Chapter 24 (Jealous)

6K 321 26
                                    

Adrian's POV

Bukas na pala ang kaarawan ko at may magaganap na maliit na selebrasyon para sa akin.

Nandito ako ngayon sa kusina at kumakain ng almusal. Nakakapagtaka nga wala akong Kuya Ken na nakita ngayong umaga, ay hindi kagabi ko pa pala siya hindi nakikita.

Napabuntong hininga nalang ako at tinapos na ang pagkain ko para makapasok na ako sa klase namin. Hindi ko kasi mapigilan na hindi mag-alala kay Kuya Ken lalo na at napamahal na rin ako sa kaniya bilang kapatid.

Matapos makapag-urong ng pinagkainan ko, lumabas na ako ng dorm at inalock ito. Tahimik akong naglalakad sa daan papunta sa building ko. Palinga linga rin ako sa paligid at nagbabakasakaling makita si Kuya Ken. Pero bumagsak ang balikat ko dahil ni anino niya ay hindi ko makita.

    "Oh, kiaga aga ang lungkot ng mukha mo" bungad sa akin ni Matthias nang makasalubong niya ako papasok ng building.

    "Kagabi ko pa kasi hindi nakikita si Kuya Ken" sabi ko, inakbayan naman ako nito at ginulo ang buhok ko bago sumabay sa paglalakad.

    "Tomorrow is your birthday, kaya dapat masaya ka. Gusto mo bang malungkot ang pagdiriwang ng ikalabing pitong kaarawan kaarawan mo?" Sabi niya at hindi ko mapigilan na hindi matawa dahil napakalalim ng pagtatagalog niya.

    "Galing kaba sa sinaunang panahon at napakalalim ng pagtatagalog mo?" Natatawa kong sabi, at nakita kong ngumiti ito.

    "Pinapatawa lang kita, and see it works" sabi niya, napailing nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa room namin.

Habang naglalakad, nakasalubong namin si Kai.

    "Good Morning Kai" bati ko rito, ngumiti naman ito sa akin. Pero bigla iyong nawala at walang emosyon na nakatingin kay Matthias na nakaakbay sa akin.

    "Same" malamig na ani nito, at nilagpasan kaming dalawa. Naguguluhan naman akong napatingin sa papalayong anyo nito. Narinig ko naman na mahinang tumawa si Matthias kaya napatingala ako rito.

    "Why are you laughing?" Tanong ko pero umiling lang ito bilang sagot at hinila na ako para magpatuloy sa paglalakad.

    "It's nothing" sabi niya, hanggang sa makarating na kami sa classroom. Siya na ang nagbukas nito at nakaakbay pa rin siya sa akin habang papasok kami.

Kaya ayon, natuon sa amin ang atensyon ng mga kaklase namin. At dahil maissue ang iba naming kaklase, ayun tinukso kami. Bakit daw may paakbay akbay pang nalalaman?. Binabakuran mo noh?.

Nasa gitna sila ng panunukso sa amin nang humahangos na dumating ang tatlo. Sina Jade, Francis at April. Tinakbo atah papunta rito, pero himala hindi late si Jade ngayon.

    "Nakasalubong namin si Pres. Yuichiro at parang wala sa mood. Grabe nakakaintimidate ang nilalabas niyang aura" bungad agad sa amin ni Francis, nilapag muna nito ang bag niya sa upuan niya bago umupo sa table namin nina Jade.

    "Sinabi mo pa, nakakatakot kaya siya. Nakakaintimidate rin ang pheromones niya, nakakangatog ng tuhod sa takot" sabi ni April at kita talaga ang takot sa mga mata nila.

Napatingin naman ang tatlo sa amin ni Matthias na kasalukuyang nakaakbay pa rin sa akin. Kaya nagtataka naman akong napatingin sa tatlo nang tumango tango ang mga ito.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now