Last Special Chapter

5.6K 272 50
                                    

Adrian's POV

Kanina pa ako rito sa tabi ng puno ng niyog habang nakaupo sa buhanginan at nakatanaw sa bunso kong na mag-isang gumagawa ng sand castle. Napapangiti nalang ako habang nakikita itong masayang masaya sa ginagawa niya.

Hanggang sa lumapit si Ritsu sa bunso ko at umupo sa buhanginan katabi nito. Kita kong nag-uusap ang dalawang hanggang sa nilahad ni Akiro ang kamay niya sa harapan ni Ritsu, pinatong nito ang kuyom na kamay sa nakalahad na kamay ng bunso ko na parang may ilalagay doon.

Tinanggal na ni Ritsu ang kamay niya sa pagkakapatong at kahit nasa malayo ako, nakita ko kung paano nangislap ang mga mata ni Akiro habang nakatingin sa kung anong bagay na nilagay ni Ritsu sa mga palad nito. Masayang dinamba ni Akiro ng yakap si Ritsu na niyakap naman pabalik ni Ritsu.

Kita ko ang saya ng bunso ko ngayon, nakita kong nag-usap sila hanggang sa lumapit si Akiro kay Ritsu at mabilis na hinalikan ito sa kanang pisngi. Nagulat ako dahil sa ginawa ng bunso ko, pero napangiti rin ako agad nang makita na ang gulat na mukha ng panganay na anak nina Kuya Ken at Kuya Ritsuki habang hawak ang pisnging nahalikan at nakatingin sa bunso kong tutok sa bagay na nasa palad niya.

    "What do you think?, they have chemistry right?" Biglang sulpot ni Kuya Ken at umupo sa tabi ko habang nakatingin sa anak namin na gumagawa ng sand castle.

Natatawa nalang akong napailing, "I hate to admit it, but you are right Kuya Ken" sabi ko habang nakatanaw pa rin kina Ritsu at Akiro na nagtatampisaw na sa tubig dagat.

    "How are you?, ilang taon din tayong hindi nagkita" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin pa rin ito sa mga anak namin habang nakangiti.

    "Nagmigrate kasi kayo ni Kuya Ritsuki agad, pagkagraduate niyo eh sa Japan eh. Kaya ayan tuloy ang tagal nating hindi nagkita" pagbibiro ko, sinisi pa ang fated pair niya eh Hahaha.

Natawa nalang si Kuya Ken at hindi na pinagtanggol ang fated pair niya. Nanatili pa rin itong nakatingin sa mga anak namin kaya binaling ko nalang ulit ang tingin ko sa dalawa.

    "I wish our oldest and youngest are fated pairs" ang naibulalas ni Kuya Ken kaya napatingin ako sa kaniya.

    "Yukito and Kira?"

    "Nah, I am talking about Ritsu and Akiro" sabi niya at tumingin sa akin.

    "But we aren't the one who can decide for them, only God" tapos bumuntong hininga siya na para bang nanghihinayang. Natatawang tinapik ko nalang ang balikat ni Kuya Ken, para mapatingin ulit siya sa akin.

    "Malay mo po, pakinggan talaga ang panalangin mo balang araw" sabi ko, napailing nalang si Kuya Ken at ginulo ang buhok ko.

    "But wait!, Did I just shipped our oldest and youngest?!" Tanong nito, kaya napahagalpak na ako sa kakatawa. Ngayon niya lang pala napagtanto ang pangsiship nito sa mga anak namin.

    "Hahaha, yeah you just did" tumatawa ko paring ani, lalo pa akong natawa nang sumimangot siya at tinignan ako ng masama.

    "Adr—"

    "Papa!" hindi na naituloy ni Kuya Ken ang sasabihin nang biglang sumigaw si Akiro kaya sabay namin siyang nilingon.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now