ako. "Gusto ko ng coffee, hahay."

"Order ta?" ngisi ko.

Sumimangot siya. "Ikaw ba, sige ka order kay mas napapamahal ang gastos ko nimo. Imbes panggatas ng pamangkin ko, ipagkape-kape ko na lang!"

"Sige, ilibre na kita, madam. Sorry kung ganito ang life ko, madam. Kapoy ko kaya hindi ako gaganahan sa tina-tinapay lang, madam."

Tumawa uli siya. "'Yong frappucino gusto ko, madam," aniya na naglambing kunyari sa braso ko. "Pero tama 'yan, Yaz. 'Wag ka sige order sa online shopping, kumain ka na lang."

"Buang! 'Yon lang ang bisyo ko bukod sa magmahal, 'day."

Um-order ako hindi lang para sa 'min kundi sa lahat ng naka-duty sa ward nang araw na 'yon. Hindi lang hot and iced coffee ang in-order ko dahil may kani-kaniyang brownies pa kami mula sa coffee shop na malapit. Pero gano'n na lang ang panlulumo ko nang maski higop ay hindi namin nagawa ni Katley. Naging abala na namang pare-pareho ang lahat bago pa dumating ang order. Kaya sa huli, after duty pa kami nakameryenda. Kung kailan pauwi na.

"Hahay, seminar na sa Byernes. Lunes na, 'day, ramdam ko na ang gastos," ani Katley nang nasa daan na kami papunta sa parking lot.

Binabagalan namin ang paglalakad para maubos ang in-order namin na pinanawan na ng kaluluwa.

"Hindi ko pa pala nabasa 'yong memo,"tatawa-tawang sabi ko. "Nabasa mo na?"

"Hindi pa, 'day" tawa rin niya. "Oo nga, 'no? 'Tagal nang ipinost ni ma'am 'yon, wala pa tayong nakabasa."

Nagtawanan kami. "Basahin ko bukas."

"Puro na lang gastos! Gusto ko sanang basahin 'yong memo the other day kaso baka gastos-gastos-gastos-gastos lang maintindihan ko. Ayaw ko na ma-stress,"kakamot-kamot sa ulong dagdag ni Katley. "Hindi ganitong life ang pinangarap ko sa totoo lang. Napapagod na 'ko pero kailangan kong magtrabaho."

Sumandal si Katley sa sariling sasakyan saka tumulala kung saan habang higop ang frap niya. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at makina niyon. Saka ko siya hinarap. Pabuntong-hininga kong tiningnan ang namomroblema niyang mukha.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now