Chapter 15 (Famous)

5.9K 384 10
                                    

Adrian's POV

   Ang bilis talagang panahon, kailan lang noong nakauwi ako sa bahay. Sabado, pero ngayon ay lunes na at araw na naman ng klase. Kaya kahit ayaw ko pang humiwalay ulit sa pamilya ko, wala akong magagawa kundi pumasok at doon na muling tumuloy sa dorm ko.

   Alas singko palang ng umaga nang gisingin ako ni Mom para makapag-ayos na nang maaga akong makapasok sa Yunji University. Ngayon ay sama-sama kaming nag-uumagahan.

   Nagpresenta si Dad na hinatid ako sa University, habang si Mom naman ang maghahatid kay Daniel sa paaralang pinapasukan nito.

   "Haysss, mamimiss na naman kita" at niyakap ako, ganun din ang ginawa ni Daniel.

   Paalis na kasi kami ni Dad, pabiyahe sa Yunji University kaya nandito kaming lahat sa labas ng bahay at nagpapaalaman.

   "Don't worry Mom, uuwi rin ako sa Sabado. Oh pano ba yan?, Alis na po kami ni Dad at ikaw bunso pagbutihan mo ang pag-aaral ah" baling ko sa kapatid ko, at ito naglambing muna bago ako pinakawalan para pumasok na at tumabi kay Dad na nasa Driver's Seat.

   Kumaway ako sa kanila sa huling pagkakataon bago isara ang bintana ng kotse. Hindi naman naging boring ang biyahe namin ni Dad dahil pinag-uusapan namin ang naging lagay ko simula nang pumasok ako sa Yunji.

   Bago pa man kami makarating sa harap ng gate ng University, bumili muna si Dad ng limang kape sa malapit na cafe. Hanggang sa makarating na kami ng University, bumaba na ako ng kotse.

   "Here, ibigay mo sa mga kaibigan mo" sabay abot sa akin ng binili niya kanina.

   Kinuha ko naman ito, "Thanks Dad, ingat po kayo pauwi" pagpapasalamat ko at paalala sa kaniya.

   Kaya hayun, bumiyahe na siya pauwi. Ako naman ay tinahak ang mahabang daan papunta sa building namin.

   Pero habang naglalakad hindi ko maiiwasan marinig ang mga bulungan ng mga estudyante sa paligid ko.

Gosh! Is he the one who went viral?!

Oh my gosh, dito pala siya nag-aaral

It feels like seeing a celebrity

Totoo nga ang sinabi nila! ANG CUTE NIYA

Gurl, pahiram ng cellphone dali magpapapicture ako

Wait lang ateng ah, may lakad ka?!

Bilis!!!

   Hanggang sa may lumapit na sa akin na dalawang babae. Huminto naman ako mula sa paglalakad at ngumiting tumapat sa pwesto nila.

   "Um, pwedeng papicture kami?" Nahihiya pang tanong ng isa sa dalawang babae.

   "Pwede naman po" pagbibigay ko permiso sa kanila, kaya ayon hindi sila mapakali kung sino ang mauuna na makipagpicture sa akin.

   Pero buti naman at hindi na sila masiyadong nagbangayan kung sino ang mauuna nang magbato bato pick sila. Ako naman eh, natatawa nalang sa kakulitan nila.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now